Kabanata 3

2.4K 63 14
                                    

Name

Late na akong nagising kinabukasan. Today is Sunday - no work at binyag ng anak ni Koa. Ibinigay sa akin ni Monica ang invitation card kagabi. Gusto niya talagang naroon ako. Speaking of that woman, hindi ko na siya na itext na kaagad din akong umalis kagabi.

Hindi ko gusto ang bar na iyon. Hindi relaxing para sa katawan ko though alam kong mga mayayaman lang ang pumupunta roon. Maybe because of the idea na nasanay ako roon sa ibang bansa kaya medyo weird sa akin ang mga bar dito. Hindi lang siguro ako sanay.

Wala naman talaga akong planong pumunta sa binyag. Hindi ako nakapag gym kahapon kaya iyon sana ang gagawin ko today but how can I do that kung nabasa ko ang mensahe ni Koa, he wanted me to be there. Ngayon lang ulit ito nagparamdam sa akin.

Dapat lunch naroon na ako, but look what I am doing. Nakahiga lang ako ngayon dito sa couch habang nanonood ng movie. I don't want to go there pero ayaw ko rin namang masabihan ako ng maarte. Habang nanonood, naisip ko na pupunta na naman doon si Davi. Hindi naman sa ayaw kong itong makita sa binyag, I just don't want our paths to cross again.

Tama na iyong mga lumipas na taon. Nakakahiyang isipin na hindi pala ako nito minahal. He used me pero hindi ko magawang magalit dito kasi hindi naman iyon ang pinaramdam niya sa akin. Parang totoo niya talaga akong minahal. I hated him for breaking my heart but that was before. Ngayon, wala na akong maramdaman dito.

Just like someone na isang beses ko lang nakita at kaagad nakalimutan ang mukha.

Too much for that, mabilis akong naligo at nagbihis. I wear a plain white midi dress paired with a favorite t-strap. Naglagay din ako ng kaunting makeup para naman hindi masyadong vain tingnan ang mukha ko. Pagkatapos niyan ay dumiretso na ako sa resort nina Koa. I thought sa nasabing isla ni Monica ang venue pero nagkamali ako.

Maraming taon na ang lumipas simula noong nagpunta ako sa resort nina Koa. I remember, fourth year high school pa lang kami noong pinagawa itong resort nila. And after those very long years, hearing from them na rito ang venue, na e-excite ako. Not because of the memories created that day but because the feels whenever I am seeing the ocean.

Naligaw ako. Nakalimutan ko ang daan papunta sa resort nila. Alam kong sobrang late na ako kasi hindi ko talaga matandaan ang daan papunta roon. I asked people na nadadaanan ko and glady, it helped me. Sobrang tagal na pala talaga kung kaya't hindi ko na ito natatandaan pa.

Yellow theme surprised me. Napapalibutan nang malalaking bubbles at dahon na artificial na gumagalaw ang venue, ganoon din ang sun na mukhang totoo na gumagalaw. The environment looks so pretty and cool. Sa sobrang daming tao ay parang ayaw kong tumuloy. Unlike before, now I don't want people to notice me.

My phone vibrated. Mabilis ko itong dinukot sa bulsa at nakitang si Monica ang tumatawag.

"Sorrell, kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka na?"

"Saan kayo?" I asked her back.

"Not far from the mini stage. Hanapin mo ang malaking sun, naroon kami." ginawa ko ang sinabi niya.

Nahinto ako noong natanaw ko na sila. Kilala ko lahat ang nasa lamesa and as expected, naroon din siya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita. I just don't want him to see me. Pero kapag utos ng tadhana na magkita ulit then go. As if naman tatakbuhan ko. I am not that kind of woman.

Naglakad ako papunta sa pwesto nila. Mga mata ni Koa ang unang sumalubong sa akin. He waved his hand kaya napatingin ang mga nasa lamesa sa direksyon ko. Hindi ko na sila tiningnan isa-isa at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad.

"As usual, ang parating late." natatawang salubong sa akin ni Koa.

"Naligaw ako." I chuckled.

Lumapit ito sa akin para yakapin ako. I hugged him back.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now