UNDER THEIR INFLUENCE 4: ROME AND GABI

82 10 0
                                    

Sa wakas, natapos din ang isang buong araw na kaparehas lang ng kahapon. Makakauwi na din ako sa bahay! Sa kwart ko. Ugh, miss ko na ang kama ko.

"Ang tagal ah." pauna kong sabi ng dumating si Moi na todo kendeng pa sa lakad niya. Napailing nalang ako.

"Syempre, fini-feel ko pa yung nalalabing oras ko dito sa school. Alam mo naman, kapag bumalik na tayo sa bahay, isang mapagpanggap na tao na naman ako. Tayo." makahulugan niyang sabi. Alam kasi nito na nabu-bully ako. Tinangka niya na ngang magsumbong sa guidance pero pinigilan ko siya.

Paglabas namin ng gate ay agad kaming pumara ng masasakyang jeep pauwi. Hindi pa rin nawawala sa akin 'yung nangyari before. 'Yung unang beses ko makita sina Rome at Gabi. Grabe talaga, hinimatay pa ako nu'n sa sobrang gulat.

Inayos ko nalang ang pagkakasandal ng ulo ni Moi akin ng mapansin kong nakatulog na siya sa biyahe.

After 30 minutes, nakauwi na din kaming dalawa. Syempre pagdating namin, mano agad sa dalawang matanda.

Mamaya pa kasi si Tito makakauwi. As usual, gabi na kasi marami daw gawain sa simbahan. Thou may business naman din siya kapag wala siya sa role ng pagiging pari niya. Kung ano man 'yung business niya, wala akong alam este kami.

Pagtapos naming sabay kumain ni Moi ng hapunan kasabay sila Lola na si Lolo ang nag lead ng pasasalamat ay agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko para makapag bihis kaso hindi ko inaasahan na magulat sa nakita ko.

Paano ba naman, nakita ko si Gabi na natutulog sa kama ko samantalang nakaupo naman malapit sa kanya si Rome at hinahaplos ang pakpak nito.

Oh my gahd! Did I missed a few chapters?! Kakasimula palang ng kwento!

"Hoy, anong ginagawa mo?" tanong ko na kinagulat ni Rome kaya ang ending napahablot siya ng isang pirasong balahibo sa pakpak ni Gabi na kinagising nito.

"Aray! Ano iyon?" react ni Gabi at agad inikot ang tingin niya sa paligid. Naningkit at mata nito ng makita ang hawak ni Rome, "Balahibo ko ba iyan?"

"Uhm, hindi ah. Sa manok ito."

Tinaasan siya ni Gabi ng kilay, "At kailan pa nagkaruon ng manok dito? Walang manok sila Lexel."

"Ngayon lang. Ayan nga oh. Nasa harapan ko, tumitilaok. Ukruok-ok!" tugon nito at nag ala manok pa na tumitilaok.

Swear, pinipigilan kong matawa sa sinabi ni Rome at sa namumula sa galit na hitsura ni Gabi.

"I-Ikaw! Halika dito!" sabay galit na sinubukang hablutin siya ni Gabi kaso mabilis ang loko at pumunta sa direksyon ko at nagtago sa likuran ko.

Tsk, tsk. Talaga nga naman.

"Huwag kang duwag! Huwag ka magtago sa likuran ni Lexel!" sabi ni Gabi na sinusubukan pa rin siyang abutin mula sa likuran ko.

"At ano? Anong gagawin mo? Yiiee, type mo siguro ako 'no? Tignan mo, sobrang desperado mong mahawakan ako. Hay, iba talaga ang mga ganya naming demonyo nakakabihag ng mga anghel. Okay na sana kaso masyado na kaming marami sa impyerno huwag ka ng dumagdag pa, anghel ko."

"Talaga! Halata namang mas maganda ang accomodation namin sa langit kasi hindi namin kailangan magsiksikan gaya ninyo."

"Aba, nanglalait ka. Naku, masama iyan anghel ko."

Napailing nalang ako at yumuko para makaalis sa gitna nilang dalawa. Bahala sila d'yan. Tsk, tsk. Maliligo na ako.

"Hoy, bata! Saan ka? Bakit ka naman umalis!"

Pero hindi ko ito pinansin at nagtuluy-tuloy palabas ng kwarto ko para pumunta sa banyo para maligo.

Anyway, ito na siguro ang oras para ipakilala sila sa inyo --- ang mga bantay ko. Ang aking anghel at demonyo na sina Rome at Gabi.

So, kanino ako magsisimula? Hmm. .

Sige, unahin natin ang anghel na si Gabi o Gabriel. Magandang lalaki si Gabi. Matangkad, artistahin ang mukha, halatang good boy kaya naging anghel at may mala pang shampoo commercial na buhok. Kumikinang ang balat na akala mo may glitters. Mabango din siya tignan thou mabango naman talaga siya. Amoy bulaklak. May pagka maarte sa pananamit or siguro kasi iyon ang dress code sa langit. 'Yung suot niya kasi mapagkakamalan mong dress. Feeling ko nga walang binatbat 'yung mga artista sa maamo niyang mukha kaya hindi na ako magtataka kung crush siya ni Rome. Hahaha. Sshh, quiet lang kayo duon sa last part.

Okay, move na tayo sa pangalawa at wala ng iba at kasunod pa na bantay ko na si Rome. Obviously, siya ang demonyo. Naku, naku, paano ko ba siya idedescribe sa inyo? Hmm, kung si Gabi artistahin ang mukha, si Rome makasalanan ang mukha pati ang hubog ng katawan. What I mean is, kung icocompare siya sa mga bad boys mafia lord, naku walang binatbat ang mga iyon. Tindig palang at mata, pamatay na. Lalo na kapag nagsalita ito. Ang lalim ng boses napaka sensual. Mas matangkad siya ng kaunti kay Gabi at laging naka itim na suit. Ayos na ayos, at 'yung buhok clean cut at amoy palang, jusko on your knees na agad. And again, hindi ako bakla, okay? Dinedescribe ko lang para alam ninyo na bagay talaga sa kanya ang maging demonyo.

Ewan ko nga ba at nakikita ko sila dahil hindi naman ako nakakakita ng gaya nila sa iba like 'yung kila Lola or kay Tito or Moi. Bakit ako lang?

Anyway, iyang sina Gabi at Rome, parang aso't pusa. Laging nangbabangayan. Malapit ko na nga isipin na magkaka developan sila sa huli gaya ng ilang genre na nabasa ko sa internet tungkol sa forbidden love ng angel at demon kaso malabo iyon sa kanilang dalawa dahil may mga batas sila na sinusunod talaga sa langit at impyerno.

Pero kasi, like, what the effin pudding? Angel ko at Demonyo ko ang tawagan nila, like hello? Ikaw ba hindi mo iisipin na there's something going on between them?

Ten na ng gabi ng mapagpasyahan kong humiga na para matulog tutal wala na 'yung dalawa kaya may katahimikan na.

Papikit na ako after kkng manalangin ng may kalabog akong marinig sa kabilang kwarto. Ano iyon? Silipin ko ba?

Nah, maaga pa ako bukas.

And off I go to dream land.

------------------------------------------------------------

Date Posted: December 27, 2021

Henlo, another update. Time check, it's 3:10 AM. So, I just want to make things clear, alright? Ano man ang mababasa ninyo dito should not be taken seriously however not all are not happening in reality kaya please, huwag sana kayo ma trigger. Anyway, 'til next update.

Stay lunatic! Stay weird!

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon