Kabanata 4

2.3K 67 14
                                    

Wild

WARNING: Read at your own risk. Some words are not suitable for children and sensitive adults.

Noong napansin ko na papalapit ang babae sa direksyon namin ay kaagad na akong naglakad palayo. They need privacy kaya iniwan ko na sila roon para bumalik sa lamesa. Good thing that when I came back, Kia woke up. I know she's hungry kaya ibinigay ko siya sa kanyang mommy. Sol was grateful when I told her na nakatulog ang anak niya sa bisig ko.

I eyed Monica and Miles na ngayon ay sobrang sweet, magkahawak kamay habang nagbubulungan. Koa was talking to some of the visitors meanwhile Ronan, as usual, nakabuntot sa mga babaeng mukha namang mga paa. Nakakunot lamang ang noo ko habang inilibot ang paningin sa paligid. Another boring day for me.

Saktong napag-isipan ko na tawagan si Kayla ay kaagad tumawag ang isa sa mga empleyado ng ama ko. Binayaran ko ito to monitor Amanda's stupid action. I just want to make sure that she's not seducing my father. Kasi kapag nalaman ko, wala na siyang babalikan na trabaho.

"Did you see the video I sent to your email, Miss?" tanong ni Marvie.

Bago pa ako makasagot ay naglakad na ako palayo sa mga tao. "Not yet, Marvie."

"Kasi Miss Sorrell," humina ang boses nito.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kung kanina aliw na aliw ako sa ganda ng paligid, ngayon mukhang nawalan na ako ng gana. Alam ko ito e. I know something happened. I know this.

"Why?"

"Kasi Miss ... larawan po iyon ni Amanda at ni ... Sir Simon ... naghahalikan."

What?

Shit.

Did I hear it right?

"Come again, Marvie?" nanginginig ang katawan ko sa galit.

No ... No, it can't be ...

"Siguro po kung hindi ako pumasok sa opisina ni Sir Simon, baka po may nangyari na sa kanila."

Gusto kong sumagot pero ayaw kong mabasag ang boses ko. Napayuko ako, pinipigilang tumulo ang luha. What if may nangyari na sa kanila at mabuntis niya ang putanginang babaeng iyon? No, Sorrell. You have to do something about this.

Dahil sa kakakagat ko sa aking labi ay nalasahan ko ang sariling dugo rito.

"M-Miss ..." tawag nito sa akin.

Mabilis akong naghanap ng restroom para mapag-isa. Nagiging blur na ang paligid dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. The moment I found an empty room, mabilis akong pumasok doon. Hinayaan ko ang luhang maglandas sa aking pisngi. I already have an instinct kay Amanda e. Alam kong may gagawin siyang masama. But I will never ... never allow her to wreck my family.

Magkakamatayan man kaming dalawa. I'll make sure na siya ang mauuna.

"Miss Sorrell ..." sabi ulit nito.

But no fucking way. I will protect my mother at all cost. I don't want to see her cry. And I will do my best to remove that fucking woman in my father's company. No matter what it takes, papaalisin ko siya sa kompanya ng ama ko.

"Miss ... don't think to much po. Baka ... nadala lang po sa temptasyon ..." nagsalita ulit ito.

"Marvie, give me a minute. I'll get back to you." at kaagad ko siyang binabaan.

Umupo ako sa malamig na tiles habang nakayuko. Just hearing what Marvie said, kaagad nag-unahan ang mga tanong sa isip ko. Kaya ayaw ko sa babaeng iyon simula pa lang kasi alam kong posible na aakitin niya ang ama ko. She will use my dad to get to her way, para yayaman ng hindi pinaghihirapan.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now