Sa sumunod na mga time lapse ay nakita ko ang magkasamang sina Gabi at Rome na parang magkasintahan. Kita ko sa mga mata nila ang purity of love kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti sa ka-sweetan nila. Akalain mo nga naman may ganitong side pala sila nuon. Pero anong nangyari? Bakit hindi ko na makita ang ganitong kilos nila? Dahil ba sa literal na silang angel at demon? Ganuon ba talaga iyon? Hindi pwedeng magsama ang anghel at demonyo?
Halos lumuwa mata ko sa sunod kong nakita. Nasa kwarto ko sila este sa kwarto kung nasaan ako kanina sa bahay ni Aling Maria at naghahalikan. I mean, nakita ko naman silang nagkiss ng makailang besea pero smack sa pisngi at mabilisan sa labi lang kung minsan pero ito. . Iba ito. Para akong nanuod ng commercial ng Close Up. Napatakip ako ng dalawang palad ko sa mga mata ko pero parang tanga lang din kasi sumisilip-silip ako. Awkward.
"Rome. ." pabulong na tawag ni Gabi habang nakatitig sa mga mata ng isa na siya namang nakatitig din sa kanya at hinahaplos ang pisngi niya.
"Hmm?" tugon nito at muling siyang hinalikan sa kanyang mga labi pababa sa kanyang leeg kaya napa ungol 'yung isa.
Napalunok ako. Shit. Parang alam ko kung saan papunta at hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin nila kaya bago pa mahuli ang lahat at lumabas na ako ng kwarto at napasandal sa pintuan hawal-hawak ang dibdib ko na ang lakas ng tibok lalo pa ng marinig ko ang mga makakasalanang ingay sa kabilang parte nitong pinto. Whew. Aba, ibang klase din si Rome ah. Dito pa talaga sa bahay ni Aling Maria. Teka. . Bahay ni Aling Maria? Nanlaki ang mga mata ko at agad bumaba patungong sala at duon halos lumaglag ang panga ko ng makita ang mga nakahilerang picture frame ni Aling Maria at Rome. Duon nag flashback sa akin 'yung sinabi nuon ni Aling Maria tungkol sa anak niyang mahilig sa pande coco at 'yung naging reaksyon niya ng ipakita ko sa kanya 'yung picture naming tatlo nila Gabi at Rome sa amusement park at 'yung sinabi niya habang umiiyak siya sa tabi ko, so that means. . Si Rome ang anak na sinasabi ni Aling Maria?
Bago ko pa maprocess lahat ng naaalala ko, bigla ulit naiba ang set up. Nasa office na ako ni Rome at gabi na ng biglang pumasok si Gabi na umiiyak at halatang nagpa-panic. Teka, anong nangyayari?
"Hey, what happened to you, my angel?" agad siyang inalo ni Rome at pinaupo sa couch habang nakayakap dito at hinalikan sa ulo.
Umiiling lang si Gabi at parang hindi kayang sabihin ang gusto niyang sabihin. Mahigpit lang siyang nakayakap kay Rome na parang duon niya na gustong tumira. Kitang-kita ko ang pag vibrate ng balikat niya dahil sa todong pag iyak niya. Ano ba kasing nangyayari?
"R-Rome. ."
"Yes, anghel ko?"
"Rome. ."
"Hmm? Ano bang nangyayari? Sab--"
"Buntis ako, Rome!"
"W-What?!" parehas kami ni Rome ng naging tugon.
Siya medyo chill pa ang facial expression niya, ak? No chill! Ang daming tumatakbo sa isip ko like, paano nangyari iyon? May nalagpasan ba ako na time lapse o sa sobrang bilis ay hindi ko napansin? Like, shit. Holy shit!
"Naka dru--" biro sana ni Rome.
"Rome! Rome naman eh!" lalong pumalahaw ng iyak si Gabi, "Hindi ako naka drugs at mas lalong hindi ito prank! Buntis ako! Hindi ko alam paano nangyari like, alam ko babae lang ang pwede mabuntis according sa science kaya nga hindi ako makapaniwala, kaso dahil sa mga symptoms nag try ako ng pregnancy test kit na binili ko kanina tapos akala ko, may mali lang sa ginawa ko pero Rome! Sa sampung binili ko, lahat iyon positive!"
"W-Woah. ."
"Ano bang meron d'yan sa. . Sa ano mo. . N-Nabuntis mo ako! Paano na? Ano ng gagawin ko? Itatakwil ako ng pamilya ko sigurado kao duon! Paano ako haharap sa mga tao? Anong sasabihin nila? Hindi nila maiintindihan! Pagtatawa--"
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...