"Get the fuck off me!" sigaw ko sa galit ng pumaibabaw sa akin si Ryan at hawak ang magkabilang kamay ko sa itaas ng ulo ko.
I feel humiliated, disgusting, angry to him and at myself but most of all, I felt like crying.
If I only knew things would turn out like this. . .
Sana pala nakinig nalang ako sa sinabi ni Bel, nina Rome at Gabi, at pinagkatiwalaan ang hindi magandang pakiramdam ko sa inakto kanina ni Moi sana hindi ito nangyayari ngayon sa akin.
I feel helpless.
"And why would I? Ang tagal kong hinintay mangyari ito. At saka tumigil ka na nga sa pagpapakipot. Huwag ka ng magkunwari na hindi ka tulad ng pinsan mo." nakangising sabi nito.
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong natauhan. Bago niya pa mailapit ang mukha niya sa leeg ko at madampian iyon ng nakakadiri niyang labi at malanghap ng ilong ko ang nakakasuka niyang amoy ay inipon ko ang buo kong lakas para hatakin ko ang kamay ko paalis sa pagkakahawak niya at itulak siya palayo sa akin sabay tadyak sa kung ano mang parte ng katawan niya na hindi ko na inintindi kung alin man iyon.
Ang kapal ng mukha niyang ikumpara ang sarili ko kay Moi!
At ang sama ng ugali niya na maliitin ang gaya ni Moi porket bakla ito!
Ano naman kung bakla ang pinsan ko? Hindi ito desperado gaya niya. Oo, nagkakagusto siya sa kapwa naming lalaki pero ni minsan hindi ko narinigan ang pinsan ko na iyon na pagnasaan ang iba ng dahil sa kasariang meron siya. At ano kung bakla ang pinsan ko? Ibig sabihin ba nu'n ay gaya na rin niya ako? Hindi. Magkaiba kaming dalawa. At dapat nirerespeto ng kahit na sinong tao ang ano mang meron at kung sino kami.
"Putangina mo! Huwag na huwag mong mabastos ang pinsan ko. Hindi siya gaya mo. Malayung-malayo siya sa tulad mong. . . bakla. At hindi gaya mo, marunong siyang rumespeto at hindi magaassume na dahil lang sa pinsan ko siya ay gaya na rin niya ako."
Ngumisi siya at pinunasan ang baba niya na wala namang sugat.
"I like it. Pumapalag ka rin pala." saad niya at walang pasabing bigla nalang tumayo sa pagkakasalampak niya at hablot sa akin.
Nagpupumiglas ako hanggang sa kaya ko, hanggang sa unti-unti ng nanghina ang mga katawan ko dahil kumpara sa katawan na meron ako ay mas malaki ang built ng katawan niya sa akin kaya hindi na nakakatakang nagawa niyang sapilitan akong mahalikan habang mahigpit ang pagkakasabunot niya sa labi ko. Naramdaman ko ding bumaba ang isa niyang kamay sa pang upo ko. Pinipilit kong hindi mag respond sa mga halik niya ngunit dahil masyado siyang marahas ay hindi ko magawa ang gusto kong gawin. Halos kilabutan ako ng marinig ko ang ungol niya sa pagitan ng paghalik niya sa akin at ang matigas niyang alaga na tumatama sa pagitan ng hita ko.
"Shit, ang sarap mo!" gigil niyang bulong tenga ko bago pagdiskitahan ng labi niya niya ang kaliwang leeg ko. Nagsisimula na akong mawalan ng pag asa dahil sa nangyayari ngayon, na tuluyan na akong hindi makakaalis at mabababoy na ni Ryan ang pagkatao ko pero hindi.
May pag-asa pa lalo na ng makita ko ang oras na naka rehistro sa wall clock. Bigla kong naalala si Moi. Nangako akong sabay kaming uuwi. Hindi ako papayag na siya lang lahat sasalo ng galit ng mga tao sa bahay kapag nalaman nilang nagsinungaling kaming parehas sa kanila kaya naman ng mapahiga na kami ni Ryan sa couch ay hindi na ako nag atubili pang abutin ang vase na nasa malapit at ihampas iyon ng malakas sa ulo niya. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makatakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa ang malakas niyang pagmumura at pagtawag sa akin na bumalik ako kung hindi pagsisisihan ko ang ginawa ko sa kanya pero hindi. Hindi ako lumingon o huminto. Dire-diretso lang akong tumakbo hanggang sa makalabas ako sa bahay at makarating sa highway. Pinara ko agad ang unang jeep na nakita ko at hindi ko nalang pinansin ang kakaibang tingin sa akin ng ibang mga pasahero. Buti nalang at may pera ako sa bulsa kaya nakapagbayad ako ng pamasahe pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong kalamnan ko sa nangyari kani-kanina lang. Parang gusto ngangmaiyak ulit pero hindi. Hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...