De Novo
My parents didn't allow me na bumalik ng Pilipinas ngunit pinilit ko sila. Hindi sila pumayag kasi raw sa kondisyon ko ngayon. I am pregnant, at may kalakihan na rin ang tiyan ko pero kaya naman, hindi naman ako pinapahirapan ng anak ko. At the end, pumayag sila ngunit pinasama nila sa akin si Kayla para mabantayan ako.
Ngayon ang anniversary na sinabi ni Mara. Sa kompanya iyon gaganapin kaya mas lalo akong nagdalawang isip na pumunta. Now that I am pregnant, mas pinili ko nalang ang manatili sa condo kapag wala akong ginagawa, ni hindi na ako nagpupunta sa mga high-end bars.
Mamayang hapon gaganapin kaya nanatili na muna ako sa loob ng condo ngayon. I cooked foods na gusto kong kainin, hindi ko na tinawagan si Kayla kasi alam kong kukulitin lang naman ako noon. I arrived here two days ago kaya from time to time ay parating tumatawag ang mga magulang ko. Kinukumusta ako.
Dumating ang hapon at tinawagan na ako ni Kayla na malapit na raw magsimula. Isang maroon na wrap dress ang sinuot ko paired with a favorite classic pumps. Kinuha ko ang itim na coat para suotin. I don't want people to eyed my stomach. Naglagay lang ako ng kaunting makeup at sinuklay ang may kaiklian na buhok. Nagpagupit ako noong dumating ako ng Switzerland.
"Where are you?" asked Kayla noong tumawag ito.
"I am coming downstairs, Kayla."
"Don't wear high heels, Miss. Baka mapagalitan ka nila ma'am." nag-aalalang tanong nito.
Napatingin ako sa sobrang taas ng heels. "My parents aren't here to scold me, Kayla."
"So nagsuot ka nga?" she asked. "Miss, naman e."
I chuckled. "Don't worry, Kayla."
"Tsk, ang kulit talaga ng buntis e." naiinis niyang sabi sa akin.
Saktong noong binabaan ko siya ng tawag ay natanaw ako nito. Nakangiti siyang kumaway sa akin. Noong nakalapit dito ay kaagad siyang tumakbo palapit sa akin para yakapin ako. I hugged her back. Noong bumitiw ay nagsalita siya.
"Ang ganda mo, Miss." saka niya hinawakan ang kamay ko. "Ang sexy mo pa rin talaga."
"Hindi na ako naniniwala sayo, Kayla. May buntis ba na sexy pa rin?" I rolled my eyes pero kapansin-pansin pa rin ang ngiti.
"Of course, ikaw." saka ito kumindat sa akin. "Girl crush kaya kita."
Sinamaan ko ito ng tingin. "Ikaw talaga parati mo nalang akong ginaganyan."
Tumawa lamang siya. "Halika na, Miss. Nagsisimula na raw."
Ayaw ko sanang pumunta ngunit pinilit ako nitong dalawa. Si Kayla ang pinasama ko kasi hindi pwede si Mara dahil may marami siyang gagawin ngayon sa Comfort and Care. I am planning to visit my business after attending this party. Bukas ko na bibisitahin si Grady. I miss him already. Ilang buwan na ang lumipas ngunit presko pa rin sa akin ang nangyari.
Taas noo na naglalakad si Kayla papasok sa kompanya ng mga Carson. Maraming tao ang dumalo na kahit nasa ground floor pa lang kami ay kapansin-pansin na ang dami ng mga bigating tao. Kung hindi lang ako pinilit nitong dalawa kong sekretarya ay hindi naman ako dadalo. We're not close for me to attend kaya.
Nakarating kami sa rooftop ng kompanya. I admit I was really stunned noong napansin ang ganda ng buong paligid. It was as if sobrang laki ng mangyayari ngayon. As if something big surprise will make everyone in awe. I roamed my eyes around ngunit wala ni isa rito ang pamilyar sa akin. What am I doing here anyway?
"Miss, upo na muna kayo." said Kayla.
Tiningnan ko siya. "Pwede bang umalis na muna? I don't feel like attending, Kayla." saka ko hinilot ang aking sentido.

YOU ARE READING
Golden Days of Fall
RomanceSAISON SERIES #3 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 Davi is a businessman who is head over heels in love with Otoño, the epitome of class, elegance, and dignity. From an ideal relationship, destiny came to destroy that. Turns out, both of them walk a different pat...