Kabanata 24

1.7K 41 18
                                    

Rest

Sinundan ko papunta sa ambulansya si Grady while ignoring those people na nakatingin sa akin. I hurriedly went to my car para masundan kaagad siya dahil hindi ko na ito naabutan. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Davi left me, hindi pwedeng maiwan na naman ako. Hindi ako pwedeng iwanan ni Grady.

Kayla and Mara texted me kung saang hospital dadalhin si Grady. Nagmamadali akong lumabas ng kotse noong nakarating ako. My tears were on the verge of falling pero pinigilan ko ang sarili noong nakita ko si Grady na kaagad dinaluhan ng mga nurse at doctor. He never stops spitting blood kaya mas lalo akong kinabahan.

Alam kong may sakit si Grady. At ngayon ko aalamin kung ano ito. I saw a nurse injecting something which made him looks more tired. Nanghihina siya pero noong napatingin sa gawi ko ay ngumiti ito. Hindi ko kayang ngumiti pabalik. Nakakaawa ang itsura niya ngayon.

"How are you related to this person?" mabilis akong napatingin sa doctor noong tanungin ako.

I eyed her na ngayon ay nakatitig sa lalaki at kaagad din namang ibinalik ang tingin sa akin.

I heaved a deep sigh. I am not going to lie anymore. Hindi ko na kayang itago itong nararamdaman ko kay Grady. Natatakot akong maiwan na naman. Natatakot akong hindi ko man lang ito masabi sa kanya. I hate regrets. Too much for the lessons I learned today. Masakit na at ayaw kong maramdaman ito kay Grady.

Tumingin ako kay Grady at nakita ko na nag-iwas ito ng tingin. "Girlfriend."

Pagkatapos ko iyong sabihin ay mabilis niyang ibinalik ang paningin sa akin. I ignored him. The doctor eyed me worriedly. Ngumiti ako rito pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. She bowed a little and motioned me na sumunod sa kanya. I nodded. Lumabas na ang nurse kasama ang doctor. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya.

"B-Bakit mo iyon sinabi?" tanong nito na kaagad din namang nag-iwas ng tingin.

Umupo ako sa gilid niya. Napatingin ko sa kanyang kamay na mayroong nakakabit na dextrose. Inabot ko ito upang mahawakan ngunit kaagad niya itong iniwas sa akin. Mabilis na dumako ang paningin ko sa kanya. He didn't look at me, nakatingin ito sa kabilang direksyon.

"Sabi mo mahal mo ako diba? Mahal rin naman kita." I said those words confidently.

Hindi ko iyon napansin pero nahulog na pala ako sa kanya. I did cry noong nalaman ko na ikakasal ang lalaking mahal ko sa iba kasi nabuntis niya. I did cry, no, I breakdown noong nakita ko sila sa harap ng maraming tao. Masakit e, sobrang sakit makitang sa pagbalik ko ay hindi na pala ako.

Pero iba ang naramdaman ko noong nakita ko si Grady sa ganoong posisyon. He was very weak that I thought he would leave me this early. Sobrang sakit ng puso ko dahil kay Davi pero noong nakita ko si Grady ay tila basag na basag ako. Kung pwede lang sana na magpalit kami ay ginawa ko na. Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan si Grady kasi mas nasasaktan ako.

Kinuha ko ang kamay niya na nasa kanyang tiyan namamahinga. Tinitigan ko ito pero wala pa rin akong nakitang ibang reaksyon maliban sa lungkot. Hindi na siya nagsalita pagkatapos ko iyong sabihin sa kanya. Because I know, ayaw niyang mahalin ko siya pabalik. Ayaw niyang laanan ko siya ng oras. It hurts him even more.

Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa roon si Mara at Kayla. Mabilis na tumakbo si Kayla papunta kay Grady samantalang si Mara naman ay naiiyak. I smiled at her. Mabilis itong lumapit sa akin upang yakapin ako. I hugged her back.

"I hope you're alright." she whispered.

"I am okay, Mara." I smiled at her saka ito bumitiw sa yakap.

Tiningnan niya si Grady na ngayon ay nakatingin kay Kayla. Kayla was asking him questions ngunit tanging ngiti lamang ang sagot nito. Nanghihina ang katawan niya pero pinilit niya pa rin ang sarili na maging matatag. Binalingan ko si Mara at kaagad din naman itong napatingin sa akin. I smiled at her.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now