Invitation
Naiwan akong mag-isa rito. Umalis silang lahat na parang nawala ako sa paningin nila. They cared for Leese, napansin ko iyon noong dinaluhan nila ang babae. And Davi, alam kong mahal niya ang asawa, ayaw niya lang aminin sa sarili kasi bumalik ako. Kasi alam niyang may nakaraan kami. Hindi niya kayang itapon.
Nilinis ko ang dugo na nagkalat sa sahig. Mabuti nalang at walang nakakita kaya parang wala lang din nangyari pagkatapos ko itong linisin. After that, I went to the kitchen para kumain ng tanghalian. Pagkatapos ay bumalik din ulit sa sala para bantayan si Grady.
Tumayo ako at lumapit dito. He was peacefully sleeping. Naninikip ang dibdib ko noong naalala ang kahapon naming dalawa. Ang dami naming magagandang alaala na kay sarap balikan. Iyong panahon na tinuturuan niya ako sa mga bagay-bagay. Pinunasan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi.
"I miss you. I hope you're already happy up there, mahal." I said.
Ako lamang ang mag-isa ngayon dito sa sala kasi pinagpahinga ko muna ang mga kasambahay.
"I grant your last wish na hindi ka pakasalan pero hindi ko alam kung babalikan ko si Davi." kinakausap ko siya kahit alam kong hindi niya naman ako sasagutin. "Masaya na siya ngayon sa buhay niya. Guguluhin ko pa ba?"
I shared Grady the thoughts I cannot express in real life. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko na maririnig ang kanyang boses. Hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal niya sa akin. Pinunasan kong muli ang luha bago bumalik sa couch. Nakatingin lamang ako sa kawalan noong kaagad na tumunog ang aking cellphone.
Si Kayla ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot. "Kayla,"
"Good afternoon, Miss. Mr. Tan messaged me earlier, pinapasabi sa inyo na nakunan si Miss Leese." unbothered nitong sabi.
My eyes widened at kaagad na bumalot ang kaba sa buong sistema ko. "What?!"
"Opo, Miss. Nakunan po siya. Sayang nga e, four months na sana." sabi nito.
"Kayla, can you give me the name of the hospital kung saan naka admit si Leese?" nagmamadali akong tumayo para mapuntahan ang kasambahay.
"Qea Medical Center, Miss." sabi nito.
"Sige, Kayla. Thank you." saka ko siya binabaan ng tawag.
After I called the housemaids para magbantay ay nagmamadali na akong pumunta sa hospital. Alam kong wala akong karapatan na magpunta roon pero gusto kong makita si Leese. I am afraid na baka dahil iyon kay daddy kaya siya nakunan. I am afraid na baka dahil sa rami ng kanyang iniisip kaya siya nagka ganoon.
Noong nakarating ay kaagad kong tinanong kung saan ang room nito. After the nurse gave me the room number ay nagpunta na ako sa kung nasaan si Leese. The moment I saw her room, kaagad akong lumapit doon. I just stopped noong nakita ko siya sa loob.
Nalukot ang puso ko noong nakita ko siyang umiiyak sa bisig ni Davi. Davi hugged her tightly samantalang ang kanilang mga magulang ay nakatayo lamang at umiiyak. Maybe they really wanted to have a grandchild kaya sobrang sakit para sa kanila ang nangyari.
"Kasalanan ko ito e," she sobbed. "Hindi ko inalagaan ang anak natin."
"Shh, it's okay. Leese, wala kang kasalanan." Davi comforted her.
She shook her head. "Hindi ako mabuting ina. Hinayaan ko ang sarili na malunod ng lungkot. Nakalimutan ko na may bata pala sa sinapupunan ko. I let myself drowned with so many negative thoughts." patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Davi kissed her forehead. "Don't blame yourself, Leese. Ako dapat ang sisisihin dito. Hindi ako naging mabuting asawa sayo. Parating iba ang iniisip ko na nakalimutan ko na nahihirapan ka na pala. I am sorry. I am really sorry."
YOU ARE READING
Golden Days of Fall
RomanceSAISON SERIES #3 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 Davi is a businessman who is head over heels in love with Otoño, the epitome of class, elegance, and dignity. From an ideal relationship, destiny came to destroy that. Turns out, both of them walk a different pat...