Memory 3

1.1K 33 12
                                    

 

Alison’s POV

Natapos ang araw na pulos masasakit na salita at mapang-uyam na mga tingin ang nakuha ko sa mga kaklase ko. Mga bruha talaga! Akala mo magaganda, eh hindi naman. Mga inggit lang kasi, lalo na nong halos lahat ng mga teachers namin eh pinuri ako. Kasalanan ko ba kung matalino ako? At pulos pagpapaganda lang ang laman ng kukote nila? Hmp! Ha-ha! I’m so evil!

At ngayon nga ay pauwi na ako... Mag-isa... Walang kasama… Walang karamay sa aking paglalakbay... Papuntang kawalan…

<Beep! Beep!>

“Ay tipaklong!” Namumutlang napalingon ako habang may nagse-celebrate ata ng chinese new year sa loob ng dibdib ko sa lakas ng dagundong nun.

 

“Hihi! Napakamagugulatin mo naman Ate Ao.” Aw, si Jin lang pala. Ang bago kong friend. Ang kaisa-isa sa school na ito.

“Pauwi ka na ba, Ate? Halika, hatid na kita.” Napataas bigla kilay ko. Wow? Talaga? Sasakay ako sa magarang sasakyan na yan? Eeeee… Baka madumihan ko lang. 

“Ate, lika na. Sige na. “ Haizt! Sige na nga! Minsan lang ako makakasakay sa mga ganitong klaseng sasakyan no! Tsaka sabi nga nila, 'wag tatanggi sa grasya. 

Manghang-mangha ako sa kotse nina Jin! Ang bongga eh! Ang gara talaga rito sa loob! Ang bango-bango pa! “Wow, Jin, siguro ang yaman nyo no? Buti naman at mabait ka at nakikipagkaibigan ka sa katulad kong dukha.”

“Palakaibigan talaga ako ate Ao. Matagal na. Tsaka ano naman ngayon kung mahirap ka Ate? Mas totoo ka naman kesa roon sa mga tinatawag mong katulad kong mayaman. “ Napangiti ako sa sinabi ni Jin. Nga naman! Agree ako dyan! Mabuti na lang di matapobre ang batang to. 

***

 

“Salamat, Jin, ha? Pero sure ka bang ayaw mong pumasok muna sa loob?” Nandito na kasi kami sa tapat ng humble home namin. 

“Gusto ko nga sana ate, eh. Kaya lang, nagtext si Mama na umuwi na raw ako. Napaparanoid na naman kasi si Mama sa kuya ko eh.” Nakasimangot na sabi ni Jin habang nakadungaw sa nakababang bintana ng kotse nito.

Kawawa naman pala sila. Basag-ulo naman ng kuya nya! Hindi na iniisip na may mga nag-aalala sa kanya. “O sige, ingat na lang kayo.”

“Sige, ate. Bye-bye!” Kumaway ako kay Jin bago nakangiti at palundag-lundag na pumasok sa loob ng bahay.

Fisrt day? Not bad.

 

 

***

Sky’s POV

Ugghh! I’m so tired! Gusto ko nang matulog.

“Sky! Are you even listening to me?”

Ano bang pinag-aalala ng lahat ng tao sa akin? I’m not 5 years old anymore! “Yeah, I heard you Mom. “

 

“Son, please, don’t do this. Huwag mong gawin sa amin to. Sa akin. Ako ang pinapatay mo sa pag-aalala sa tuwing lumalabas ka ng bahay.” Maluha-luhang sabi ni Mama habang kinakausap ako.

Hinawakan ko naman ang kamay niya para i-reassure siya.. “Ma, I’m not a kid anymore. And I can handle myself. I just want to feel free. Even for just a moment.”

Matagal ko nang tinanggap na hinding-hindi na ako magiging normal pa. Ang gusto ko lang ay maramdaman kahit sandal lang, na malaya pa rin ako. Kahit sandali lang.

“Ma, let Kuya be.”Napangiti ako nang makitang pumasok sa kwarto ko ang kapatid ko. Nandyan na ang lawyer ko. 

 

“Huwag nyo syang masyadong pressure-in. Baka magmala-ermitanyo yan. Di ba ikaw na rin ang nagsabi na dapat tratuhin natin syang normal katulad ng iba? Well, that’s not what you’re doing, Mom.” Hay! Ang galing talaga ng lawyer ko. Inakbayan ko siya nang umupo siya sa tabi ko pero sinimangutan lang naman niya ako.

“Fine." Malalim na napabuntung-hininga na lang si Mama at parehong tiningnan kaming magkapataid. "But, Sky, no more going home with cuts and bruises, okay?”

 

 

“Copy that.” Nakangiting sabi ko kay Mama, pero alam kong malabong mangyari 'yon. 

Sorry ma, pero hindi ko maipapangako yan.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon