Kabanata 16

1.4K 28 8
                                    

Insult

Tahimik akong bumalik sa villa namin. Gutom na ako pero kailangan ko pang mag-ayos. Ang saya na naramdaman ko kanina ay napalitan ng kaunting sakit. Hindi ko naman masyadong kilala si Leese para batuhin siya ng masasakit na salita. Hindi iyon tama. I just have to remember na magkaibigan sila at ang magkaibigan ay may pagkakataon talaga na nagtutulungan.

Hinubad ko ang aking damit at dumiretso na sa bathroom. Gusto ko man na malaman kung anong nangyari ngunit hindi naman sinabi ni Davi sa akin. Just like the old times, hindi niya talaga sinasabi sa akin ang mga problema niya.

I heaved an audible sigh at lumabas na galing sa bathroom. Maybe because I am really hungry kaya binilisan ko na ang pagligo. Isang kulay maroon na backless silk night dress and sinuot ko. Alam kong lalabas pa ako para kumain and I don't mind wearing an attire like this.

Pagkatapos kong magbihis ay hindi na ako naglagay ng makeup. Bakit pa maglalagay kung wala rin namang ibang titingin sa atin diba? Noong lumabas ako sa villa, sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin. Narinig ko ang mga musika na pang-pasko. The spirit of Christmas hits different whenever you're alone. Not sad, not lonely either. Masaya at talagang nararamdaman mo ang himig ng pasko.

I ordered Fried Rice with Salty Fish and Fried Breaded Shrimp for my dinner. The restaurant feels lively kahit kakaunti lamang ang mga narito because of the jolly music. Pati ako na mag-isang kumakain ay hindi nakaramdam nang lungkot sapagkat naaaliw ako sa mga pinapatugtog.

After eating ay kaagad din naman akong lumabas. Umupo ako sa lantay upang magliwaliw. May nakikita akong mga couple na naglalakad sa dalampasigan. Madilim na ang paligid ngunit dahil may mga maliliit na ilaw dito, nagiging maliwanag ang dinaraanan nila.

I decided to call Davi kung nasaan na siya, kung anong nangyari kay Leese. I just hope na sasabihin niya kung ano ang nangyari para naman matulungan ko siya. He loves keeping his problems a secret, more that I hate it. I dialed his number pero out of coverage ito. And then I remember, he told me pupunta siya ng clinic.

Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari but I just saw myself walking towards the clinic of the said resort. Sa bawat nadadaanan ko, kapansin-pansin na ang diwa ng pasko. I want to celebrate my Christmas with him, hindi na muna ako uuwi ng Switzerland. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ang mga mata ay nasa magagandang christmas lights.

I just stopped midway when I saw my man with Leese. Nasa labas sila ng isang restaurant. Napaatras ako bigla noong napansin ko na mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hinahawakan ni Davi si Leese. I almost forgot, she's sick. Hindi ako nagtago sa madilim na parte kasi alam ko namang hindi nila ako makikita.

"Kaya mo na bang maglakad mag-isa?" Davi asked her worriedly.

Tumingin si Leese sa kanya. "I think so, malakas ako e." and then she chuckled.

I admire her purity. The way she speaks, kaagad kang mahuhumaling sa kanya kasi napaka inosente niya. Kapansin-pansin naman talaga na mayaman siya pero bakit sobrang bait niyang tingnan? Parang nakakatakot kapag nakita mo siyang umiiyak. She's like a glass na kailangan mong ingatan upang hindi mabasag.

Davi smiled. "I am proud of you. Know that I will always be here for you."

"Ed," she called him.

"Hmm?"

"I am sorry kung gagawin ko ito ha." ngumiti ito at lumapit pa sa lalaki.

"What is it-" he wasn't able to finish his question when Leese tiptoed and kissed him on the lips.

I saw how his eyes widened at first but then the moment Leese deepened the kiss ay napapikit na ito.

I froze on my place. Hindi ko alam kung anong gagawin. I was hurt with what I saw pero hindi ko siya pwedeng hilahin diyan sa kaibigan niya. She needs him at alam kong kailangan din siya ni Davi. Nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa hanggang sa pumasok na sila sa loob ng restaurant na parang walang nangyari.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now