Chapter 32
Hindi ako maka-tulog.
Kanina pa paulit-ulit sa isip ko iyong sinabi ni Shanelle. Did she mean that... she's gay? Iyon ba ang ibig sabihin niya? I kept on repeating our conversation inside my head pero doon talaga ako paulit-ulit na bumabagsak. That she's gay... Because that's what she meant, right? Nung sinabi niya na hindi siya attracted kay Samuel at hinding-hindi siya maaattract? Or maybe she's asexual?
This case was driving me insane. I needed another drink. I should really start charging Shanelle sa mga iniinom ko. Gagawin talaga akong alcoholic ng kaso na 'to. Parang hindi ko na kayang matulog ng walang tulong ng alak sa sistema ko.
Naka-tingin lang ako sa kisame hanggang mag-alarm iyong cellphone ko. Mabilis akong naghanda para sa pagpasok ko sa opisina. I needed to work to distract myself. This was just a case—this wasn't my life. I shouldn't put all my energy into this case.
Pagdating ko sa opisina ay ako pa ang nagbukas nun—ganoon ako kaaga. I made myself a strong cup of coffee—iyong enough para magpalpitate na ako. Pagpasok ko sa mismong opisina ko, hinubad ko iyong heels ko at nagpalit ng tsinelas. I figured I'd just be finishing doing my pleadings today. Iyon ang gagawin ko. Aasikasuhin ko iyong ibang mga kaso ko.
"What?" I answered nung kumatok si Therese sa pintuan ko.
"What time ka pupunta?" she asked.
"Pupunta saan?" naka-kunot noo na tanong ko.
"Event?"
There was a cloud of confusion hanging over my head for a split second... bago ko naalala na ngayon nga pala iyon. Shit. I completely forgot! Sa dami ng nangyari sa buhay ko at sa kaka-isip ko sa sinabi ni Shanelle sa akin kahapon, nakalimutan ko na iyon!
"Nalimutan mo?"
Tumango ako. "Pwede ba na 'wag na ako pumunta?"
"No," sabi niya. "You know—"
"Fine, pupunta na," I said, cutting her off, dahil alam ko naman kung saan papunta iyong sasabihin niya. She'd lecture me again about how although we're but a small firm, we still needed to 'mingle' with other lawyers. Ganon naman talaga—one lawyer can't handle it all. And we needed to make connections para in case na hindi nila kayang hawakan, sa amin nila ipapasa. That's how it usually works.
Dahil alam ko na magagalit sa akin si Therese kapag hindi ako pumunta, umuwi na ako sa condo. I took a quick shower. Paglabas ko ay saka pa lang akong namili ng isusuot ko. It's usually a black-tie event. I got my black floor length gown na off shoulders. Tinatamad akong magsuot ng heels kaya flats na lang ang isusuot ko. Wala namang makaka-kita. Nung decided na ako sa isusuot ko, I was about to look for the blower nang matigilan ako.
"Dapat na kitang itapon," sabi ko habang naka-tingin ako sa may Dyson na blower. Ilang beses ko ng sinubukan na itapon iyon, pero lagi akong natitigilan. Una, mahal. Pangalawa, bakit ko naman itatapon? Naisip ko na lang na pagkatapos ng lahat ng ginawa at sinabi sa akin ni Samuel, deserve ko 'tong gintong blower na 'to. Ito na iyong moral damage niya sa akin—kulang pa nga 'to kaya tinago ko lahat ng regalo niya sa akin noon.
Sinubukan ko na gamitin iyong blower, but for some reason, nauwi ako sa paggamit ng electric fan para patuyuin iyong buhok ko. Instead, tinali ko na lang iyong buhok ko nang mahigpit and put some gel para mukha naman akong malinis tignan. Naglagay lang din ako ng red lipstick at ng konting pabango.
The event was in some fancy hotel. As expected, puno na iyong parking. Doon ako nagpark sa malapit na resto. Bumili na lang ako ng pagkain doon para 'di naman nakaka-hiya. Kapag kasi sa hotel pa ako nagpark, aabutin ako ng siyam-siyam dahil sa haba ng pila sa valet kahit sa normal na parking. Been there, done that.
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Romance(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...