"Sino ka?"
'Yan ang unang lumabas sa bibig nya pagmulat nya at pagkakita sa akin. Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang pagkalito at kyuryusidad sa mga mata nya. Wala ni kahit anong rekognisyon akong nakikita sa mga mata nya.
Hindi na nya ako kilala...
Nakalimutan na niya ako...
"Namamasyal lang ako. Nakita kitang nalulunod, kaya sinagip kita." Ang hirap pigilan ang mga luha na gustong kumawala muli sa mga mata ko. Pero nakayanan ko, hanggang sa ngumiti sya ng matipid at nawalan na naman ng malay sa bisig ko. Napayuko ako at hinayaan ko na muling umagos lahat ng luha na pinigilan ko.
Bakit pa ba ako nasasaktan? Alam ko na namang mangyayari rin to eh, pero bakit? Bakit kailangan pang mangyari to? Bakit kailangan ko pa syang makilala? Bakit kailangan pang ma-inlove ako sa kanya? Bakit kailangang mawala rin sya sa akin? Bakit ko pa ba hinayaan ang sarili kong umasa? Why did I let my self yearn for something that I could never, ever have?
Hinaplos ko ang mukha nya at yun na ang huling beses na nakita ko sya.
My last memory of her...
Napabuntung-hininga ako ng maalaala ko na naman ang nangyari noon. That was six years ago, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang sakit. Hindi ko kayang pakawalan ang sakit na yun, cause letting go of the pain also means letting go of her. At hindi ko kayang gawin yun. Tae lang! Sinubukan ko talaga, pero hindi ko kaya.
Tumingala ako at napatingin sa langit. Wala ni kahit isang ulap. Bughaw na bughaw ang langit. Naalala ko na naman sya. Bughaw. Ao. Alison.
"Naalala mo na naman sya no?" Bahagya kong niligon si Tears na nakapamulsang tumabi sa pagkakaupo ko sa porch ng bahay-bakasyunan namin.
"Lagi naman eh. Kailan ko ba sya hindi naalala?" Sa loob ng anim na taon ay hindi sya nawala sa isipan ko. Pagkatapos ng muntikan nang pagkalunod ni Alison noon ay nagpunta ako ng London. Hindi ko kayang makita sya na ni hindi man lang ako kilala. Na isa na lang akong estranghero ngayon sa buhay nya. Kaya lumayo ako. Namuhay ng mag-isa sa ibang bansa. Malayo sa kanya.
"Gusto mo syang makita?" Natawa ako ng mapakla. Gustuhin ko man o hindi ay talagang magkikita kami ngayon. Graduation party ngayon ni Jin. Magna Cum Laude sya at dito yun gaganapin. Kaya ako umuwi. Pero maduga talaga si Jin. Kaya pala nya ako pinilit na umuwi kasi inimbita nya rin si Alison. Talagang gusto nyang magkita kami ng Ate Ao nya.
"May choice ba ako?" Laglag ang balikat na sagot ko. Natawa naman si Tears. Mayamaya pa ay may dumating na babae at tumabi kay Tears. Nakangiti sya sa akin. Ipinakilala naman sya sa akin ni Tears. Avis Castro. Immune na mula sa angkan ng mga Jumbler.
"Kuya, may sasabihin kami sayo."
Jin's POV
"Ate Ao!" Masayang sinalubong ko si Ate Ao at niyakap ng mahigpit. Ang ganda nya pa rin. Bagay sa kanya ang pagiging isang Journalist. "Kamusta ka na Ate?"
"Okay lang naman ako, Jin. Congrats ah. Magna Cum Laude talaga. Naks!"
"Haha. Thanks, Ate." Gusto ko talaga sya para kay Kuya. Kaya gagawin ko ang lahat para maging isang genealogists. I'll discover the mystery behind our cursed blood.
"Kailan nga pala ang alis nyo ni Jay?"
"Next 2 weeks pa, Ate. Aayusin muna namin credentials namin." Jay and I are both Magna Cum Laude graduates of BS Biology and we will be leaving for the States para magproceed sa Medicine. Neurology naman ang naiisip na ispecialize ni Jay. Bagay talaga kami ng honey ko. "Ay, Ate, may alam akong place na may magandang view. Kita mo pa ang blue sky."
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
