UNDER THEIR INFLUENCE 2: GUARDIANS

168 16 0
                                    

"Lexel! Gising na, male-late ka na!" halos pasigaw na at ramdam ko na sa tono ng tumatawag sa akin ang inis niya.

Kumunot ang nuo ko habang lalong siniksik ang sarili ko sa kama. Ugh, ayaw ko pa bumangon! Ayaw ko pa pumasok!

"Uy, bata! Bumangon ka na d'yan! Unti nalang tutubuan na ito ng sungay oh!" natatawang sabi sa akin ng isa pa na kabaligtaran ng kasama niya.

"Ugh! Ito na! Ito na! Babangon na! Ang ingay ninyong dalawa hindi na ako makatulog pa." inis kong sabi pag upo ko sa kama habang ginugulo ang buhok ko.

"Yehey! Gumising ka na rin! Rise and shine, Lexel!" masayang sabi ng naunang tumawag sa akin na umupo sa dulo ng kama ko.

Napabuntung-hininga na lamang ako. Kung may iba lang na nakakakita ngayon sa akin, iisipin nilang baliw ako dahil wala naman silang nakikitang kausap ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang sinumpa este pinagpala na makita ang gaya nila.

I mean, normal ba na makita mo ang guardian angel at devil mo sa pang araw-araw na pamumuhay sa earth? Nagsimula ito after ng 16th Birthday ko, pagka galing ko sa misa, na nakikita ko sila.

"Ayun, gumising ka na rin! Bilisan mo na mag asikaso kundi mapipilitan akong hubaran ka." sabi ng nakaupo sa study table ko at kinakalikot kung ano mang meron sa ngipin niya. Eww, the fuck.

"Ang bastos mo talaga!" nandidiring sabi ko at tuluyan ng umalis ng kama at kinuha ang twalya ko para dumiretso na sa pagligo.

"Umagang kay makasalanan ka talagang demonyo ka! Tinuturuan mo agad ng hindi magandang asal ang alaga ko." masungit na tugon ng isa.

"Bakit? Inggit ka? Halika dito, ikaw nalang ang huhubaran ko." natatawang tugon nito at nailing nalang ako habang palabas ng kwarto ko.

Hindi ba sila nagsasawang magbangayan na dalawa? Sabagay, parang aso't pusa ang anghel at demonyo. Hindi na dapat ako nagtataka at umasa na magkakasundo pa ang dalawang ito.

Pagpasok ko ng banyo eh sinimulan ko na ang ritwal ko --- ang pagligo. Oh, anong kalokohan ang pumasok d'yan sa mga utak ninyo ha?

Dahil simula ngayon ay kasama ninyo na ako sa mga mangyayari sa buhay ko, aba dapat lang na ipakilala ko sa inyo ang sarili ko.

I'm Lexel Gomez. 17 and a half. Going 18 years old. Yes, halos matagal ko na rin nakikita at nakakasama ang guardian angel at devil ko. Anyway, back to me. Matangkad ako, 5'11. Tanned skin. Slim. Tantalizing brown eyes, bushy eyebrows, thin lips at may salt and pepper hair color. Second year college student. Nakatira ako sa puder ng lola at lolo ko kasama ang tito ko at pinsan kong closet gay.

Strict household dahil kay Lolo pero kapag wala siya, hayahay ang buhay namin. Religious kasi sobra ang lolo ko. Nagseserve sa simbahan eh samantalang 'yung Tito ko naman pari at 'yung lola ko ang siyang nagbabasa ng mga kasulatan sa bibliya. At kami ng pinsan ko na halos isang taon lang ang pagitan? Sakristan.

Siguro ito ang dahilan kung bakit nakikita ko ang guardians ko. Siguro dahil nagtatrabaho ako sa simbahan. Iyon lang ang isa ko pang naiisip maliban sa nababaliw na ako.

"Lumabas muna kayo. Magbibihis ako." utos ko sa dalawa na pagbalik ko ay nagbabalak ng magbatuhan ng unan. Hay naku, itong mga ito.

"Ay teka lang, hindi ko pa naaayos pinaghigaan mo." nakangiting sabi ng isa sa akin.

"Weh? Hindi ka nga marunong. Wala naman kayong higaan sa langit. Puro ulap nanduon." ismid ng isa.

"Pwede ba, kayong dalawa tumigil muna kayo. Labas!" inis kong sabi at tinignan sila ng masama.

