Kabanata 21

1.6K 35 11
                                    

Forever

Lumipas ang dalawang taon at mas napamahal na ako sa pamilya nina Haunani. I never thought being with them would be this memorable. Now that Grady and his family were busy finding ways para makabalik na ako sa amin, napapalitan ng lungkot ang saya na nararamdaman ko kasama sila. Hindi pa ako handang bumalik sa amin.

Hindi ko kasi alam kung mayroon pa ba akong babalikan.

Dalawang taon na ang lumipas at siguro ay nakalimutan na nila ako. Kung sakali man na alam nilang hinulog ako ni Amanda noon sa dagat, baka sa tingin nila ay patay na talaga ako. Hindi pa ako handang bumalik. Hindi dahil natatakot akong makita sila ulit. I am afraid na kapag nakabalik na ako, I won't be able to see this family again. Kung sana pwedeng dito nalang ako e, pero alam kong may magagalit.

Grady and I created an amazing friendship. I never thought na magiging ganito kami ka close. Buong akala ko ay magiging malamig ang pakikitungo nito sa akin hanggang sa makauwi ako sa amin. I mean, we're already friends kahit dalawang buwan pa lang ako rito sa kanila. Alam kong mabait si Grady pero minsan napapaatras ka nalang kasi medyo intimidating talaga siya.

That was before though, ngayon ay hindi na. Sa dalawang taon ba naman naming pagsasama ay nakilala na namin ang isa't-isa. I enjoyed being with him kasi bukod sa mabait, masayahin, ay napaka maalaga rin niya. Ang sarap sa pakiramdam kapag inalagaan ka ng isang Grady Frankin. Ganoon naman si Haunani pero hindi kasi kami medyo nagsasama kasi parati siyang sumasama sa mga magulang doon sa bayan.

"Anak! Halika na!" sigaw ni Nanay Josefa noong nakita akong nagbubungkal ng lupa.

Huminto kasi ako saglit dahil medyo nakaramdam na ako ng pagod. And then I suddenly remember them, ang naging pangalawa kong pamilya. Nakaupo si Nanay Josefa sa ilalim ng punong mangga at nagluluto ng salted na mani. Marami kasi akong ibinilad noong nakaraang araw kaya ayon at naluto na ni nanay ngayon.

"Sandali lang, Nanay! Nag-e-enjoy pa po ako rito!" natatawa kong sigaw.

"Naku, mamaya na iyan! Kumain ka muna nito habang mainit pa." sabi pa ni nanay.

Kaming dalawa lang ang naiwan ngayon. Tatay Jose, Grady, and Haunani went out para maghanap ng paraan kung paano ako makakauwi, nagtanong-tanong din sila. Nakakainis nga si Grady kasi kahit hindi ko na iyon bukang bibig ay parati niya pa ring pinapaalala sa akin na kailangan ko talagang umuwi. Nakakalungkot isipin na habang tumatagal ako rito ay nasasaktan ako. I don't want to go home yet. Hindi ko pa kayang iwanan ang pamilya ko rito.

Ngumiti ako at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ay nadapa ako sa palayan. The moment nanay saw it ay kaagad itong tumakbo para daluhan ako. Napatingin ako sa tuhod ko at kaagad kong nakita na mayroong dugo rito. Nasugatan pa yata ako.

"Anak, may sugat ka ..." nag-aalalang sabi ni nanay.

I smiled at her. "Maliit na galos lang po ito, Nanay. Hindi pa mababawasan ang kagandahan ko."

Sinamaan ako nito ng tingin pero nakangiti pa rin. "Halika, gamutin natin iyang sugat mo. Alam mo namang uuwi ngayon sina Grady, naku kapag nalaman noong nasugatan ka, paniguradong magagalit na naman iyon."

Tama, ngayon nga pala ang balik nila. Tatlong araw din sila roon. And I suddenly remember noong nadapa rin ako sa kung saan nag-araro si Grady. He was so mad at me. He ignored me for an hour because of that. Panay ang papansin ko pero hindi niya ako kinausap ng isang oras. Nadapa ako pero maliit lang naman iyon na sugat pero nagalit talaga siya. Two weeks niya rin akong hindi pinayagan na tumulong sa kanila. Ganyan magalit ang isang Grady Frankin.

I chuckled. "Hindi iyon magagalit sa akin, Nanay. Takot na lang niyang masuntok ko."

Tumawa rin siya saka kami naglakad pabalik sa kung saan nagluluto si nanay. I was eating salted peanuts samantalang si nanay ay ginagamot ang sugat ko. Daplis lang ang sugat na nakuha ko pero medyo mataas ito kaya natagalan si nanay sa paggamot. Umihip ang panghapong hangin kaya napangiti ako. I love the feeling whenever the sun sets behind those mountains.

Golden Days of FallWhere stories live. Discover now