Memory 15

919 21 9
                                    

"ATE AO!"

"Ay! Cockroach-face!" Bigla akong nagulat don sa sumigaw. Pagtingin ko ay ang tumatawa-tawang si Jin pala.

"Ano ka ba ate? Kanina pa kita tinatawag eh. May problema ka ba?"

"Ha? Ah, wala. May iniisip lang ako." At pinilit ko syang bigyan ng ngiti.

Pano ba to? Tatanungin ko ba sya ng tungkol sa kay Sky?

Hay! Ang hirap naman nito oh! Ba't ba kasi napaka ng lalaking yon!

FLASHBACK

"S-sky!"

Pinilit kong huminto at higitin ang kamay ko sa pagkaladkad nya sa akin. Huminto naman siya at nayayamot lang akong tiningnan. Pagkatapos ay hinablot uli ang kamay ko at kinaladkad patungo sa nakaparada nyang sasakyan.

Ano ba talaga ang lalaking to! Kanina kinakabahan ako sa kanya! Ngayon naman ay naiinis na ako! Napaka talaga ng lalaking to!

Grr!!

END OF FLASHBACK

"Hoy, Ate!"

Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Jin. Medyo nagtataka at nag-aalala na ang mga tingin nya sa akin.

"Ano ba talagang nangyari sayo, Ate? Para kang wala sa sarili, eh. Inaway ka ba ni Kuya?"

"Ang Kuya mo? Hindi nya ako inaway." Ni hindi nga nagpapakita sa akin yun for one week na eh.

"Well,, speaking of Kuya,,, Nasaan na sya? Ba't hindi ko sya nakikitang kasama mo?"

Yun din ang gusto kong itanong... Nasaan ang magaling mong Kuya?

"Yaaaa!! AO-UNNIE!"

"Ay, baklang kinaldereta! A-aa,,, Jiiin... ano ba? Hwag ka namang manggulat..." Gosh naman ang batang to... Muntik na akong atakihin sa puso... Grabe,,,

"Hahaha... Ate kasi eh... You're not paying attention kasi. Well, anyway, ba't ganyan ang suot mo?"

Napatingin naman ako sa suot ko. Kung makatingin kasi siya parang may nilabag akong dress code eh. Ano nga bang suot ko? Okay naman ah! Nakajeans ako at nakablack na blouse. Tsaka nakasneakers. Okay naman di ba? Pasado namang kasuotan para sa School Fest di ba?

Ah! Nga pala! Oo. School Fest nga pala namin ngayon. August na kasi eh. Kaya School Fest na namin. HAha!

Mabalik tayo rito sa batang mukhang Supervisor kung kumilatis sa suot ko.

"Ano ba'ng problema sa suot ko? Disente naman ah?"

"Yeah, yeah. Disente nga Ate, pero, hindi sya agaw-pansin. I mean, walang lalaking makakapansin sa'yo kung yan ang suot mo, Ate."

At bakit ko namang gugustuhing mapansin ng mga lalaki?

"Bakit kailangan kong magpapansin sa mga lalaki?"

"Ate?" with matching roll eyes pa. " Syempre School Fest natin ngayon. Maraming guys, especially from other schools. Malay mo, may mabingwit ka ritong big fish!" Enthusiastic at papalakpak pang sabi nito.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon