Ang tagal kong hindi naka-UD ah! Pero andami ring nag-add nito sa rl nila. :D Salamat sa mga nag-add! Masayang-masaya talaga ako! :D
Dedicated to sa kanya kasi sabi ko last chapter sa kanya ko to ideddedicate eh. Hehe.
Enjoy reading!
======
Sky's POV
"Oy? Kanina ka pa ah? Ba't mo ba ako binabantayan?"
Napabuntung-hininga at walang ganang napatingin ako dito sa babaeng nakasuot ng jersey ko. Tiningnan ko lang sya habang hindi sya magkandaugaga sa pagpilit na mailagay sa bag nya ang mga libro at ibang gamit nya.
Prenteng nakasandal habang nakapamulsa ako rito ngayon sa dingding sa labas ng room nila. Hinintay ko talaga sya. Hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa talagang wala akong magagawa. Sumbungera kasi ang magaling kong kapatid eh! Kaya ayan! Pati si Grandma, tinatawagan pa ako para pagalitan na kesyo raw pinapabayaan kong mapahamak ang babaeng to dahil sa akin. Eh, sa kasalanan ko ba kung tatanga-tanga to? At ang weak-weak pa!
Aisshh! Buhay!
"Akin na nga yan!" Inagaw ko ang mga dambuhalang libro na pilit nyang sinisiksik sa dugyut nyang bag. Nakakainis na eh.
"Oy! Ibalik mo nga yan!" Pinilit nya namang kunin ang mga libro pero iniiwas ko lang naman yun sa kanya.
"Pwede ba? Huwag ka na ngang magulo?"
"Aba?! Ba't ako pa ang magulo? Eh ikaw nga tong basta-bastang nang-aagaw ng gamit dyan, eh!" Sabay cross-arms at taas pa ng kilay sa akin. Nakakainis ha? Sipain ko kaya to?
Nagsmirk na lang ako sa kanya sabay sabi ng "Hindi bagay sayo. Nagmumukha kang trying hard. Try mo'ng magmukhang kawawa, baka mabigyan ka pa ng award." Sabay ngisi ko sa naiinis nyang mukha at tumalikod na.
"Hoy! Saan mo dadalhin yang mga libro ko!"
"Booknap!" Booknap? Ayos ha? Saang dictionary ko nakuha yun? Haha!
"Ano'ng booknap-booknap yan? Hoy ibalik mo nga ang libro ko nang makaalis na ako!"
Bigla naman akong huminto at pumihit paharap sa kanya na ikinagulat nya. Bahagya akong kinabahan nang makitang masyadong magkalapit ang mga mukha namin. Pero saan nga ba ako kinakabahan? Sa muntikan nang pagkakadikit ng mga mukha namin at sa posibilidad na mabura ang alaala nya sa akin kapag nangyari yun? O dahil sa ngayon ko lang napansin na maganda rin pala ang babaeng to? Pero alin man sa dalawang yun ang dahilan ng kakaibang pintig ng puso ko, ay hindi ko na dapat iniintindi sa ngayon. Kaya ngumisi ako sa kanya.
"Kaya ko nga binobooknap ang mga libro mo eh. Para mas mabilis tayong makaalis dito at nang pareho na tayong makauwi."
"Tigilan mo nga ako sa mga panti-trip mo na yan! Tsaka hindi pa ako uuwi no? May pupuntahan pa ako." Naka-iwas ang tingin na sabi nya. Namumula pa ang pisngi nya. Pfft! Kakatawa ang mukha nya! haha!
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Cerita PendekSky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
