Mine
Nasa hapag kaming dalawa kumakain. I was just staring at him habang tahimik itong kumakain. Noong naramdaman nito na tahimik din ako ay kaagad siyang napatingin sa akin. He smiled at me kaya nginitian ko rin siya pabalik. Hindi ko alam na mahuhulog pala ako sa kanya.
And I must say, hindi ako nagsisi na nagustuhan ko siya. Gusto ko lahat ng characteristics niya. Grady Frankin is a good guy. Wala kang masasabi sa kanya na mga negatibong bagay. Mapapamahal ka talaga sa kanya at ang swerte mo kapag minahal ka nito pabalik.
I remember those times na naroon pa ako sa kanila, seldom niya lang ako pinapagawa sa mga gawaing bagay. Magtatampo kaagad iyan kapag hindi mo sinusunod ang mga sinasabi niya. Ang perfect ni Grady para maging asawa. Ang sarap niyang mahalin, hindi ka magsisisi.
"Masaya ka ba talaga?" he asked me.
Napainom ako ng tubig noong tinanong niya ako. "Sa alin?"
"For choosing me over your first love. Alam kong mahal mo pa siya, Sorrell."
Ngumiti ako rito. "To be honest, masaya ako noong nakitang ikinasal siya sa kaibigan niya. Umiyak ako pero na realize ko rin kalaunan na una pa lang sila naman talagang dalawa ang para sa isa't-isa. I am happy for Davi actually kasi ang bait ng asawa niya. Leese?" I smiled even more. "I admire her purity. Gusto ko nga rin siyang maging kaibigan e."
Nakatitig lamang siya sa akin. Kumunot ang noo ko saglit kaya dahan-dahan na rin siyang ngumiti.
"You're still in love with him. Please give me an honest answer. Sabihin mong mahal mo pa siya."
Mabilis kaagad akong umiling. "The moment I saw him again, I was hesistant to say something because I don't know exactly what to feel. I was staring at him in the eye pero hindi ko na kayang e admit na baka hindi ko na siya mahal. Grady, my attention was on him pero ikaw ang nasa isip ko."
"Hindi ka niya nakalimutan at hanggang ngayon ay mahal ka pa rin niya."
Kumain muli ako at huminto lamang noong sabihin niya iyon. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. "He married Leese kasi mahal niya ang kaibigan. Hindi ako naniniwalang mahal niya ako kasi kung totoong mahal niya ako, hindi niya aanakan si Leese. I know she was there when he was nothing. At masaya ako roon. I won't get tired saying this, super deserve nila ang isa't-isa."
Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. And as much as I want to convince him na mahal ko siya ay tumahimik nalang ako. We ate silently and then after that ay nag-volunteer siya na siya ang maghuhugas ng mga pinggan pero hindi ako pumayag. Kahit pa ang dami kong gustong itanong sa kanya ay mas kailangan niya pahinga ngayon.
"Mahal, please ako na riyan." nasa likod ko siya nakatayo habang naghuhugas ako ng aming pinagkainan.
I eyed him saka ngumiti. "Malapit na akong matapos dito, magpahinga ka na."
He shook his head. "You're exhausted. Alam kong pagod ka ngayon."
"Pagod ako pero hindi naman mahirap itong ginagawa ko e."
Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang plato na hawak ko. "Grady, kaya ko naman-" mabilis niya akong pinutol.
"Take a rest, mahal. Matutulog na rin ako pagkatapos nito." saka niya pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Wala na akong nagawa pa at hinayaan ko nalang siya na gawin ang kanyang gusto. Pero hindi ako umalis, nanatili ako sa likod niya. He was silent while washing the dishes hanggang sa natapos ito. Nabigla pa siya noong nakita niya akong nakatayo sa may pintuan, tinititigan siya.
"Hindi ka pa ba matutulog?" he asked me.
I shook my head. "Tara, mag-usap na muna tayo."
Nakangiti itong umiling sa akin. "Come," saka niya hinawakan ang kamay ko. "I'll take you to your room."

YOU ARE READING
Golden Days of Fall
RomanceSAISON SERIES #3 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 Davi is a businessman who is head over heels in love with Otoño, the epitome of class, elegance, and dignity. From an ideal relationship, destiny came to destroy that. Turns out, both of them walk a different pat...