Dedicated sa kanya para sa cute na cute na bagong cover ng Will You Remember My Name! Thanks!! "D
============================
"Kuya?"
Nilingon ko si Tears na nakalapit na pala sa akin. Nandito ako ngayon sa labas ng canteen at nakatanaw kay Alison na kasama sina Jin at Jay habang kumakain.
"Ba't hindi ka sumamang kumain sa kanila?" Tanong nito nang tumabi ito sa akin ng pagsandig sa pader.
"Ang ingay nila don eh. Tsaka kasama na nya sina Jin. Okay na sa akin yun." Tumatawa si Alison habang may kung anong pinag-uusapan sila nina Jin. Matagal ko ring hindi nakita ang tawa nyang yan. Namiss ko ang tawa nya.
"Kuya?" Nilingon ko uli si Tears. Nakatingin rin sya sa tatlo. "Pano mo natitiis ang sitwasyon nyo ni Ate Alison?"
"Aling sitwasyon?"
"Yung hindi mo sya mahawakan ng maayos? Kailangan mo pa ng gloves para maka-holding hands sya. Kailangan nyo pang dalawa na magsuot ng hoodie para mayakap nyo ang isa't-isa. At kailangan mo pang takpan ang noo nya para lang mahalikan sya." Napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay ko. Pano nya nalaman yun?
"Ba't mo alam yun? Ha?" Medyo naiinis na tanong ko sa kanya. Tsismosong bata to eh!
"Ehehe! Wala lang. Basta, alam ko. hehehe." Nagpeace sign pa ito sa akin. Tsk!
"Okay na ako na magkasama kami." Sagot ko na nakakunot ang noo at nakahalukipkip sabay tingin uli kina Alison. "Masaya na ako na makita syang nasa tabi ko. Masaya na ako na parati ko syang nakakasama. Wala akong pakialam kung hindi ko sya mayakap o mahalikan ng mabuti. Basta nasa tabi ko lang sya."
"Martyr ka pala, Kuya." Pagkarinig ko ng sinabi ni Tears ay galit na napatingin ako sa kanya. Malapad na nakangiti naman sya. "Bihira na lang ang mga lalaking ganyan magmahal. Good luck, Kuya." Tinapik nya ako sa balikat tsaka na lumakad palayo. May mga mangilan-ngilang estudyanteng babae ang bumati sa kanya pero nilagpasan nya lang ito. Napangisi naman ako.
Aba! Parang ako lang noon ah?
"Sky?" Napalingon ako kay Alison na kakalabas lang sa canteen. Nakangiti sya sa akin. Agad ko syang sinalubong.
"Ang ganda ng ngiti natin ah?" Nakangiti ko syang sinalubong sabay akbay.
"Yaa! Kuya! Chansing yan ha!" Gulat naman kaming napalingon kay Jin na sumigaw.
"Ahh,,, ako chansing? Eh, yang lalaking yan?" Tinuro ko si Jay pagkatapos ay ang magkahawak nilang mga kamay. "Hindi yan chansing?"
"Kuyaaaa.... iba to. Okay? Mag-bfgf kami. Eh, kayo?" Nakangisi sya ng ituro naman kaming dalawa ni Alison.
"Umalis na nga kayo. Ang ingay nyo."
"Hahah! Amin-amin din pag may time,Kuya! Hahah!"
"Get lost, Jin!"
"Uy, wag kang ganyan... hahah... wag mong awayin si Jin." Natatawa sya nung balingan ko sya. Ito ang namiss ko eh. Yung nakangiti nyang mukha. Namiss ko yung maingay na si Alison. Puro na lang kasi yung umiiyak na mukha nya yung nakikita ko this past few days. It's a relief to see her smiling again. At masaya ako na nasa tabi ko pa rin sya after nang lahat na nangyari sa kanya.
"Araayy!! Ba't mo ginawa yun?" Hinihimas-himas na tanong nya sa akin. Pinitik ko kasi noo nya eh.
"Wag kang masyadong ngumiti." Baka may ma-inlove sa'yo. Nagpout naman sya sa akin habang hinihimas pa rin ang noo nya.
"Eh, ba't ikaw, okay lang na ngumiti ka?"
"Sino'ng nagsabing nakangiti ako?"
"Eh, ano'ng tawag mo dyan?" Pinisil nya ang magkabila kong pisngi tsaka tumawa ng wagas. Tuluyan na nga rin akong napangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/3676884-288-k959404.jpg)
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Historia CortaSky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...