Kabanata 13

1.5K 36 2
                                    

Friends

Nagising ako dahil sa mumunting haplos na naramdaman ko sa aking pisngi. I slowly opened my eyes and I saw Davi staring at me. Ngumiti ito noong nakitang nagising ako. I caressed his face, buo na ang araw ko kasi siya ang una kong nakita. Napapikit ako noong hinalikan niya ako sa noo.

"Good morning to my first love." he whispered saka niya ako niyakap.

I hugged him back. First love namin ang isa't-isa. Hindi ko alam kung magmamahal pa ba ako ng iba kung sakali man na hindi kami ni Davi ang magkakatuluyan. Ever since we broke up, ilang taon na ang lumipas pero hindi ako nagmahal ng iba. Maybe because I was so in love with him back then kaya walang makakapantay sa kanya sa puso ko.

And then the moment I saw him again, parang nagsisi ako kung bakit kami naghiwalay noon. Ang sayang noong mga taon na lumipas. If Davi and I didn't break up, perhaps kasal na kami ngayon or worst, baka may anak na kami. Ngayong kami na ulit, gusto ko nang magpakasal sa kanya. I am afraid, we won't end up together.

I am afraid someone out there is meant for him. Natatakot akong hindi ako ang mapapangasawa niya.

"I love you." tanging iyon lang ang lumabas sa bibig ko. I am grateful kasi mahal niya pa rin ako.

Bumitiw siya sa yakap at tinitigan ako. "I love you too. Let's get married para katabi na kita parati."

I chuckled at dahan-dahang bumangon. Parang kanina lang iyan ang nasa isip ko. "Magpapakasal talaga ako sayo."

Tumawa siya sa sinabi ko. "Next year, sweetheart. Papakasalan kita."

Sabay kami ni Davi naligo. Mas nauna nga lang siyang bumaba kasi ipaghahanda raw niya ako ng breakfast. Aalis kami ngayon papuntang Hinagdan Beach Resort, siya lang ang nakakaalam kung saan iyon. Sinamahan pa ako ni Davi sa condo kagabi para kumuha ng mga damit at dumiretso rin naman kami sa bahay niya pagkatapos.

Isang brown puff sleeve dress ang sinuot ko paired with a strappy sandals. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. At first, kinabahan ako dahil baka may ibang kasama si Davi rito but then he told me last night na siya lang ang mag-isa rito, ni walang katulong kahit isa. Pagbaba ko ay kaagad ko siyang natanaw na naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Anong ulam?" I asked him.

Isang itim na long sleeves at puting maong shorts ang suot niya ngayon. Sobrang fresh pa rin nito kahit na may kaunting butil ng pawis sa kanyang noo. The moment he eyed me, he smiled at me. Putangina, nakakabaliw ang kagwapuhan nito talaga.

"Me." and then he chuckled.

Sinamaan ko ito ng tingin at noong nakalapit dito ay hinawakan ko ang kanyang braso at kinagat. He groaned in pain kaya humalakhak ako. Ulam pala ha, ano ka ngayon?

"Sweetheart, I was just kidding. Ang sakit mong mangagat." sabi pa nito at inayos ang upuan ko.

Tumawa ako. "May mas masakit pa riyan."

"Really? I doubt that. Mas masakit akong kumagat, Sorrell." sabi nito.

"Obvious naman." sabi ko sa isang mahina na boses.

"Ha?" he said noong hindi nakuha ang sinabi ko.

"Hotdog." saka ako nagsimulang kumain.

Tumahimik na rin siya at umupo na sa tapat ko. We were talking about the place na pupuntahan namin. Hinagdan is a private resort at medyo may kamahalan daw kaya wala masyadong nagpupunta roon. Just imagine this, he told me na gusto niya sana na kaming dalawa lang ang naroon. Like he said na babayaran niya lahat ng estimated na kita ng resort sa dalawang araw na pananatili namin doon.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now