Hmmm... hello! kung meron pa'ng nagbabasa nito... peo kung wala okay lang,, tatapusin ko pa rin to... hehe..
Thank you sa mga mapapadpad sa story na to! :D
----------------
Sky's POV
Langya! Hindi ba talaga ako titigilan ng mga ugok na to?!
"Pare... Pangtoma lang dyan.."
"Oo nga totoy... mukha ka namang mayaman eh. Grasyahan mo naman kami."
DIre-diretso lang ako sa paglalakad. Ayoko ng gulo ngayon. Tinatamad ako. Gusto ko lang maglibot-libot ngayon. Di gaya noong lumalabas ako, hindi ako ngayon naghahanap ng gulo.
"Oy bata! Ang yabang mo ah!" Lima sila at pinigilan ako ng isa sa braso ko. Mukhang mga construction worker ang mga amuks nila. Ang lalaki ng katawan, walang pera?! Peste!
"Brad, baka gusto munang pinipiga?" Sabi naman nung isang may bungi. Ang laki pa ng ngiti. Aish!
"Aba! Oo nga no! Hawakan nyu na to ng makapkapan!" At sa tingin nyo naman ganun lang kadali yun?
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila hanggang sa makawala ako, sabay hubad ng dalawa kong gloves at lagay sa bulsa. Nagalit ang mga loko, sinugod ako nong dalawa. Sinalubong ko naman sila ng mga palad ko. Pagkadaiti na pagkadaiti ng palad ko sa mga pagmumukha nila, bigla na lang silang natumba. Nagulat yung tatlo pero sumugod pa rin sila. Ngayon naman gamit ang mga kamao nila. Wala rin silang nagawa. Mabilis kong naiwasan ang suntok nung isa, sinalo ko naman ng palad ko yung mula sa isa pa. Agad syang natumba. Binalingan ko uli yung isang naiwasan ko yung suntok kanina. At isa nga uling suntok ang binigay sa akin na tumama na sa mukha ko, pero agad din naman syang natumba.
Isa na lang ang natitira. At hinaklit nya ang hoodie ko mula sa likod kaya nahubad ang hood sa ulo ko. Mabilis naman akong umikot paharap sa kanya at binigyan sya ng headbutt.
Bam! Lagapak din sya sa semento. Akalain mo yun? Ganyan kalalaki ang katawan ang hihina pala?
Psh!
Napasmirk na lang ako habang sinusuot uli ang mga gloves ko, at inaayos ang hood ng hoodie ko. Nagsisimula na silang balikan ng malay ng lisanin ko ang lugar na yun. Hindi ako nagmadali. Wala rin naman silang maaalala eh. Hindi nila ako makikilala.
Nakasuksuk uli ang mga kamay sa bulsa na naglakad-lakad uli ako. Ayoko namang pumirmi lang sa bahay. Mas lalo akong malulungkot. Mas lalo ko lang maaalala ang mga taong matagal na akong nakalimutan. At nakakasawa na ang parati akong malungkot.
Huminto ako sa paglalakad at tumingala sa kalangitang puno ng mga bituin. Napabuntong-hininga ako.
Gusto ko namang maranasang maging masaya.
Jin's POV
"KUYA!!???" napasigaw talaga ako pero agad naman nyang tinakpan ng kamay nya ang bibig ko. Na-shocked talaga ako pagkakita sa mukha ni Kuya. May pasa na naman kasi ang handsome face nya. Akala ko ba tinigilan na nya ang paghahanap ng gulo?
"Aisshh! Jin, pwede ba? Hina-hinaan mo naman ang boses mo? Parang may sunog kung makasigaw ka dyan eh." Inis na sabi nya sa akin at tinanggal na rin ang kamay nya. Buti naman. Hindi na ako makahinga eh.
"Eh, paanong hindi ako magpapanic kuya?" Sinundan ko sya habang papuntang kwarto nya. Buti na lang wala rito si Mama, kundi mag-hi-hysterical naman yun. "Di ba nag-promise ka kay Mama na hindi ka na maghahanap ng gulo? Ano yon? Two weeks lang ang tagal ng promise mo na yun? Ganun?" Hindi ko maiwasang lumaki ang mga mata ko sa pag-iinterogate sa kapatid kong to. Masyadong pasaway eh!
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...