Disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Celeste: Tata liligo na ako, ikaw din po susunduin raw po tayo ni samantha ng 1pm.
Imee: Sige anak, mag aayos lang ako nitong pinag kainan natin.
Rody: Imee? Tao po?
Imee: Yaya pabukas nga ng pinto parang may tumatawag e.
Yaya: Sige po.
Imee: ( Pag kalingon ko sa may pintuan nagulat ako ng makita ko sa rody ) Oh? Rody bakit andito ka?
Rody: Masyado bang maagap ang manliligaw mo?
Imee: Hinaan mo nga boses mo baka marinig ka ni Celeste.
Rody: Hindi ba totoo?
Imee: Oo totoo pero wag mong ipakinig sa pamangkin ko at hindi ako titigilan non mamaya.
Rody: Sige tatahimik na ako, tuloy na tuloy siguro ang date natin ngayon?
Imee: Anong date? I te treat lang kita, dahil pinakalma mo ako kagabi no. Kaso baka hindi tayo matuloy ngayon kasi sasamahan ko pamangkin ko may gagawin kami.
Rody: Saan? Isama mo na din ako, kahit body guard mo nalang ( Pagbibiro ko )
Imee: Pwede naman kitang isama kaso wag mong sasabihin kay Irene kung ano man ang gagawin namin okay?
Rody: Bakit ano bang gagawin niyo?
Imee: Basta malalaman mo din naman mamaya.
Celeste: Tata? sabi po ni samantha kung pwede ngayon na. Kuya Rody?
Rody: Hi celeste, kamusta ka?
Celeste: Ayos naman po, kuya? pwedeng i re sched niyo nalang po ang date niyo ni tata?
Imee: Anak naman, Hindi nga kasi ...
Rody: Sure, wala namang problema don celeste, basta para sa baby girl ni Imee, pwede bang sumama nalang ako sainyo para mabantayan ko din si tata mo?
Imee: Tigilan niyo akong dalawa ha!
Celeste: ( Napangiti ako sa nakinig ko ) Sure kuya, tulong na din po kayo saamin.
Rody: Para saan ba yan?
Celeste: Para po kay mama, malapit na po kasi ang birthday niya e nakaisip lang po ako ng kaunting pa surprise para sakanya.
Rody: Game ako diyan, alam mo ba na kami ni tata mo mahilig sa paggawa ng mga surprise?
Celeste: Talaga po? wala naman pong na kwe-kwento si tata saakin pero nakikita ko naman po na mahilig talaga siyang gumawa ng mga effort ganon po.
Samantha: Celeste? Tita Imee? Tao pooo?
Celeste: Saglit lang po bubuksan ko lang si Sam.
Imee: Sige anak. ( Lumapit ako kay rody at kinurot ko ang binti nito ) Ikaw ha kung ano-ano pinag sasasabi mo kay celeste.
Rody: Aray, kung mangungurot ka pwede bang dito nalang sa puso ko para sulit yung sakit kahit papaano? At saka hindi ba pwedeng tutuo lang sinasabi ko? Mahilig ka naman talaga gumawa ng effort/ surprise at saka gusto mo din yung na su surprise ka. Kaya wait ka lang diyan
Imee: ( Habang papunta siya sa sasakyan niya sinigawan ko siya ) Ang baduy ha, hindi padin ba nag babago ang mga pick-up lines mo diyan?
Samantha: Ano bes? may naisip ka ng design ?
Celeste: Umakyat muna tayo sa kwarto ko may sasabihin ako
Samantha: Bakit bigla akong kinabahan? Ano ba yan hindi mo ba makwe kwento saakin dito?
Celeste: Tata punta lang kami sa kwarto mag bibihis ka panaman po diba?
Imee: Oo anak intayin ko lang si kuya rody mo may kinukuha sa sasakyan niya e.
Celeste: Sige po tata. ( Hinila ko na si sam paakyat )
Rody: ( Itinago ko sa likod ko yung mga bulaklak habang kausap niya si celeste dumaan ako sa may pool para hindi niya makita ang dala ko papasok sa salas kung saan siya nakaupo ) Flowers for you.
Imee: Wow my favorite! ( daisies ) Paano mo nalaman?
Rody: Actually yan lang ang naitago mo saakin ng matagal as in hindi mo sinabi saakin na yan pala ang favorite mong flowers.
Imee: Kaya nga? Paano mo nalaman na ito ?
Rody: Nag ka meron ako ng hint nung college tayo kaso hindi ko padin sure noon, tanda mo nung dinala kita sa Flower Farm ng pinsan ko? Nakita kita noon na may hawak kang daisies habang lumilibot tayo sa flower farm kaso nung pauwi na tayo nakita ko nalang na ang hawak mo na ay rose at saka apple blossom. Nabanggit lang ni bongets saakin nung nasa US kana na ito ang favorite mong bulaklak.
Imee: Wala talaga akong maiitagong sekreto kay bongets
Rody: Ayos lang yon at least ngayon araw araw, makikita mo ang favorite flower mo ( Sabay kindat )
Imee: ( Napatawa ako ) Hindi ka padin talaga nag babago ang corny mo pa din.
Rody: Gusto ko kasi na mapangiti kita ulit, Gusto ko makita ang dating Imee na nakilala ko. ( Seryoso kong sabi )
BINABASA MO ANG
I Will Hold You
AcakIf you want my story just comment then pa like na din, this is my first story sana magustuhan niyo.