:D
Birthday khapon ni my loves KYUHYUN eh... Kaya mag-a-update na ako... hahah...
*********
Sky’s POV
“Oppa, hwag ka namang maging rude kay Ate Ao. Ang bait-bait nya eh.” Minsan nagtataka na talaga ako kung sino ang mas matanda sa amin nitong si Jin. Parati na lang kasi akong pinapangaralan eh.
“I’m not being rude to her, Jin. Ayoko lang na isipin nyang pwede syang maging kaibigan ko. Tsaka ang ingay-ingay kaya niya.”
“Normal lang yun. At bakit naman hindi sya pwedeng maging kaibigan mo?” Nakapamaywang pa talaga sya oh! Para syang si Mama.
“Jin, you know my situation, right? Alam mo kung ano’ng mangyayari sa kanya kung mapapalapit sya sa akin.” Ba’t ba ang tigas ng ulo nito? Ang hirap paliwanagan!
“Mawawala lang naman ang alaala nya sa’yo. Eh, ano’ng kinakatakot mo ron? Kung talagang naiingayan ka sa kanya, dapat nga mas gusto mo pang makalimutan ka nya, diba?”.
(o.0)
Aissh! Alam ko na kung saan patungo ang usapang to.
“O baka naman natatakot ka lang na kapag napalapit sya sa’yo ay bigla rin syang mawala? Na kapag naging kaibigan mo sya, hihilingin mo nang sana hindi ka na nya makalimutan? Kasi natatakot ka nang masaktan. Yun ba ang dahilan kaya ayaw mong mapalapit sa kanya o sa kahit na sinong tao? Yun ba? Kuya?”.
Kahit kailan hindi nila maiintindihan ang kahungkagang nararamdaman ko sa puso ko dahil sa sumpang to. “Just let me be, Jin. Ayokong pag-usapan to. Arraseo?” At nag-walk-out na naman ako.
“You can’t walk away forever, Kuya. Someday, you’ll have to face this head-on. And you can’t be afraid anymore when that time comes. Or you’ll lose everything.” Napahinto ako ron. Bakit ba may kapatid akong parang matanda kung mag-isip?
“Maybe someday, Jin. Someday.”
Panu nga ba pag dumating ang panahon na yun? Ano nga kaya ang dapat kung gawin? At may point sya ron kanina. Na kung talagang ayaw ko sa Alison na yon, dapat nga mas gugustuhin ko pang makalimutan na nya ako.
Pero..
Bakit parang ayaw ko?
Para kasing nakikita ko sa kanya si Kylie, eh. Aiishh! Anu ba yan? Hindi naman ganun kaingay si Kylie eh! Hay! Ba’t ko ba iniisip ang mga ganitong bagay?
****
Alison’s POV
Ba’t ba naman ang layo ng library sa building ng mga fourth year! Hooh! Napag-utusan kasi akong bumalik ng mga libro sa library kaya ngayon ay naglalakbay ako mula sa aklatan papuntang silid-aralan namin. Hehe.
Nanana…
Huh? Si Sky ba yan? Ano’ng ginagawa nyan doon?
Wait lang? Hala! Ba’t parang may kaaway yun?!
****
Sky’s POV
Napagtripan na naman ako nina Karl. Hay! “Ba’t ba ang angas-angas mo ha? Porket ikaw ang pinakamayaman dito kaya ganyan kang umasta? Ayus-ayosin mo ha! Ayokong kinakawawa mo ang Fiona ko!”
Ahhh… Nagpapa-good shot pala sa nililigawan. As if naman papatulan sya ni Fiona. Eh, iba ang hanap nun eh…
“Aba boss, mukhang papalag pa oh…”
Hay!
Sige na!
Suntukin nyu na ako!
Bilis na!
Para matapos na to!
Kupad-kupad pa, eh!
“Pwede ba? Kung susuntukin mo ako, gawin mo na lang.” Kanina pa ako nagtitiis sa baho ng hininga mo eh!
“Aba! Talagang mayabang ka ha!”
Ayan na! Susuntukin na nya ako!
.
.
.
.
.
.
.
“HOY!!! ANO’NG GINAGAWA NYO KAY SKY??!!”
AIISSHHH!!!
NAMAN OH!!!
Ang galing tumayming ng babaeng to! Oo!
Hay!
“Tsk! Pasalamat ka. Sa susunod, durog yang pagmumukha mo. Tara!”
Hay! Wala na. Umalis na. Sayang ang pagkakataong makalimutan na ako ng isang yun! Tsk! Inaayos ko ang nalukot kong hoodie nang tuluyang makalapit sa akin si Alison.
“Sky? Okay ka lang b..”
O.O
“Don’t touch me.” Mahigpit kong hawak ngayon ang wrist nya. Tinangka nya kasing hawakan ang mukha ko.
Pero wait…
Chance na to para tantanan na nya ako ah! Ba’t pinigilan ko pa?
“S-sorry. “>.<
“N-nag-aalala lang naman kasi ako sa’yo eh! Baka kasi napingasan nila ang beautiful face mo! Eh, hindi katanggap-tanggap ang pangyayaring yun! Sayang ang kapogi-an mo, kung gagawin nila sayo yun! Hindi ako papayag! NEVER in Akhkghdkajdkd!” Tinakpang ko ang napakaingay nyang bunganga! Ang ingay-ingay nya talaga! “Aissh! Tumahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo eh! Tss!”
Maka-alis na nga!
“Sky! Oy? Saan ka pupunta? Hindi dyan ang papuntang fourth year building! Oy!”
Haay naman! (roll eyes)
Patahimikin mo naman ako, pwede??
Comment po kayo and vote! :D
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
