Kabanata 26

1.8K 52 36
                                    

Home

Malakas ko siyang tinulak noong naramdaman ko ang malilikot niyang daliri sa loob ng aking bra. He remained calm pero makikita pa rin sa kanyang mukha ang pangungulila. I stepped backward dahil natatakot akong malaman ng asawa niya na nakikipagkita ang lalaki sa akin.

Ayaw kong makarinig ng kahit na anong mga salita na makakasira sa imahe ko. Klaro naman siguro sa kanya na may asawa at anak na siya at ako, may ibang minamahal na rin. But why does he keep on seeing me? Wala na naman siyang responsibilidad sa akin. Wala naman akong itinagong sekreto sa kanya.

"Bakit ang tagal mong bumalik?" I was stunned after he asked me that.

Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin kaya napabaling ako rito. Gusto kong sabihin sa kanya na dahil sa kagustuhan kong bumalik kaagad pagkatapos nang trahedya ay mas lalo lamang akong tumagal doon sa La Logon. The family that I was with that time helped me pero hindi nila alam kung saan ako nakatira.

I understood because who would eventually know kung wala nga silang mga kapitbahay doon. Sila lamang ang naroon kaya imbis na magmadali ay hinayaan ko nalang. I chose to stay with them kasi wala naman akong pagpipilian. They saved me, mabuti na rin iyon kaysa namatay ako. And I couldn't be more grateful for them because the helped me get back home.

"You asked me questions like that because you guys thought I died right?" I moved a little bit closer to him.

Hindi niya ako maloloko. I saw his friends reaction noong nakita ako. That instead na lapitan nila ako, they didn't do that. Tiningnan lamang nila ako sa malayo na para bang nakakabigla na dalawang taon na ang lumipas at nakita muli nila ako. Nakakalungkot lang isipin na baka imbis na hanapin ako ay baka nilagyan na nila ng kandila iyong nahulugan ko.

He let out a deep sigh. Umiling siya. "You were wrong. Ni minsan ay hindi iyan sumagi sa isip ko."

I chuckled with pure sarcasm. "Don't give me that nonsense, Mr. Carson-"

"Don't call me that, Sorrell. Don't treat me like I mean nothing to you."

"Then don't ask me about anything. Tapos na hindi ba? Nawala ako. Nabuntis mo siya. Ikinasal kayo. Bumalik ako. Ano pang silbi ng eksplenasyon natin kung wala na rin namang saysay ang lahat? Leave once and for all, Davi. At least, respect your pregnant wife." I said.

Napatingin ako sa aking relo. Lagpas alas otso na ng umaga. Bakit hindi pa rin bumalik si Grady rito? As far as I remember, maaga magsisimula ang kanilang exam. I told him last night na sasamahan ko siya. Pero eight na ng umaga at hindi pa rin siya bumalik. Did something happen?

"I am bearing her child pero hindi ko siya mahal." mabilis na dumapo ang paningin ko sa kanya.

The fuck. I gritted my teeth after hearing that. Hindi ito ang lalaki na nakilala ko noon. Ang Davi Carson na nakilala ko noon ay may paninindigan. Hindi gumagawa ng mga bagay na alam kong mapapahak siya at masisira ang kanyang kinabukasan. Pero ano ito ngayon? Where did he get the guts para sabihin sa akin iyan?

"Hindi mo mahal pero binuntis mo?" mas lalo akong nainis dito.

Noong tumingin sa akin ay ganoon pa rin ang kanyang mukha, sobrang seryoso. "Sweetheart, I am sorry. Alam kong hindi mo na ako mapapatawad dahil sa kagaguhan ko. But sweetheart, please I want to hear something from you lips. Mahal mo pa ba ako? Sorrell, naghintay ako, hinintay kita ng dalawang taon e." naglandas ang luha sa kanyang pisngi.

Umiling ako kahit na alam kong hindi niya ito makikita. "Kahit pa sabihin ko sayong mahal pa rin kita, hindi na mababago ang lahat. Hindi na pwedeng ibalik sa dati ang lahat. You cannot undo your mistakes at once. Hindi mo pwedeng itapon si Leese dahil lang bumalik ako, Davi. Hindi ka ganyang lalaki. Hindi ka ganyan magmahal."

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now