Memory 18

801 17 8
                                        

 Hello!! Hehe! Wala lang... O sige basa na kayo... Haha! Tinotopak lang ako eh. Hehe

=====

Sky's POV

Ngumiti ako kay Alison na ginantihan din naman nya ng ngiti. Tapos ay tinanaw ko sya habang papasok sa bahay nila.

Hinatid ko sya sa bahay nila ng araw na yon dahil pinilit ko syang samahan ako sa Mall. Gusto ko lang naman kasing mamasyal. Tsaka may gusto lang akong kumpirmahin.

Naglalakad lang ako pauwi. Ni hindi rin naman ako nagmamadali sa paglalakad. Nang makarating ako sa isang kanto na wala gaanong tao ay bigla akong pumihit patalikod.

Bingo!

Nagulat at natigilan ang lalaking nakasunod sa akin. Actually, SUMUSUNOD sa akin. Ilang araw ko nang napapansin na may nakasunod at nagmamasid sa akin. At ngayon nga ay nahuli ko na ito.

"What do you want?" Seryoso kong tanong sa kanya. Para namang nahimasmasan ang lalaki at ngumisi sa akin. May topak ata to?

"I know who you are. I know WHAT you are, Sky Yoon." Nagulat ako sa sinabing iyon ng lalaki. Bakit nya ako kilala?

"Hoy! Sino ka ha? Ba't mo ko kilala? At huwag mo nga akong tinatakot." Humakbang ako palapit sa kanya sabay hubad ng gloves ko sa kanang kamay.

Mas lalo lang namang napangisi ang lalaki nang makita ang ginawa ko.

"Sigurado ka bang gagawin mo yan?" Ilang hakbang na lang ako sa lalaki. Pero parang hindi naman ito takot sa akin. Para ngang pinagtatawanan pa ako nito. Tignan lang natin kung makatawa ka pa pagkatapos nito. Agad na sinunggaban ko ang leeg ng topaking lalaki na ito. Pero ang inaasahan kong pagbagsak nya ng walang malay ay hindi nangyari. Tumawa pa ito ng mapang-asar sa akin.

"Hahahahaha! Akala mo ba talaga tatablan ako ng kakayahan mo Sky Yoon?" Nakakainis! Ang hambog talaga! Totohanin ko kayang pilipitin ang leeg nito para tuluyan nang manahimik?

Nangangati ang kamay kong gawin yun pero tinulak ko na lang sya palayo sa akin kaya napaatras sya. Tawa pa rin sya ng tawa.

Sino ba ang lalaking to? At bakit hindi sya tinablan ng ability ko? Huwag nyang sabihing immune din sya dahil talagang tutuluyan ko sya! Mga babae lang ang immune sa kakayahan namin! Pero ang gago, tawa pa rin ng tawa. Mukhang wala akong mapapala rito. Malala na ang topak nito. Makauwi na nga.

Tumalikod na ako sa kanya ng magsalita uli sya.

"Masaya ako at nagkilala na tayo, Sky Yoon. Sinisigurado ko sa iyo, hindi pa ito ang huli nating pagkikita." Ewan ko sa iyo! Hindi namain kita kilala eh. Baliw!

Nilayasan kong tumatawa pa rin yung unggoy na may topak. Pagdating ko sa bahay ay ang maarte ko namang kapatid ang nakasalubong ko.

 "Yah! Oppa! Saan ka nanggaling?" Nakapamaywang at nakataas ang isang kilay nito sa akin.

"Hinatid ko si Alison." Balewalang sagot ko sa kanya at nilampasan ito para makapunta sa kwarto ko.

"Nagdate kayo ni Ate Ao?" Nanlalaki ang mga mata nito habang nakasunod sa likod ko.

"Hindi. Namasyal lang kami sa Mall." Sagot ko sa kanya habang hinuhubad ang suot kong hoodie. Papunta pa lang sana ako sa cabinet para kumuha ng damit ay may inabot na sya sa aking puting t-shirt. Agad ko namang sinuot yun at umupo sa kama ko. Tumabi naman sya sa akin.

"So? Kamusta ang first date nyo ni Ate? Nagconfess ka na ba sa kanya, Kuya?" Tumingin lang ako ng masama sa kanya at ginulo ang buhok nya.

"Yah! Kuya! Ano ba!" Tinampal niya ang kamay ko tapos ay nagpout sa akin. Tss. Pareho sila ng babaeng yon. Mahilig ngumuso. Para na tuloy silang goldfish tingnan. Pfft.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon