Kabanata 18

1.5K 29 6
                                    

Tomorrow

Keep the faith.

Never say die.

Noong naramdaman ko na malapit na akong bumagsak sa tubig ay saka ko palang narinig ang sasakyan ng mga police. Take it easy, Sorrell. Narinig ko ang pag-alis ng kotse ni Amanda. She wanted me gone kaya niya ito ginagawa. Hindi siya titigil hanggat hindi niya ako napapaalis dito. Just pray na mamatay ako pagkatapos nito Amanda kasi kung hindi, your life will surely be as miserable as hell.

Everything will be alright in the end.

"S-Sweetheart," hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang narinig ko ang boses ng lalaking mahal ko.

Tears escaped from my eyes the moment I realize na baka hindi na kami magkikitang muli.

Noong bumagsak na ako sa napakalalim na tubig ay kaagad humina ang katawan ko. Sinubukan kong lumangoy pataas para maging maayos ang paghinga pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay parang mas lalo pa akong hinihila palubog. Sinubukan kong umahon pero tinatangay ako ng malalaking alon.

Madilim ang gabi kaya alam kong hindi nila ako makikita. Hindi ko na rin kayang sumigaw sapagkat nanghihina na ang katawan ko. I am already tired but I don't want to give up. Hindi ko pwedeng iwan si Davi, ang pamilya ko, at ang Comfort and Care.

I heard people shouting my name pero dahil palayo na ako ng palayo ay hindi ko na kayang sumigaw pabalik. Sobrang laki na ng alon sa parteng ito kaya kahit ano pang gawin nila ay hindi nila ako mahahanap. My eyes started to get blurry pero tinitigan ko ang kabuuan ng paligid. Hindi ko alam kung kubo ba iyong nakita ko pero sinaulo ko ang lugar na kung saan ako tinulak ni Amanda.

If I am going to be alive after this, I'll make sure someone will suffer to death.

Nahihirapan na akong huminga pero pinilit ko pa rin ang sarili na isalba kahit na alam kong malabo na. Isang hampas ng malaking alon sa akin ay hindi ko na nakayanan at unti-unti nang nanghina ang katawan ko, ang dami ko na ring nainom na tubig. Mas lalo pang lumakas ang alon, hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Kung buhay pa ba ako pagdating ng umaga o bangkay ko nalang ang makikita ng mga mahal ko sa buhay.

The big waves continued, my body was shaking and my breathing becomes heavy. Pumikit ako at taimtim na nanalangin na sana kahit anong mangyari ay hindi pababayaan ng Panginoon ang mga taong mahal ko. I closed my eyes kasi pagod na pagod na ako. I don't want to struggle anymore, gusto ko nang magpahinga.

***

"Hindi ko alam kung buhay pa."

"Hindi ito taga-rito sa atin kasi makikita mo naman ang kutis at damit nito."

Hindi ko alam kung buhay pa ba ako o nasa langit na. Gusto ko man na buksan ang mga mata ay hindi ko magawa. I tried moving my body as well pero nahihirapan akong gawin ito. The moment I could feel someone's hand on my arm, I groaned in so much pain.

"Buhay siya." boses iyon ng isang lalaki.

Hinugot ko ang aking buong lakas, kahit pagod na pagod ay iminulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata. Ang unang sumalubong sa akin pagkagising ko ay mukha ng isang hindi ko kilalang lalaki. Blurry at first pero noong tinitigan ko ito ay naging klaro na ang mukha nito sa paningin ko. Nasaan ako?

The moment his eyes darted at me, he smiled. A total stranger smiled at me. "She's awake."

"Talaga?"

"Mabuti naman kung ganoon."

Napapikit muli ako bago naisipang bumangon. Ngayon ko lang din napansin na nakadapa ako sa may buhangin. Buhay pa ba talaga ako? Saan ako napadpad? Nahihirapan akong bumangon at kaagad kong naramdaman ang mga kamay ng lalaki. Tinulungan ako nito upang makaupo.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now