Memory 7

913 26 9
                                    

Salamat po sa mga nagbabasa ng story kong ito... Pasenxa na po kung may mga palpak ako. Open rin naman ako sa mga suggestions eh. :D

-------------------------------

Alison’s POV

<Principal’s Office>

“Maam? Pinatawag nyu raw po ako?”

“Ahh, yes, please sit down, Ms. Olivarez.”

Hooh! Kinakabahan ako. Baka kung ano ang nagawa ko na hindi ko nalalaman. Naku! Kaka-transfer ko pa lang nga ma-eexpel na agad ako?! Pano na ang mga pangarap ko? Papa Lord, huwag naman sana! Huhuhu..

“Alison..

“Maam! Hindi ko po sinasadya kung ano man po yung ginawa kong paglabag ng rules, maam. Hindi ko po talaga po alam na bawal po yun. Gagawin ko po ang lahat , maam, maglilinis po ako ng banyo ng girls kahit na ng boys po, magwawalis ng isang lingo kahit isang buwan pa po, basta huwag nyo lang po akong i-expel maam… Nagmamakaawa po ako…”

“Haha… “

0.0

Huh? Ba’t naluluha sa kakatawa si Maam?

“Uhummm… Ms. Olivarez, hindi kita pinatawag dahil sa may violation ka.”

0.0

“Talaga po? Wala po akong violation?”

O_O

“Wala, iha.” ^_^  “Ba’t mo ba kasi iniisip na meron?”

Ay? Hehe. Ang tanga ko naman. HAha.

“Well, kaya kita pinatawag, kasi imbitado ka sa isang gathering this weekend. Sa mga Mondragon ang gathering na yan, at dinadaos talaga yan para makilala rin nila ng personal ang mga beneficiaries ng foundation nila. Kaya expected kang pumunta roon, okay?“ ^_^

Inabot ko ang isang sosyal na invitation mula kay Maam Jimenez at nagpaalam na rin sa kanya.

Grabe. Ang yaman talaga nila. Magdadaos ng party para sa mga beneficiaries at talagang engrande pa ha. Dapat kasi casual/semi-formal ang attire.

T_T

Saan naman ako kukuha ng damit na babagay sa okasyon na’to?

T_T

“Ate Ao!”

Si Jin pala.

:)

“Hi ate! Op, anu yan?”

“Ah, eto? Invitation mula sa mga Mondragon for this weekend.”  Ibinigay ko sa kanya ang invitation, after nyang basahin yun ay ibinalik nya ulit sa akin.

“May susuotin ka na ba?” At sabay na kaming naglakad sa hallway.

“Wala pa nga eh. Wala naman kasi akong sosyal na damit.”

>.<

“Cheer up, ate. Ako ang bahala sa’yo.”

“Talaga?”

“Oo. Ako ang bahala sa’yo. Basta solve na yung problem mo.”

^__^

Ayos to ah! Buti na lang may kaibigan akong rich. Hehe.

Sky’s POV

“Shin Kyler?”

Napalingon ako ron sa tumawag sa pangalan ko. Iisa lang ang tumatawag sa akin sa buo kong pangalan.

“Grandma.” Nakangiting sinalubong ko siya at hinalikan sa pisngi. Birthday niya ngayon, kaya nandito kami sa mansion nila. Sina Mama kasi ang nag-aarrange ng party para sa kanya.

“How are you doing, Shin Kyler? Nagsumbong sa akin si Jin Aaliyah. Ina-isolate mo raw ang sarili mo sa iba . Totoo ba yun?” Kahit kailan ang daldal talaga ng Jin na yun. >:-(  “Shin Kyler, hindi porket kami lang ang malayang nakakahawak sa iyo ay itataboy mo na ang lahat nang gustong makipagkaibigan sa’yo. Tandaan mong gusto ka rin naming maging masaya.”

“Yes, Grandma. I know that.” Maging masaya? Panu ba yun?

“Sige na. Maghanda ka na. I want you to mingle with other people tonight, okay? Birthday gift mo na sa akin yun. Arraseo?”

“Okay, Grandma. For you.” Ngumiti ako ng bahagya, then she patted my head and left me there in the balcony.

Maki-mingle? Tss! Papano ako makikimingle sa kanila kung unang tingin pa lang nila sa balot na balot kong katawan e lumalayo na sila?

Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping yun. What’s the use of mingling with people who are fake and rotten on the inside? Ngingiti sila pagnakaharap ka, pero kung anu-anong panlalait ang lumalabas sa mga bibig pag nakatalikod ka na. That’s what I really hate about these people. Well, besides the fact that I really don’t want to get close to any of them. Hindi lang talaga ako basta-basta nagtitiwala.

“I heard from Jin that there is this girl at your school..” Napalingunan ako sa isang lalaking nasa late twenties na ang edad. Matikas ang pangangatawan nito at kitang-kita ang pagiging mestizo nito. Pero katulad ko ay balut na balot din ito ng damit pero nakangiti ito at maaliwalas ang mukha. Hindi katulad ng sa mukha ko. Tumabi sya sa akin sa pagkakatukod sa balustre sa balkonahe.

“Exagge lang talaga si Jin, Uncle.” Kung anu-ano na naman siguro ang pinagsasabi ng isang yun.

“Well, it’s time na makipagkaibigan ka rin sa mga ka-edad mo. Hindi naman pwedeng puro kami lang ang nakakahalubilo mo. Iba pa rin na may nakikita at nakakausap kang may pareho ng wavelength ang utak sa iyo.” :)

Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Uncle Simon has the same ability as me, pero ang parati kung pinagtataka ay kung bakit parang wala lang sa kanya yun. Parati kasi syang nakangiti. But I know how lonely his life is. Like mine.

“Sky, you have only one life in this world. Don’t restrict yourself just because you’re afraid to try. Huwag kang matakot na magtiwala at ipagkatiwala ang sarili mo sa iba. You’ll never know who are those who are worth risking for if you don’t take the risk to step out of your shell.”

“Bakit ka parating nakangiti, Uncle?”

Medyo nagulat sya sa tanong kong yon pero gusto ko lang talagang malaman eh. Bakit sya masaya sakondisyon nya? Wala kasi akong makitang kaaya-aya sa kalagayan kong to.

“Find out for your self, Sky.”

At misteryoso syang ngumiti sa akin bago umalis.

Ano ang ibig nyang sabihin?

----

Yan! Nakapag-update na rin! Tapos na kasi ang thesis eh!

I'm very much open for your comments, suggestions, objections, INJECTIONS!!!

:D Vote if you want!

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon