Kabanata 10

1.7K 39 24
                                    

Insane

Nalaglag ang balikat ko pagkatapos ko iyong basahin. I have hunches pero hindi ko alam kung siya ba talaga ito. Hindi ko nilulubayan ng titig ang kanyang mensahe. I am not scared, I am just curious kung bakit sa raming lalaki sa mundo ay kay Davi pa siya nagkakaganito.

Davi was silent beside me at laking pasasalamat ko na ganoon. I don't want to say something at baka masabi ko ito sa kanya. May idea na ako kung sino ito pero mas gusto kong ignorahin nalang kaysa pag-aksayahan pa ng oras.

"What is it?" tahimik akong napabaling kay Davi.

I didn't know I was staring blankly outside for I don't know how long. Noong napatingin ako sa kanya ay napatingin din siya sa akin. I shook my head and smiled at him, wala naman talaga.

"Are you sure?" he asked.

"Yeah." sagot ko rito at kaagad niyang kinuha ang kamay ko para mahalikan.

That day ended peacefully. Hinatid ako ni Davi sa condo ko at siya, dumiretso sa kanya. I think be has lot of things to do kaya hindi na ako nagsalita pa like rito ko siya papatulugin. I don't want to be a clingy girlfriend. Sa edad namin na ito, wala na sa isip ko ang pagiging ganyan.

Kinabukasan, mensahe niya kaagad ang sumalubong sa akin pagkagising ko. Paulit-ulit ko pang binasa ang mensahe niya kasi parang hindi mag-sink in sa akin na uuwi siya ngayon kasi may kailangan siyang asikasuhin doon. Well, next week ay pupunta ako ng Pilipinas kaya magkikita pa rin naman kami.

Mr. Carson
Are you already up? I am leaving today, sweetheart.

Every time he says sweetheart, napapangiti niya kaagad ako.

Sorrell
Sure, Ed.

Mr. Carson
Really, Sorrell?

What?

Sorrell
Why?

Mr. Carson
Am I your employee? Bakit ang cold mo mag-reply?

Humalakhak ako noong nabasa ang text niya. May mali ba roon sa reply ko?

Sorrell
Call then.

Hindi pa nag-minuto noong tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" I said.

"May bayad ba ang keyboard mo? Bakit ang tipid mong mag-reply?" sabi pa nito.

Humalakhak ako. "Texting isn't my cup of tea, Ed. Have a safe flight."

He groaned. "I see, I see. I know I told you na manatili pa rito ng ilang araw but then my secretary and other employees contacted me that I have meetings to attend and other important things to see."

"Sana kasi hindi ka na bumalik kahapon-" he cut me off.

"Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kung hindi ako bumalik kahapon."

Napangiti ako. "I love you. You sure you don't want me to take you to the airport?"

He chuckled. "I love you too. Nah, baka hindi na naman ako tutuloy."

Mahigit dalawang oras din kaming nag-usap sa cellphone and after that, nagpaalam na siya. Gusto ko sana siyang ihatid but then panay ang tanggi nito. In the end, siya pa rin ang nasunod. I heaved a deep sigh after reading his text message na paalis na sila. I guess I will be dealing a long distance relationship with him.

I get up from bed and prepare my things for work. Pagkatapos kong maligo ay nagluto ako ng breakfast and after that, I eat peacefully. Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ako ng sarili. I am wearing a black fitted dress and single breasted trench paired with pointed boots.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now