Chapter 29
"Galit ka?" tanong ni Jill sa akin nang mag-abot kami sa opisina.
"No," sagot ko. "Disappointed, yes, pero hindi ako galit."
"I can't pass up the opportunity."
"I know."
"We're still friends?"
Nagkibit-balikat ako. G&Z was one of the best firms in the country—it's usually only by invite. I remember back in law school, nung fourth year kami, nagkaroon ng career fair sa school. Fourth year students were required to attend. Isa iyong G&Z sa mga nagsalita roon. Habang nanonood ako, ang nasa isip ko lang ay impossible ako na maka-pasok doon kasi valedictorian at salututorian lang ng top universities ang iniimbitahan nila na magtrabaho sa kanila. Or if hindi, iyong mga nagtop sa BAR.
I was not G&Z material—not that interesado din ako. I knew that with that kind of prestige also meant selling your soul to the devil... not literally, of course. Pero sa ganyan kalalaking firm nandoon iyong mga malalaking kliyente. I worked in a mid firm. Doon pa lang makikita mo na iyong kalakaran. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya iyong ganyan kalaki na firm.
But not everyone's like me.
Not everyone's contented na sa ganito na may trabaho.
Marami akong kilala na kagaya ni Jill—na mayroong clear career path na gustong tahakin. I had always known that one day, she'd leave us for better opportunities. Hindi ko lang akalain na ngayon na. Kung ako ang masusunod, sana sa ibang panahon na—iyong mas stable na kami. Pero hindi ko naman pwedeng harangan iyong opportunities na dumadating sa kanya. I had nothing else to do but to congratulate her and wish her the best.
Umalis na si Jill dahil may kailangan pa siyang puntahan na hearing. Next month pa naman siya aalis. Kailangan niya pang tapusin lahat ng pending niya rito at kailangan nang maayos na transition.
Apat na lang kami—afford pa kaya namin kumuha ng isa pang abogado?
"Morning," sabi ni Therese sa akin.
"Morning," I replied as I sipped my coffee. "Called Ms. Nuevas."
Napa-tingin sa akin. "Really?" she asked like she knew about Shanelle's offer na bayaran ako kahit magkano.
Tumango ako. "She'll come by today para pag-usapan namin iyong sa kaso nila."
Tipid siyang tumango. "Sorry."
"Di mo naman kasalanan," sabi ko.
"If kailangan mo ng tulong, okay?"
I nodded and smiled a little. "For the firm."
"For the firm," she replied with a small smile, too. "Well... do you need any help? Mamaya pa naman 'yung appointment ko."
Umiling ako. "No, kaya ko na 'to. Routine lang naman."
Tumango si Therese. Pumasok na ako sa opisina ko kasama iyong kape ko. I've been doing this for quite some time... I wouldn't say na eksperto ako sa annulment, but I'd had my fair share of annulment cases. Konti pa nga lang iyong finalized na dahil mabagal talaga ang usad dito sa Pilipinas. How I wish na maaprubahan na talaga iyong divorce. People shouldn't be forced to stay in an unhappy and abusive marriage—marriage is not a life sentence. Besides, if it's not for you, then don't get divorce. But don't stop people from getting one tutal 'di naman maaapektuhan ang buhay mo.
I busied myself with editing judicial affidavits nang maka-rinig ako ng katok sa pintuan. Nang bumukas iyon ay nakita ko si Shanelle. She was wearing a black pantsuit. She looked very professional.
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Storie d'amore(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...