Davi
Amanda.
She introduced herself to me because I thought nangangailangan ito ng pera.
Little did I know, iyong babaeng mahal ko ang gusto niyang kunin mula sa akin.
I was enjoying my date with Sorrell na hindi ko namalayan na may plano pala siyang ilayo sa akin ang babaeng mahal ko. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na mangyayari iyon. Anong kasalanan ng babaeng mahal ko para putulan niya ng pangarap? That night, gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang patayin. That night was really hard for me, gusto ko siyang parusahan.
She ran away pero hindi niya ako pwedeng takasan. Sa tingin niya ba iyong ginawa niya sa babaeng mahal ko ay pwede niyang takbuhan? Pwede niya akong saktan ng paulit-ulit pero dahil ang mahal ko ang binangga niya then, gusto kong makakita ng dugo mula sa katawan niya.
Ako ba ang hinahamon niya? At nakipagsabwatan pa siya sa lalaking muntik ng gumahasa sa babaeng mahal ko noon? I gave him a chance because I think he deserves that pero putangina, ngayong isa siya sa mga dahilan kung bakit naiwan akong mag-isa, I will make sure na may mamamaalam sa kanilang dalawa.
"C-Calm down, Davi. Walang mananakit kay S-Sorrell doon." nanghihina na ang katawan ko pero hindi ako nakinig kay Koa.
"Davi, ang dami mong sugat, kailangan nating pumunta sa hospital-" dahil sa galit ko ay sinigawan ko si Ronan.
"Take me to that fucking place!" I shouted. "I will fucking kill them all!"
"A-Alright, hindi na tayo pupunta ng hospital pero kumalma ka muna." sabi ni Miles.
Monica was crying beside me. She was sobbing when I heard her talking to the phone. Hindi ko alam kung sino ang tinawagan niya pero kinakabahan ako na baka ang mga magulang ni Sorrell ang kausap niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Sorrell. At sa oras na naabutan ko sila roon, sinisigurado kong hindi na sila masisinagan ng araw.
Noong natanaw ko na ang lugar kung saan nila dinala si Sorrell ay gusto ko nalang bumaba at takbuhin ang distansya namin. The moment I heard the police at the back, that was the moment they ran away. Tumigil ang mundo ko noong wala na si Sorrell noong tumakbo sila.
Hindi pa kami nakalapit noong binuksan ko ang kotse at nagmamadaling lumabas. Kaagad nagbagsakan ang luha ko noong narinig ko na may bumagsak sa tubig. I saw nothing na kahit ang dagat ay hindi ko makita sa sobrang dilim.
"S-Sweetheart," tanging iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.
Alam kong hinulog siya. Alam ko kasi nakita ko na may hawak si Amanda kanina sa malayo.
"Search the whole area! Bilisan ninyo!" sigaw iyon ni Ronan.
"P-Pero malalim po ito rito, kung nahulog talaga siya ay hindi na natin siya maaabutan ng buhay-"
Napatingin ako sa likod nang kwenilyuhan ni Ronan ang kanyang bodyguard. "Stop bullshitting me kung ayaw mong ikaw ang itulak ko para mahanap mo ang tinutukoy ko." nagtitimping sabi ni Ronan.
"Gago ba kayo?! How many millions do you want para hindi kayo maduwag?!" sigaw iyon ni Monica.
I was crying because I was really scared. Ni minsan ay hindi pa ako natakot ng ganito. I never thought losing Sorrell this early would make lose my mind. Panginoon, huwag ninyo sanang kunin ang babaeng mahal ko sa akin. Kailangan ko si Sorrell, kailangang-kailangan ko ang kaligayahan ko.
"I said, search the entire area right now! Babayaran ko kayo kahit ilang bilyon pa ang gusto ninyo!" narinig ko ang sigaw ni Koa sa likod.
"Opo, Mr. Trevino."

YOU ARE READING
Golden Days of Fall
RomanceSAISON SERIES #3 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 Davi is a businessman who is head over heels in love with Otoño, the epitome of class, elegance, and dignity. From an ideal relationship, destiny came to destroy that. Turns out, both of them walk a different pat...