Memory 16

787 22 4
                                    

Cori! Dedicate ko to sayo ha? Hehehe.... Pagtyagaan mo na lang. hahaha

Enjoy reading!

-------------------------

Alison's POV

"Sky?"

Ginalaw-galaw ko sya. Umungol lang naman sya, pero hindi nya naman ako pinansin.

"Sky.."

Napa-pout na ako sa puntong yun. Naiinis na rin ako.

"hmmm..."

Napabuga na ako ng hangin.

"SKY!!"

Marahas syang napamulat at binigyan ako ng matalim na tingin.

"Ano bang problema mo? Kita mong natutulog ang tao eh." Lumalabas ang mga ugat sa leeg oh.

"At ano ang nginingiti-ngiti mo dyan?"

Mabilis pa sa alas cuatrong nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa paninita nya. Malay ko bang napapangiti ako sa pagsusungit nito?

"Hindi ka pa ba aalis?" Naka-iwas ang tingin na tanong ko sa kanya.

"Bakit?" Naghihikab na tanong nya tapos ay bumalik sa pagkakapikit ng mga mata. "Gusto mo na ba akong umalis?"

Napa-pout ako. "Hindi naman sa ganoon, kaya lang kasi, ang bi---

Naputol ang pagrereklamo ko nang biglang lumipad ang kamay nya papunta sa mukha ko. Kamay nyang naka-gloves ha? Syempre baka mawala memories ko sa kanya no? Ayoko naman nun. Hehehe.

Ganito kasi yun. Nandito kasi kami ngayon sa rooftop - Ang saksi sa kacheesy-han ko nung isang linggo. Naka-upo ako ngayon at nakasandig sa may dingding ng rooftop, habang siya naman ay nakahiga sa lap ko. Oo! Nakahiga! As in KANINA PA! Nangangalay na nga ang mga binti ko eh! Pero hindi ako maka-angal. Kasi naman ihh!

"Di ba sabi mo hindi mo ako lalayuan? Ayaw mo akong iwan?" Mula sa pagkakapikit ay minulat nya ang mga mata nya at matamang tumingin sa akin. "It means gusto mong parati akong kasama."

Napamula ako sa pagpaparemind nya sa mga ka-mais-an na pinagsasabi ko sa kanya last week. Hindi ko naman kasi alam na magiging ganoon kadrama ang moment of truth na yun eh! Eh, sya naman ang nauna. May pa-iwan-mo-na-ako effect pa sya! Kaya ayun! Lumabas na rin ang dramatic side ko! Aissh!  Kalurkey!

"Hindi mo na pwedeng bawiin ang mga sinabi mo. Kaya magdusa ka." Biglang na-wash out ang kilig na naramdaman ko dahil sa sinabi nya. Magdusa pala ha?!

Bigla akong tumayo dahilan para mabulabog sya. Pabalikwas syang napabangon.

"Araaay! Ano'ng ginagawa mo?!" Singhal nya sa akin.

Pero wapakels ako. Kung alam ko lang sanang aalilahin nya ako ng ganito, di sana hindi ko na lang sya pingilan sa kadramahan nya last week. Sana hindi ko na lang pinagsasabi yung mga sinabi ko. Hmp!

Pinagpag ko ang uniform ko at bumirada ng alis. Walang lingon-lingon. Nagtatampo ako, kaya bahala sya dyan.

Sky's POV

Ano'ng problema ng babaeng yun?

Bigla-bigla na lang aalis. Tsk! Kahit kailan hindi ko talaga maiintindihan ang mga babae! Hanep pa sa bagyo kung magbago ng mood!

Aisssh!! Bahala nga sya dyan! Babalik na lang ako sa pagtulog ko.

.

.

.

.

.

.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon