Haha! Natuwa ako sa offer nya eh. Kaya lang hindi pwede kaya ang bargain ko, idedicate ko na lang sa kanya ang memory 21. Next memory dedicated to yuki_angel na nagsabing iniimagine nya minsan si Sky bilang bf nya. Haha.
Enjoy reading!
===========================================================================
Parang madman na pinaharurot ni Kuya Sky ang sasakyan. Kitang-kita ang pag-aalala nya sa panginginig ng mga kamay nya at sa walang patid na pagsasabi nya ng "shit". Pati ako kinakabahan din. Ba't ba kasi nagmamarunong talaga si Jin at ang motor pa talaga ang ginamit nya.
Tsk!
Parang walang ibang sasakyan sa kalsada na dire-diretso lang ang pagtakbo ng mabilis ng sasakyan. Hanggang sa may makita kaming umpok ng mga tao na parang may pinagkakaguluhan. Mabilis na nagpreno si Kuya at bumaba ng sasakyan. Sumunod naman ako. At parang hindi ako makahinga ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
Nakasalpok sa poste ng kuryente ang sirang motor ni Kuya Sky. At nakasalampak di kalayuan dito ang umuungol na si Jin, at sa gilid naman ng motor ay ang walang malay na si Ate Alison. Parehas silang duguan.
"Alison!" Tumakbo kaagad si Kuya kay Ate. Nilapitan ko naman si Jin.
"Jin." Lumuhod ako sa harapan nya at tinulungan syang makaupo ng maayos.
"T-tears? S-si Ate Ao, Tears. Si Ate A-ao." Parang hilo na paulit-ulit nyang sinasabi. May mga galos sya at maliliit na sugat sa braso at mukha. Tsk! Walang helmet.
"Si Kuya Sky na ang bahala kay Ate. Halika na. Punta tayong Ospital." Binuhat ko sya ng pa-bridal style. Nakita kong pinapasok na rin ni Kuya si Ate Ao sa kotse.
"Kamusta si Jin?" Salubong nya sa amin. Pinasok ko na muna si Jin sa loob ng sasakyan, bago sumagot.
"May mga galos at maliliit na sugat lang sya, pero mukhang okay naman." Nagmadali na kaming pumasok sa sasakyan at pinasibad na naman iyon ni Kuya papuntang Ospital. "Si Ate?"
"Ang dami nyang sugat. At mukhang nabagok ang ulo nya." Puno ng pag-aalala ang boses ni Kuya Sky at masyadong mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela. Nilingon ko naman ang dalawang babae sa likod. Umiiyak si Jin habang inaalalayan ang walang malay na si Ate Alison. Mukha ngang masama ang lagay ni Ate. Ang daming dugo na lumalabas sa mga sugat nya, lalo na sa sugat nya sa ulo!
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa Ospital. Agad na sinugod sa emergency room sina Jin at Ate Alison. Hindi naman mapakali si Kuya Sky sa pag-aasikaso kay Ate at kay Jin. Tinawagan ko na rin ang Mama ni Ate Alison pati na ang Mama at Lola nina Kuya. Si Jay tinawagan ko rin. Alam kong masyadong nag-aalala si Kuya Sky para isipin pa ang mga bagay na yon kaya ako na lang ang gumawa.
Ang minuto ay naging oras. Si Jin ay okay na, kasama na nito si Jay. Konting galos at sugat lang ang natamo nya, pero si Ate Ao? Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kinailangan syang salinan ng dugo. Pero walang stock ng blood type ni Ate sa ospital kaya nagvolunteer si Jin na maging donor. Magka-blood type pala sila. Total, kasalanan din naman daw nya kung bakit nasa ganoong sitwasyon si Ate.
Dumating na din ang Mama ni Ate Ao. Nagsorry si Jin sa kanya, pero imbes na pagalitan si Jin ay niyakap pa ito ni Tita at nagpasalamat na okay na sila ni Ate at ligtas na sila. Nang mailipat na sa isang private room si Ate Ao ay saka naman dumating ang Lola at Mama nina Kuya Sky. Pinagalitan nila kaagad si Jin, pero mabuti na lang daw at okay na sila. Nakilala ko rin si Uncle Simon na kaparehas naming dalawa ni Kuya.
Okay na ang lahat. Ligtas na si Ate Ao. May benda nga lang ang ulo at naka-cast ang kaliwang braso. Pero okay na sya. Mas sobra pa sa okay. Jin has given her a new life.
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
ContoSky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...