Die
Ayaw ko man na aminin sa sarili but I know myself, I was hurt with what she said. Naiwan akong mag-isa sa loob ng opisina ni Davi. I already expected that it will happen but I didn't know it will happen in front of me. Unang kita ko palang sa mukha ng ina ni Davi ay alam ko na hindi ako nito magugustuhan. At hindi naman natin pwedeng ipilit ang hindi.
Hinilot ko ang aking sentido habang nakapikit. Hindi ko alam kung bakit pa sinundan ni Davi ang kanyang ina. Alam kong galit ito rito but you know, you really can't question someone's opinion. I understand the fact that she likes Leese over me. And I won't question her that.
Noong medyo naging mabuti na ang pakiramdam ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng opisina ni Davi. The interior of his office was really strong and great. The theme that was all glass and brown made me smile, he really has a good taste in terms of designs. Tumayo ako at lumapit doon sa kanyang lamesa.
Nasa tamang ayos ang mga dokumento at iba pang mga folder. Natigil lamang ako noong nakita ko ang isang sketchbook na nakapatong sa isang itim na folder. I know I am not asking permission from Davi na lumapit dito but I won't steal anything, I was just amazed on how he arranged his things accordingly. Binuklat ko ang sketchbook at una kong nakita ang napakagandang painting.
A painting of a couple na nakaupo sa buhangin, nakatingin sa dagat at papalubog na araw.
Sunod kong tiningnan ang likod pero nabigla ako noong nakita ang litrato ni Davi at Leese. Muli kong tiningnan ang painting at napagtanto na sila palang dalawa ito. Tiningnan ko ang kabuuan ng painting, to see if may pangalan ba ng gumawa nito - then I see Maria Celestina and then the signature was also attached.
Leese painted this beautiful painting. Kuhang-kuha niya ang nasa litrato. I caressed the photo with my delicate fingers. I didn't know they had a wonderful memories like this. Nakaturo si Leese sa malawak na karagatan habang si Davi naman ay nakatingin at nakatitig sa magandang dalaga. Parang may kumirot sa puso ko noong naisip kung gaano sila ka close sa isa't-isa.
Ibabalik ko na sana ang litrato kung saan ito nakaipit noong nahagip ko ng tingin ang likod nito. Mas lalo lamang bumigat ang puso ko noong nabasa ang nakasulat sa likod.
"I'll love you forever ..." —ed
Alam kong kay Davi galing ito. And maybe he gave this to Leese and then she painted it. I am not dumb yet to think na baka si Leese lamang ang sumulat nito. The penmanship was very familiar to me, alam na alam ko ang sulat kamay ng lalaking mahal ko at ito iyon.
Mas lalo lamang pumait ang nararamdaman ko pagkatapos ko iyong makita. Imbis na tingnan pa ang ibang paintings ay hindi ko nalang ginawa. I don't want to see more of their moments together. Naglakad ako pabalik sa may couch para kunin ang bag upang makaalis na sana pero biglang bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang taong pinakaayaw kong makita.
"Juice?" she asked, nakataas ang kilay sa akin.
I smiled a little. I am not in the mood for anything right now. "No. Thanks."
Akmang lalagpasan ko sana ito noong mabilis siyang nagsalita. "Boyfriend mo pala talaga si Mr. Carson? Akala ko si Miss Antapuesto ang girlfriend nito kasi parati naman silang magkasama rito sa opisina niya."
I didn't turn to see her. "Don't state the obvious, Amanda."
Naramdaman ko ang paglakad nito sa harap ko. She eyed me like I did something to her. Pinantayan ko ang matatalim nitong titig sa akin. Hawak pa rin nito ang baso ng juice. She went closer to me na para bang hinahamon niya ako sa kung ano ang gusto nitong mangyari.
"Paano ba iyan Sorrell, may nakita akong hindi mo magugustuhan." she smirked.
"What do you mean?" kumunot ang noo ko sa naging tanong nito.

YOU ARE READING
Golden Days of Fall
RomanceSAISON SERIES #3 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 Davi is a businessman who is head over heels in love with Otoño, the epitome of class, elegance, and dignity. From an ideal relationship, destiny came to destroy that. Turns out, both of them walk a different pat...