"Ito na na po. Sorry." ipit na boses na paumanhin samantalang yung isa naman wala lang. Nag motion pa ng mahalay pero nakakatawa.

Matapos kong magbihis suot ang uniform ko ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ng kusina kung saan nadaanan ko pa ang dalawa kong bantay na magkatapatang nakaupo at may kanya-kanyang pinagkaka abalahan.

"Good morning, Lex." bati sa akin ng Tito ko.

"Good morning." bati ko pero halatang inaantok pa ako at umupo sa tabi ng pinsan ko na abala na sa pagkain niya.

"Natagalan ka yata ngayon. Alam mo namang hindi dapat pinaghihintay ang grasya." sabi ng Lolo ko na seryosong nakatitig sa akin pagbaba niya ng binabasa niyang dyaryo.

"Sorry po." nakatungo kong hingi ng paumanhin. Narinig ko namang tumikhim ang pinsan ko kaya pasimple akong tumingin sa kanya. Malamang sa malamang may say na naman ito sa Lolo namin na hindi niya lang ma voice out.

"Ay naku, huwag mo ng pagalitan si Lex. Papasok pa sa school iyan. O'sya, iho, kumain ka na oh." sabi ng Lola ko at nakangiting inasiko ang agahan ko.

"Thank you po, La." tugon ko.

Matapos ang agahan ay inaya na kami ng Tito ko na sumabay sa kanya paalis ng bahay para maihatid niya kami sa pinapasukan naming eskwelahan ng pinsan ko.

Nasa likuran kami nakaupo ng pinsan ko habang abala si Tito mag drive.

Nililibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga nadadaan namin sa labas habang pinapakinggan ang pagkanta ng guardian angel ko na si Gabi. Sinasabayan niya kasi 'yung tumutugtog ngayon sa radyo na Through the fire ni Chaka Khan. In fairness naman maganda talaga ang boses ng mga anghel. Kaso nasa kalagitnaan na ng pagbirit si Gabi ng biglang umepal din sa pagkanta si Rome. Kumanta ba naman ng We didn't start the fire ni Billy Joel kaya hindi ko napigilan na hindj matawa.

Syempre, sinamaan ako agad ng tingin ni Gabi. Sunod namang napatingin sa akin ang pinsan kong si Moi or Moses Gomez at ang Tito ko na nagda-drive.

"Okay ka lang, Lex? Bakit bigla kang tumatawa d'yan?"

"Nababaliw na naman yata siya Tito."

"Moi!"

"Ah wala, Tito! May nakita lang kasi ako na nakakatawa sa nadaanan natin." pagsisinungaling ko at kasabat nu'n ay ang pagsigaw ni Rome sa saya.

"Another five points para sa akin, anghel ko! Woohoo! Galing mo talaga bata!" saad ni Rome sabay kuha sa maliit niyang kulay itim na notebook sa suot niyang suit at sulat duon ng nakuha niyang puntos mula sa pagsisinungaling ko.

Napalingon ako sa anghel kong nailing nalang at napa buntung-hininga. Sorry, Gabi.

"Babye, Tito. Ingat po kayo." paalam namin ng pinsan ko bago tuluyang makalayo ang kotse nito sa tapat ng eskwelahan namin.

"Alright, time to rampa!" maarteng sabi ng pinsan ko bago ako bineso, "Bye, insan! See you later!" at tuluyan na siyang lumakad palayo sa akin samantalang nanatili akong nakatayo sa pwesto lo at napabuntung-hininga.

"Isang araw na naman na hindi ako matutulungan ng kahit na sino, kahit pa ang guardian angel at devil ko sa mga bully sa classroom."

Napalingon ako sa magkabilaang gilid ko para tignan kung nasaan ang nasabing mga bantay ko pero ayun, nasa di kalayuan at abala sa paglalaway sa mga pagkain sa canteen na hindi naman nila makakain. Napangisi ako sa hitsura nila.

Ipapakilala ko ba sila sa inyo? Saka nalang siguro. Sa ngayon, ako muna dahil ako ang pangunahing bida dito.

------------------------------------------------------------

Date Posted: December 26, 2021

Time check, 12:13 AM. How are you all? Sino sa tingin ninyo ang nakarami ng puntos ngayong araw sa dalawa ninyong bantay? Anyway, 'til next update!

Stay lunatic! Stay weird!

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon