Kabanata 22

1.5K 31 9
                                    

Home

Hindi ko alam na babalik pa pala ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nila kapag nalaman na buhay ako. O baka hindi na nila ako makilala ngayon. Marami na ang nagbago sa aking katawan. Hindi na ako ang dating Sorrell na sopistikadang tingnan. Hindi na ako ang dating Sorrell na maganda, maputi, at may magandang pangangatawan.

Two rough years. Those years that I stayed far away from my loved ones somehow made me mature. Hindi ko alam kung may pinagbago ba talaga sa attitude ko pero sa tingin ko, oo. I did mature. I learned lot of things, learned to appreciate little things, and even the things that people think has no value at all.

Dalawang taon na ang lumipas pero hindi ko kinalimutan iyong ginawa ni Amanda sa akin. I promised myself I wanted revenge. Gusto kong maramdaman niya iyong pinaramdam niya sa akin noon. But as time passes by, nawala iyon sa isip ko. Nakalimutan ko ang rason kung bakit ako maghihiganti sa nanakit sa akin. I couldn't find the exact reason anymore.

Maybe because I was saved by beautiful people? That God did that on purpose? To meet new people? To cross paths with Himzana family? To be a part of their family? Masaya ako e. Masaya na akong tumira kasama sila but I know, I know at the end of the day, kailangan ko silang iwan.

"Anak, natatandaan mo pa ba kung saan ka bababa?" tanong ni nanay.

Naputol ang pag-iisip ko at napatingin kay nanay. I smiled at her at tumango kahit na walang kasiguraduhan kung alam ko pa ang daan pauwi sa amin. Nahagip ng tingin ko si Grady na ngayon ay sobrang layo ng paningin. We're currently on the boat, papunta na kami sa isla na tinutukoy nila ni tatay.

Sinindot ko sa tagiliran si Grady upang tumingin sa akin. Gladly he did. Medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko noong tumingin ito sa akin at nakita ko na medyo bumalik na ang kanyang kulay. I was emotional earlier because that was the first time I saw him in that state, plus the blood on his tee.

"Masaya ka?" he asked me. "Makakabalik ka na sa inyo."

I shook my head. "Mas magiging masaya ako kapag kasama kita roon."

He smiled after I said that. "Sasamahan kita. I will make sure na makakauwi ka ng maayos."

My eyes widened pagkatapos niya iyong sabihin. Sa sobrang galak ay kaagad ko siyang niyakap. Noong bumitiw ay tinukso kami nina Haunani. Na bagay daw kaming dalawa. Napailing nalang ako at napaiwas ng tingin. Kung alam lang sana ninyo kung gaano ako kagusto nitong si Grady. For sure kikiligin kayo. Tinagilid ko ang aking ulo at muling napatingin sa lalaki.

"You're blushing. Kinikilig ka?" natatawa nitong sabi.

Tinampal ko ang braso niya. "Baka ikaw diyan ang kinilig."

Lumapit ito sa akin at bumulong na naging dahilan kung bakit mas pumula pa ang mukha ko dahil sa hiya. "Every day, mahal. Every day mo ako pinapakilig."

Tinitigan ko siya ngunit siya naman itong umiwas ng tingin. "I am proud of myself."

"You should be." he said.

"Sabihin mo why. Ito naman e." sinamaan ko ito ng tingin.

"Why?" parang napipilitan pa.

"Syempre nagawa kitang pakiligin. Napakilig ko ang isang Grady Frankin Himzana." I chuckled.

Tumawa rin siya. "Huwag kang tumawa riyan, magiging apelyido mo rin iyan."

I looked away after he said that. I don't think so. I am seeing myself as Mrs. Carson more. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin si Davi. I badly miss him. Gusto kong siya ang una kong makita pag-uwi ko. The moment I eyed Grady, nakatingin na pala ito sa akin.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now