UNDER THEIR INFLUENCE 24: ACCEPTANCE

92 7 0
                                    

"I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well. Psalm 139:14." pagbasa ni Bel sa hawak niyang bibliya. Pasimple akong ngumiti sa pwesto ko at nilibot ang tingin ko sa luob ng simbahan.

Akalain mo nga naman, ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay isa ako sa mga sakristan na nakaupo sa gilid nitong simbahan ngayon isa na akong pari. Hinanap ng mga mata ko ang mga mukhang kanina ko pa gustong makita. Paano ba naman, ngayon ang huling gabi ng simbang gabi kaya naman dagsa ang mga tao suot ang mga damit nilang magaganda para ipa bless sa simbahan pero karamihan sa mga nandito na kabataan ay nandito lang para irampa ang sarili at suot nila at hindi para makinig sa homiliya dahil abala sila sa chismisan nila o pagpapapansin sa mga crush nila. Hay, mga kabataan talaga.

Napangiti ako ng sa wakas nakita ko ang kanina ko pa hinanap. Duon nakaupo sa bandang likod ang mga magulang ko kasama si Lola Maria at Moi na isa ng ganap na lawyer. Pinagdasal ko talaga na makapasa siya at masaya akong dininig ng langit ang aking panalangin.

Siguro palaisipan sa inyo ngayon kung naka anyong anghel at demonyo ba sina Rome at Gabi, kaya ako na ang magsasabing hindi. Naka anyong tao sila at nakikinig sa homiliya. Well, more like si Gabi, paano ba naman si Rome nakalimutan yatang naka anyong tao siya at may inaasar na bata dahilan para. .

. . Umalingawngaw ang isang malakas na iyak ng bata mula sa likuran kaya ang karamihan ay napatingin sa pinagmulan ng ingay. Agad na napatingin sa akin si Bel at bakit parang kasalanan ko kung makatingin siya sa akin? Ang layo ko kaya kila Rome! Nagkibit balikat nalang ako samantalang pasimple siyang nag eye roll sa akin at bumalik sa pagbabasa ng bibliya na siyang tinutugon ng mga nandito ngayon sa simbahan.

Muli kong binalik ang tingin ko sa likuran at nakita ko ang nakangiwing ekspresyon ni Rome dahil pinipingot lang naman ni Gabi ang tenga niya samantalang si Lola Maria naman, ayun sinesermunan siya habang si Moi naka thumbs up sa akin na nagpipigil ng tawa.

Sa ngayon masasabi kong mas okay na ang buhay ko mula ng lumipat kami ni Moi sa puder ni Lola Maria at umalis sa City para ipagpatuloy ang buhay dito sa Gray Stone. Itinuring niya si Moi na parang tunay niyang apo at tinulungan namin siya sa kanyang bakery hanggang sa makapagtapos kami parehas ng college. Nakakatuwa nga dahil himalang naitawid namin pare-parehas ang pagaaral namin sa kolehiyo siguro dahil na rin sa nagtutulungan kami at nand'yan yung paminsan na pag raket nina Rome at Gabu kapag naka anyong tao sila. Opisyal ding naging pinsan ko na si Bel dahil technically magkapatid sina Bel at Moi sa ama and sobrang okay din ng bond na meron sila gaya ng sa amin ni Moi ng kami palang nuon na dalawa. Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong hindi na tinuloy ni Bel ang pagaaral sa kolehiyo dahil technically speaking hindi naman niya kailangan nu'n dahil bukod sa wala naman talaga sa registry ng mga mortal ay may source of income naman siya at hindi lang simpleng raket, sumusulat siya ng mga fictional stories na siyang pinagkakakitaan niya dahil nakalathala iyon online.

Nag alangan pa nga ng una sina Rome at Gabi ng sabihin ko sa kanila ang kagustuhan kong maging pari at ganuon din si Bel dahil syempre, nagaalala sila na baka mahirapan ako sa mga responsibilidad na naka atas sa akin bilang syempre ako ang namumuno sa purgatoryo katumbas ng posisyon nina Hesus at Satanas na syempre wala naman silang nagawa ng boto sina Moi at Lola Maria sa naging desisyon ko. Malakas yata ang powers ng dalawang iyon. Kaya heto ako at nakaupo ngayon sa harap ng maraming mananampalataya bilang isang pari.

Maniwala man kayo o hindi, ang lugar ng Gray Stone ay hindi lang para sa mga mortal na hindi 'fit' sa normal na buhay o sa city kundi pati na rin sa mga ligaw na kaluluwa, napatalsik na anghel sa langit at demonyong nag tuwid ng landas kaya napaalis ng impyerno.

Napangiti ako subalit hindi rin mawawala sa akin ang lungkot. Naalala ko kasi bigla ang kinalakihan kong pamilya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam bakit ko naisipang mag pari o baka alam ko ngunit ayaw ko lang aminin. Naalala ko pa nuon tuwing makikita ko si Tito na nagsusuot ng damit niya bilang pari ay manghang-mangha ako at sobrang taas ng respetong meron ako para sa kanya hanggang sa mangyari ang hindi dapat.

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon