Dance
Davi stayed in my office the whole day. Hindi ko alam kung anong iniisip nitong isang ito at kung bakit nanatili pa ito rito. Nasa malaking couch ito nakaupo habang nakatitig sa akin. Paminsan-minsan ang pagtunog ng kanyang cellphone at sinasagot niya rin naman ito.
Tinaasan ko ito ng kilay noong nahuli ko na naman itong nakatitig sa akin. I told him kasi na ang dami ko pang rereplyan na mga email kaya sinabihan ko itong huwag akong guluhin. And he did follow my words, hindi nga ito lumapit sa akin. Alam kong marami pa siyang naiwan na trabaho kasi ang dami niyang katawagan.
Bumalik ulit ang focus ko sa ginagawa noong narinig ko ulit na may katawagan siya. Tumayo siya at tumalikod sa akin, ngayon ay nakatingin na sa labas nitong office ko. I heaved a deep sigh at ibinalik sa laptop ang mga mata when I heard him mentioned that woman's name.
"She's applying for?" tanong nito, baka sekretarya niya ang kanyang kausap.
"Amanda? Her name rings a bell but anyway tell her to visit my office this afternoon."
After he said that ay ibinaba na niya ang tawag. Naglakad siya papalapit sa akin. Napasandal ako sa upuan at tumingin din dito. Naisip ko tuloy iyong mga sinabi ni Amanda sa kanyang mga texts. Alam kong iisang Amanda lang ang nasa isip ko at ang nag-apply sa kompanya ni Davi.
"Sweetheart," kaagad ko siyang tinitigan noong nakalapit na ito sa harap ko.
"Hmm?"
"Kailangan kong pumunta sa kompanya saglit. I will be back here after." he said.
I nodded at ngumiti rito. "Take your time, Ed."
Yumuko siya para mayakap ako. I hugged him back. "Sa bahay ka matutulog ngayon. May date tayo bukas." saka ko naramdaman ang halik niya sa balikat ko.
Bumitiw ako sa yakap niya at napatitig dito. "Where are we going?"
Nasa magkabilang gilid ng aking swivel chair ang kanyang mga kamay. Nakayuko ito habang tinitingala ko siya. I combed his hair using my fingers. Saglit niyang hinalikan ang aking noo.
"To a private resort, sweetheart. I want us to have a break from our work." he said.
"Really?" I was amused.
"Yup. So please stay here, babalikan kaagad kita." napapikit ako noong hinalikan niya ang noo ko.
Naglakad na siya papuntang may pintuan at nahinto lamang noong tinawag ko ito.
"I love you. Drive safely." sabi ko sa maliit na boses.
Tumango siya. "I love you for an endless time, sweetheart. Alis na ako ha." tumango ako.
After he closed the door ay kaagad kong pinakawalan ang isang malalim na hininga. Kinagat ko ang aking labi at napatingin sa cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan ang numero ni Amanda. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Sana mali itong nasa isip ko na baka may plano siyang paghiwalayin kami ni Davi.
But I think that won't happen. Naranasan na namin ni Davi na maghiwalay at alam na namin kung para kanino talaga kami. We broke up and get back together after how many years of not seeing each other. Now if she thinks her plans will work then, I don't think she can separate us.
Alas kwatro noong natapos ako sa pagrereply ng mga email. Sumandal ako sa swivel chair at napapikit dahil buong araw na yata akong nakaupo. Napabalikwas lamang ako noong tumunog ang cellphone ko, expecting it was my boyfriend but then another unknown number came.
"Tanggap ako sa kompanya ng boyfriend mo. Paano ba ito ngayon, Miss Archambeau?"
"Ang gwapo niya talaga sa malapitan. Gusto ko siyang halikan."

YOU ARE READING
Golden Days of Fall
RomanceSAISON SERIES #3 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 Davi is a businessman who is head over heels in love with Otoño, the epitome of class, elegance, and dignity. From an ideal relationship, destiny came to destroy that. Turns out, both of them walk a different pat...