Chapter 19

110K 3.5K 1.5K
                                    

Chapter 19

'Finally,' sabi ko sa sarili ko nung tumuntong ng 9:30 iyong oras. First week of class ngayon para sa second semester. As expected, walang pumapasok na professor... pero nandito pa rin ako dahil saan naman ako pupunta, if ever? Kanina ko pa rin gustong umalis, pero wala sa mga kaklase ko ang gumagalaw. Sana talaga malipat na ako ng section kung nandito pa rin ako next year. Nakaka-stress 'tong section S!

"Nagmamadali ka?" Iñigo asked.

"May gagawin ako, e," sagot ko. "San ka after nito?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala masyadong nakaka-usap si Iñigo dahil lagi akong excited umuwi after ng class. Feel ko naman ay dahil bago pa iyong kalandian ko kaya excited ako palagi. Saka hindi ko pa rin kasi naku-kwento sa kanya iyong kay Samuel! Ewan ko ba! Kasi ganito rin kila Mama, e. Mas feel ko na sarilinin na lang kaysa magcause pa ng gulo or something. Matanda naman na ako saka nag-aaral naman ako sa abot ng aking makakaya.

He shrugged. "Uwi," sabi niya.

I nodded. "Okay."

"Sabay na tayo pauwi?" he asked.

Tumingin ako sa kanya. Sabay kasi kami ni Samuel. Actually, kanina pa ata siya naghihintay sa akin kasi nagtext siya around 9PM na tapos na iyong class nila dahil umattend ata prof nila and nag-introduction lang sila.

"Actually..." sabi ko sa kanya. "May kasama ako, e," dugtong ko. "Si Samuel."

Hindi kumunot ang noo niya. Wala ring sign of shock. Grabe! Hindi ba surprising ang revelation ko?!

"Kayo na?" he asked.

"Bukas," sagot ko kasi last day of ligawan namin ngayon. "I know hindi ka 'pabor' sa kalandian ko sa frat niyo, pero okay naman si Samuel, 'di ba?" tanong ko sa kanya kasi syempre friend ko pa rin naman siya. Masaya nga ako na nagccare siya sa akin, e. But at the same time, I needed him to respect my decision kasi buhay ko pa rin naman 'to. I always get to decide kung ano ang magpapasaya o mananakit sa akin. The people around me can give their opinion, but at the end of the day, I needed them to know that I can decide on my own.

He nodded. "Basta 'wag ka na lang sumama kapag may frat events," he said.

"Naka-attend na kaya ako ng party niyo," sagot ko sa kanya. "Wala ka 'dun. Isa ka talagang pasaway na member."

Natawa siya. "Aling party?" he asked. "Ay, 'yung last sem? 'Yung sa rooftop?"

I nodded. "Yup. Paano mo nalaman?"

He shrugged. "Narinig ko pinag-uusapan nila Lui."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng sabi nila? Share naman d'yan!" pangungulit ko sa kanya dahil interesado ako na malaman kung ano ang pinagchichismisan nila tungkol sa akin, pero sobrang damot ni Iñigo at wala siyang sinabi sa akin. "Grabe, parang hindi friend!"

Tumawa siya ulit. "Wala naman kasi—nabanggit lang ni Lui na nandon ka nga."

"Sus, maniwala sa 'yo."

"Fine," he said. "Hinahanap kasi si Samu kay Lui, so sinabi ni Lui na nasa baba daw si Samu at may hinihintay," he continued. My eyes widened a little. Ako 'yun! Ako iyong hinihintay ni Samuel!

But I needed to pretend like I was cool. "Oh..." iyon lang ang sinabi ko, pero parang kilala talaga ako ni Iñigo dahil tinaasan niya lang ako ng kilay. Umirap ako. "Fine. Ako iyong hinihintay niya. Happy?"

"Boyfriend mo," sabi ni Iñigo kaya napa-tingin ako sa direksyon na tinuro niya. Nandun nga si Samuel sa isang gilid, naka-upo at may binabasa na codal.

"Bukas pa nga," sabi ko. "Nililigawan niya pa ako tonight."

"Pero sasagutin mo?"

I nodded. "Bakit naman hindi?" I asked because Samuel's been nothing but nice to me—although oo, minsan ay may topak siya. I mean, ako rin naman ay may topak, so fair lang. Saka sana totoo iyong sinasabi niya na ganoon pa rin ang trato niya sa akin kapag kami na. Alam ko na clingy ako, pero ayoko lang naman na tine-take for granted. Kasi kapag na-feel ko na parang ayaw mo na sa akin at parang napipilitan ka na lang, ako na iyong kusa na lalayo. Hirap kaya sa feeling na parang pinagsisiksikan mo lang sarili mo.

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon