Chapter 15

109K 3.9K 3.6K
                                    

Chapter 15

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Kanina ko pa gustong magsalita, pero hindi ko kasi alam iyong sasabihin ko. Gusto kong itanong kung ano ang trip niya at napunta siya rito—'wag niya lang masabi na trip niya lang kasi literal na ang layo ng Abra mula dito, ha! Ang lakas naman ng trip niya, if ever.

"Samuel—"

"Deanne—"

Sabay kaming natigilan sa katangahan namin. Napa-tingin kami sa isa't-isa. Natawa siya nang bahagya.

"You go first," sabi niya.

Umiling ako. "No, ikaw muna."

"Ladies first."

"I insist," sagot ko sa kanya.

Natawa ulit siya. "Okay, then," sabi niya habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Mararating kaya namin iyong dulo ng resort na 'to? Kasi kanina pa kami naglalakad pero ngayon pa lang kami magsisimulang mag-usap. Ano'ng oras kaya ako makaka-uwi—or better yet, uuwi pa kaya ako?

Lecheng imagination 'yan! Kung saan-saan na napupunta e naglalakad lang naman kami!

"Nakapag-enroll ka na?" he asked.

Kumunot ang noo ko. "Natanong mo na ata sa akin 'yan?"

"Really?"

I nodded. "Yup."

Tumango-tango lang siya, pero hindi na ulit nagsalita. Nasa loob lang ng mga bulsa iyong mga kamay niya. Ang cute-cute niya tignan sa suot niyang bulaklakin na polo. Gusto ko ng remembrance! Pero ang weird naman if aayain ko siya magpicture!

"Nag-enroll ka na?" tanong ko sa kanya kasi nase-stress ako bigla sa katahimikan.

He nodded. "Yup," he said.

Tangina, ano na?! Ano ba ang ganap tonight?! Gustung-gusto ko na siya tanungin kaya lang ay kinakabahan talaga ako. Bigla tuloy akong nagsisi na nagdala ako ng sasakyan. Beer would be nice at this point.

"Deanne—"

Agad akong tumingin sa kanya. Bigla kasing nabasag iyong katahimikan nung tawagin niya iyong pangalan ko. So, I quickly looked at him... both my eyes were on him. Napa-kunot din ang ulo ko. Kinakabahan ba siya? His eyes looked uneasy. Ano ba ang nangyayari?! Pwede ba na magsalita na siya kasi ang hirap maging feelingera!

"Samuel," pagtawag ko sa pangalan niya nung sampung segundo na ang lumipas at hindi pa rin nadudugtungan iyong pagtawag niya sa pangalan ko.

Huminga siya nang malalim. "Okay," he said.

"Okay what?"

"Can we sit?" he asked.

I shrugged. "Sure," sabi ko.

We checked first kung may bubog ba or what iyong uupan namin, and after we made sure na malinis naman, we sat down on the sand. Naka-tingin kami sa buwan. In fairness, full moon pala ngayon. Naka-tingin lang ako doon habang nag-aagaw sa pandinig ko iyong hampas ng alon at saka iyong tunog mula sa live band doon sa may isang resto bar.

"Okay ka lang ba?" I asked because he not only looked uneasy—he also felt uneasy.

"Medyo."

"Medyo?" I repeated. "May sakit ka ba?" tanong ko kasi baka meron nga. Mukhang mas plausible naman iyon kaysa sa mga bagay na naiimagine kong mangyayari ngayon.

"Wala naman," he replied.

"So... bakit hindi ka okay?"

Hindi agad siya sumagot. Balak ata ng tao na 'to na patayin ako sa kaba dahil sa paghihintay kung ano ang gusto niyang sabihin or gawin sa akin. To be honest, kung tama man ang iniisip ko, then there's no need to worry! 'Di naman ako pakipot na tao! Like him, I believe that life is short, so kung gusto mo at wala ka namang natatapakan na tao, go!

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon