Kabanata 28

2K 35 19
                                    

Chance

Kumalabog ang puso ko noong tiningnan ko ulit sila sa likod. Panay ang tanong ni Monica sa akin kahit na wala naman siyang mga sagot na nakukuha. I don't think I have to answer those gayong wala naman akong pinagsisihan sa mga nangyari. Sa totoo nga lang e, masaya ako kasi kung hindi iyon nangyari, hindi ko makikilala si Grady. Hindi ko siya mamahalin.

Noong dumako ang kanilang mga mata sa akin ay ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. I don't know how to approach them. Hindi ko alam ano ang sasabihin gayong hindi nga sila makapaniwala na buhay pa pala ako.

"Dalawang taon, Sorrell. Dalawang taon kaming naniwala na patay ka na." said Ronan.

Noong tumingin dito ay nakita ko na naglakad sila papalapit sa akin. I am not ready to talk about this, not now na hindi pa ako nakakausad sa sakit. Si Davi ang naunang naglakad na para bang may balak na naman siyang kausapin ako. The last time we talked, hindi iyon maganda.

"Where have you been?" Koa asked me.

Napayuko ako at nagbuga nang malalim na hininga. "Can I take a rest first? I am tired."

"Please tell us kung saan ka galing. Kung bakit ngayon ka lang nagpakita-" pinutol si Ronan ni Davi.

"Ronan," said Davi.

Napatingin si Ronan sa kanya. "Don't stop me D as if pagmamay-ari mo pa siya."

Bumuntong hininga si Davi. Galing kay Ronan ay ibinigay ito ang buong atensyon sa akin. "Talk to her when she gets better, Tan." Kaagad niya rin namang ibinalik ang paningin sa kaibigan. "Ask me instead, sasagutin ko lahat ng tanong ninyo."

Kumunot ang noo ko pagkatapos niya iyong sabihin. I am scared na baka totoong nag-usap sila nila Grady. At hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Bumaling ang mga kaibigan ni Davi sa kanya noong sabihin niya iyon. Dahan-dahan akong naglakad patalikod. Good to know that one of our housemaids decided na siya na muna ang magbabantay kay Grady.

Nagpunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig and then after that, pumasok na ako sa loob ng kwarto. Medyo kakaibang pagod ang nararamdaman ko ngayon. I need more time to rest kasi nitong mga nagdaang araw ay puro luha ang kasama ko. I am tired physically and emotionally. Gusto ko namang maging masaya.

Binuksan ko na ang pinto at akmang papasok na sana sa loob nang may pumigil sa akin. Dahan-dahan akong tumingin dito at napansin si Davi. He was staring at me like ramdam niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Para saan? Hindi ba siya masaya ngayong magiging daddy na siya? Hindi ba siya masaya ngayong magkakaroon na siya ng anak?

"I am tired." it was almost a whisper habang nakayuko.

Mabilis kong naramdaman ang kanyang mga braso sa baywang ko. He pulled me closer to him.

"Aalagaan kita hanggang sa magiging maayos na ang pakiramdam mo." I shook my head after he said that.

Tumingin ako rito. Noong nagkatitigan kami ay napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I saw longings and sorry in his eyes ngunit hindi ko alam para saan at para kanino. Napaatras ako ng kaunti noong kaagad ako nitong kinarga papunta sa kama. Narinig ko ang pag-lock ng pinto.

He put me to bed na parang bata - maingat at may pagmamahal. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos niya iyong gawin samantalang ako ay tahimik lamang na nakatingin sa kawalan. Nilagyan niya ako ng kumot ngunit wala pa rin akong imik. I don't feel like talking to anyone at this moment.

"Sweetheart," he called me.

Pumikit ako saglit at noong dumilat ay saka pa lang ako nagsalita. "Nasa labas ang asawa mo, Mr. Carson. Baka hinahanap ka na niya ngayon."

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now