Chapter 37
"I heard nagsubmit na ng report of non-collusion?" Shanelle asked.
I nodded without looking at her. I was in the middle of finishing an affidavit nang sabihin sa akin na nandito raw si Shanelle. Pinapasok ko naman siya, but I was really busy. Mayroon akong ibang trabaho bukod sa petition niya.
"Was about to tell you," I replied.
"What now?" she asked as she took the liberty of sitting herself down.
"Wait for the notice of hearing," sabi ko sa kanya. "May nahanda na ako na list ng witness natin. I just need you to confirm the list para masimulan na 'yung sa judicial affidavits," I added.
"Okay."
"Still the same list, right? Basta wala si Clary and your family?"
"Yup."
"Noted."
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Usually ay aalis na si Shanelle once na makuha niya na iyong gusto niya. At first, I found it rude, but later on, I realized na ganito lang talaga siyang klaseng tao. She's a no-nonsense kind of person. It's not rude per se—ayaw niya lang siguro talaga na nasasayang ang oras niya. And for some reason, the marriage with Samuel was starting to make a lot of sense.
It was convenient for the both of them, hence, they got married. Ganoon lang ka-simple. There's no world-defying logic behind that. Ako lang ang nahihirapan because I kept on looking for a deeper explanation when it's simply just that—a marriage that was convenient.
Nang lumipas ang isang minuto at hindi pa rin siya tumatayo, ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya.
"Do you need anything else?" I asked.
"Family law's not really my forte, so I have no idea how this really works... but is there a way for Samuel's family to be spared from this?"
I drew a deep breath. "Kahit hindi sila isama sa witness list nina Yago, I don't think this can be hidden from them," I told her.
Tipid siyang tumango. "I thought so. I just had to ask," sabi niya bago siya tumayo. She really did care about his family para itanong pa ito tungkol sa akin. Did they like her for him? Ako kaya—
Tsk.
Useless and dangerous questions once again.
"I'll get going," sabi niya. "Just contact me if you need anything."
Tipid din akong tumango bago siya pinanood na lumabas mula sa opisina ko. Nang marinig ko iyong pagsara ng pinto ay agad akong napasandal at napatingin sa kisame.
I just... I just really wanted this to be over. But I was kidding myself dahil alam ko na at most, aabutin 'to ng taon. That's just how it works. Mabagal talaga ang proseso ng annulment sa bansa na 'to. Mauubos hindi lang ang pera mo kundi pati ang pasensya mo.
* * *
I stayed in the office hanggang sa ako na lang ang matira. This had been my life lately... Ang weird lang kasi sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magtatrabaho sa malalaking firm dahil sigurado ako na roon iikot ang buhay ko, pero parang ganon din naman ang nangyari sa akin.
I needed to find a hobby or something.
Burnout ang aabutin ko kung magpapatuloy pa 'to.
I knew that I should probably get home to rest, but my subconscious brought me to my usual bar. I just needed one drink. Hindi naman ako nagda-drive ng lasing. Even at my lowest, I know my limit. I just needed a drink para makatulog ako agad mamaya. My mind was already tired from all the working and the thinking.
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Romance(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...