Chapter 10
"Di kayo sabay ni Jax ngayon?" I asked Kitty dahil hindi siya nagmamadali lumabas ng classroom after ng class namin.
"Grabe naman," she replied. "Hindi naman ako always nagmamadali."
"Oo kaya," sabi ko.
"Really?"
I nodded. "Okay lang 'yan. Tanggap na namin na ganyan ka talaga," sabi ko tapos tumango si Iñigo in support. Kitty just frowned dahil alam niya na hindi naman siya mananalo sa aming dalawa ni Iñigo kapag pinagtulungan namin siya. "Wings tayo?" I asked kasi kakatapos lang ng recit namin and to be honest, ang hirap nung mga tanong! Sobrang confusing lang kasi nung topic ni Sir—alam mo 'yung naintindihan mo naman 'yung topic pero nung nagtanong si Sir, suddenly, parang puro Latin na iyong sinasabi niya?
"Yes, please," Kitty said.
Naglakad kaming tatlo sa labas ng school. Marami naman kasing kainan dito. Nung unang paglipat ko sa Manila, nag-ikot kami nila Mommy and Daddy dito kasi sabi nila dapat alam ko kung saan ako kakain. Hirap talagang maging only daughter—masyadong nasa akin lahat ng atensyon.
"Kanina pa tayo naglalakad," sabi ni Iñigo. "Magdecide na kayo kung saan tayo kakain."
"Gutom ka na ba?" I asked.
"Medyo."
Inabutan ko siya ng biscuit. "Yan muna kainin mo," I told him and he frowned, pero inaccept niya pa rin naman iyong inabot ko na skyflakes. Minsan kasi nagugutom ako tapos tinatamad akong tumayo kaya may dala akong skyflakes pampalipas gutom.
"Deanne, gutom na rin ako. Let's just eat there," sabi ni Kitty sabay turo sa isang unli wings place. I shrugged tapos ay doon kami dumiretso. We immediately ordered dahil gutom na pala iyong dalawang reklamador na kasama ko. Inilabas ni Kitty iyong sanitizer niya at nilagyan iyong mga palad namin ni Iñigo bago kami nagsuot nung plastic gloves.
"May class daw ba sa Consti sa ibang section?" Kitty asked.
Iñigo nodded. "Recit."
"Promise? Walang quiz?"
"Wala naman akong narinig," Iñigo replied.
Habang kumakain kami ay nagreklamo lang kaming dalawa ni Kitty sa mga katangahan namin sa classroom habang si Iñigo ay masayang kumakain ng chicken wings.
"Alis na ako," sabi bigla ni Iñigo after niyang basahin ang kung anuman sa cellphone niya. Tumingin lang kami sa kanya ni Kitty at saka tumango. Kapag ganito kasi, gets na namin na frat related iyon... And speaking of frat, ano kaya ang ganap kay Samuel Hayes Fortalejo? Three days ko na siyang hindi nakikita. Ganoon siguro kapag kasama mo buong araw, tapos biglang may three days na pagitan.
"Arellano," pagtawag ko kay Kitty na kinikilig sa kung anuman ang nabasa niya sa cellphone niya. Medyo mahirap pa rin sa akin isipin kung paano si Jax magpa-kilig... although debatable naman na kahit paghinga lang ni Jax ay kikiligin na 'tong babae sa harapan ko.
"Why?" she replied.
"Tutal nagawa mo successfully na maging boyfriend ang crush mo, pwede ko bang tanungin kung paano?" I asked kasi nung first day namin, naalala ko pa na hina-habol nito si Jax, literal, sa hallway! Tapos biglang one day, sabi ni gaga ay may boyfriend na raw siya! Akala ko nga si Iñigo kasi crush 'to ni Iñigo, e. Tapos supladito naman si Jax.
"Sino muna crush mo?" she asked, looking at me.
"Wag mong sasabihin kay Iñigo," I replied and her eyes widened. "Gaga, hindi si Iñigo!" sabi ko kasi bakit ba laging nagdududa 'to na may sikretong relasyon kami nung taong 'yon?
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Любовные романы(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...