UNDER THEIR INFLUENCE 6: INVITATION

59 9 0
                                    

Araw na naman ng linggo. Ibig sabihin, araw na naman kung kailan kailangan naming magsuot ng mahabang puting kasuotan at maglinkod sa simbahan.

Napabuntung-hininga ako.

"Tuwing suot mo talaga iyan, naaalala ko 'yung unang kita namin sa iyo sa simbahan, 'di ba, anghel ko?" saad ni Rome na nakaupo sa study table ko.

"Bagay na bagay ka talaga maging anghel, Lexel. Panigurado akong matutuwa ang 'Ama' na mapabilang ka sa amin." nakapalumbaba na sabi ni Gabi na nakatitig sa akin.

"Alam ninyo palaisipan pa rin sa akin kung bakit ko kayo nakikita at 'yung ibang gaya ninyo ay hindi." sabi ko habang inaayos ang suot ko.

"Malay mo, ikaw pala kasi ang tunay na anak ng, ehem, the one who must not be praised." sabi ni Rome at umakto pa na parang nasusuka. Sinamaan naman siya ng tingin ni Gabi dahil duon.

"Impossible iyon! Kailanman hindi magagawang magsinungaling ni 'Ama' tungkol sa ganuong bagay. Sadyang pinagpala lang talaga si Lexel kaya maswerte ka at nakikita mo ako except sa demonyong iyan." nakagiting sabi niya at lumapit pa sa akin para ayusin ang suot kong damit.

Nagkatinginan pa kaming dalawa sa salamin.

"Kadiri, hindi ka bagay maging nanay kung iyon ang pinapangarap mo maliban sa maging anghel."

"W-Wala naman akong sinabing ganyan!" namumula sa inis na sabi ni Gabriel, "Isa pa, kung sa akin hindi bagay ay mas lalong sa iyo hindi din. Kung naging tatay ka malamang kasing luko-loko mo ang anak mo!"

"Malamang kung naging tatay ko, kung sino man 'yung makaka sipping ka, papayag magpabuntis sa akin ng ilang beses." sabi ni Rome na nilabas pa ang dila niya in a sensual way.

"Ugh! Makasalanan!" sabi ni Gabi at umuusok-usok pa ang bumbunan na lumabas ng kwarto ko. Napailing nalang ako.

"Alam mo, kung hindi lang kayo anghel at demonyo, magki-click kayo eh."

"Mas okay ng naging demonyo ako. Ayaw ko rin sa anghel. Boring iyan kapag. ." bigla siyang umakto ng kakaiba na nagpainit ng mukha ko.

"Labas!" sigaw ko.

Jusko, stress talaga ako sa dalawang ito lalo na dito kay Rome. Bagay na bagay talaga siya maging demonyo puro kalokohan ang naiisip.

"Okay ka lang, Lex?" biglang sulpot ng pinsan kong Moi sa kwarto ko. Nakita ko namang lumabas na ng kwarto ko si Rome pero rinig ko pa rin ang pagtawa niya. Tsk, tsk.

"Ah, eh. . Oo. May nakita lang kasi akong ipis." pagsisinungaling ko. Tsk.

"Akala ko kung ano na eh. Tara na, baba na tayo. Naghihintay na sila sa atin sa baba." aya ni Moi kaya sinundan ko na siya palabas ng kwarto ko.

Isang oras ang nakalipas at nandito na kami sa simbahan. Ang dami talagang taong nagpupunta kapag linggo pero syempre karamihan sa mga tao sa mall naman ang punta pagtapos o kaya gagawa agad ng kasalanan kasi sa tingin nila ay bawas na ang nagawa nilang kasalanan sa buong linggo sa ginawa nilang pagsimba. Tsk, tsk.

"Bata!" tawag sa akin ni Rome na nakangisi pa at nakapwesto sa dulong upuan ng simbahan.

Pagtingin ko sa harap, ayun. Opposite ni Gabi si Rome. Nasa unahan ito katabi ang mga kapwa ni Lolo na mga matatandang nakasuot ng puting damit.

Tinanguan ko lang sila at nagsimula na ang paglakad naming mga sakristan patungo sa altar hawak ang stante ng kandila.

Siguro nagtataka kayo kung bakit nakapasok si Rome dito sa luob ng simbahan. Well, ako din naman ng una pero sabi niya nuon sa akin ng magtanong ako tungkol dito, ang sabi niya, walang sagradong lugar gaya ng pinaniniwalaan naming mga mortal. Kahit saan may bahid ng kasalanan. Kaya ang ending, kahit saan pwede siyang pumunta at makapasok dito sa ibabaw ng lupa. I mean, hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi pero siguro dahil na rin sa mga nagpupunta ditong 'mananampalataya' tuwing linggo.

Ang alam ko kasi sagradong lugar ang simbahan kung saan nalilinis ang mga pagkakamali hindi bilang isang lugar na may imbitasyon sa nino man para sa makasalanang gawain.

Nasa kalagitnaan ako ng misa pero ang isip ko lumilipad sa ibang bagay.

Iniisip ko pa rin kung pupunta ba ako duon sa Ball Dance ng school at kung paano ako magpapaalam na papayagan ako. Panigurado kaso kapag narinig ni Lolo ang tungkol dito automatic 'no' agad. Akala mo babae ako na kapag ala sais na hindi na dapat nagpapa gala-gala sa labas eh.

Napalingon ako kay Moi ng mapansin kong parang may iniinda ito.

"Ayos ka lang?"

"Oo, ayos lang. Ang sakit lang ng tiyan ko kaso hindi pa tayo pwede umalis eh." sabi nito at nakahawak sa tiyan niya. Nagalala naman ako dahil duon.

"Kumain ka naman bago tayo umalis, di ba?"

"Oo, pero ang sakit talaga." parang maiiyak na sabi nito at napatingin sa may altar.

"Idasal mo nalang muna kay 'Ama'." ang tangi kong sabi.

Isang impit na ngiti naman ang pinakawalan niya at muling yumuko na animo'y nagdadasal.

Nilibot ko ang tingin ko sa luob ng simbahan para libangin ang sarili ko habang pinapakinggan ang binabasa verse ng nasa harapan.

Hinanap ng paningin ko sina Rome at Gabi at napangiti ako ng makita ko si Gabi na nanduon pa rin sa pwesto niya samantalang si Rome. .

Ayun. May pinagtripan na bata na pinutok 'yung hawak na laba kaya ngayon iyak ng iyak. Loko talaga. Natawa pa siya sa ginawa niya.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Gabi at pagtingin ko ay wala na siya sa pwesto niya at ng muli kong ibalik ang tingin ko kay Rome ay nanduon na si Gabi at pinukpok siya ng hawak nitong libro sa ulo.

Malamang nalaman ni Gabi ang ginawa nito. Lakas ba naman ng iyak ng bata.

Kinagat ko ang luob ng pisngi ko para pigilan ang sarili ko na matawa sa nakita ko at bago ko pa man maibalik ang tingin ko sa harapan ay nakita ko ang seryosong titig sa akin ng Lolo ko na animo'y kakainin ako nito ng buhay. Yikes!

Napalunok ako at agad inayos ang upo. Muling nagpanggap na normal lang ang lahat at wala akong nakikitang anghel o demonyo sa paligid na nagbabangayan na naman.

------------------------------------------------------------

Date Posted: December 27, 2021

Alright, time check 03:30 AM and this is going to be my last update for today. Bukas na ulit. Nakarami na kayo sa akin. Anyway, 'til next update.

Stay lunatic! Stay weird!

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon