Umaga na ng magising ako sa unfamiliar but familiar na kwarto. Oo nga pala, nasa bahay ako ni Aling Maria or should I say. . Lola? Marahan akong umupo at nilibot ang tingin ko sa paligid. Wala na si Bel. Wala din si Moi o si Aling Maria. Napabuntung-hininga ako hanggang sa dumapo ang mata ko sa isang notebook, nope. Diary na mukhang scrapbook ang tema na may nakalagay na: Spread your wings and fly, at may magandang guhit na pinagdugtong na white and black wings. White ang black wings. .
Sina Gabi at Rome!
Nasaan na kaya ang dalawang iyon? Ang dami kong gustong itanong sa kanila after ng mga pinakita sa akin ni Bel.
Aware ba sila na a-a-anak nila. . ako?
Kaya ba ganuon nalang ang pagiging guardian nila sa akin? Kasi aware sila na anak nila ako? Pero hindi nila sinabi sa akin? Kaya ba nakikita ko sila? Kasi all along sila ang parents ko? Pero hindi ko maintindihan. . bakit? Bakit hindi nila sinabi sa akin? Dahil ba baka hindi ko sila paniwalaan. . well, it makes sense pero kahit na! Whew. Hindi ko tuloy alam kung handa na akong makita sila after ng mga nalaman ko pero hindi rin naman ako sure kung may ideya na din silang alam ko na ang tunay nila identity sa buhay ko. Pero hindi ko rin maiwasanh hindi magalala para sa kanila. Niligtas nila ako. Nakita sila ni Moi. Hindi ko alam kung may parusa ba sa ginawa nilang iyon. Hindi ko alam kung nanghina ba sila sa ginawa nila o baka tuluyan silang nawa--! Hindi. Impossible. Impossible! Hindi pwede!
Napahinto ang utak ko sa pagiisip ng kung anu-ano ng marinig ko ang boses ni Moi at ang agaran niyang paglapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Namalayan ko nalang na naginginig ang buong katawan niya at ang pamamasa ng pang itaas ko na damit. Hindi ko na ininda pa ang mga sugat kong hindi na ganuon kasakit.
"Sshh, tahan na, Moi." bulong ko habang nakayakap din sa kanya at hinahaplos ang buhok niya na parang sinasabing matatapos din ang kabanatang ito ng buhay namin.
"A-Akala ko mamamatay na tayo. . Buti nalang. . Buti nalang. ."
"Buti nalang ano?"
Huminto siya sa pag iyak at saglit na tumitig sa akin na para bang may hinahanap siya sa mga mata ko bago bahagyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Buti nalang nanduon sina Gabi at Rome."
"Gabi at Rome?" napalunok ako, "A-Ano. . I mean, paano naman sila napunta duon?"
"Iyon din ang gusto kong malaman. Kahit ako nalilito pa rin hindi ko alam kung totoo ba ang mga nakita ko pero alam ko, ano mang pilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi iyon totoo, totoo iyon, Lex. Para nga silang guardian angel mo kasi sa iyo talaga sila naka protekta. Hinarang nila ang katawan nila kasi ikaw ang mapupuruhan sa ating dalawa habang ikaw nakayakap ka sa akin at nakabalot sa ating dalawa yung pakpak nila. Like, an angel and demon protecting their child. I mean, yung inatas sa kanila na bantayan nila."
"A-Anong nangyari after nu'n? Wala akong maalala." tugon ko dahil totoo naman. Nawalan ako ng malay sa sobrang adrenaline at gulat na nakita sila ni Moi in their natural form.
"Hindi na nakakilos pa si Rome after ng naging pag protekta niya sa atin, para bang nanghihina na may iniinda siya kaya inutusan niya si Gabi na ito ang magpatuloy sa ginagawa nating pagtakas kina Lolo. Para nga akong nananaginip ng mga oras na iyon dahil nagaalangan man si Gabi na iwan si Rome ay sinunod niya ang utos nito kahit na nanghihina din siya. Insan! Binuhat tayo ni Gabi sa magkabilang kamay niya tapos for all I know, nakalutang na tayo sa ere kasi lumilipad tayo gamit ang pakpak niya! Kaso lang dahil siguro sa sobrang panghihina eh hindi rin ganuon katagal ang naging paglipad natin dahil muntikan na tayong malaglag buti nalang hindi iyon nangyari. Nagaalangan pa nga si Gabi na iwan tayong dalawa lalo pa at wala kang malay kaso sabi niya, hindi na daw niya kaya pero kailangan nating makatakas. Kailangan kitang dalhin sa ligtas na lugar tapos bago siya tuluyang mawala ang utos niya ay kay Aling Maria tayo pumunta. Nagulat nga ako bakit duon niya naisip na papuntahin tayo at bakit niya siya kilala pero syempre okay na rin iyon kesa maabutan tayo nina Lolo at Tito."
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...