UNDER THEIR INFLUENCE 23: FORGIVENESS

49 5 0
                                    

"Apo." pabulong na sabi ni Aling Maria sa akin pagdating ko sa bahay dala sina Bel at Moi. Tumango lang ako sa kanya at tinitigan siya gamit ang mga mata kong nangungusap. Nagpipigil siya ng iyak niya at ngumiti sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at nagsabing, "Magiingat ka. Hihintayin kita. Hihintayin ko kayong tatlo kasama sina Moi at Bel. Babalik ka ha? Babalik ka sa amin."

Ngumiti ako sa kanya bago dumukwang upang magmano at agad na umalis. Halos bumabagsak-bagsak at gewang pa ako dahil sa panghihina at hindi kasanayan sa pag gamit ng aking na-acquire na pakpak. Who would have thought right? Pero imbis na magkasungay ako, nagkaruon ako ng simbolo sa nuo ko. Probably some sort od identification that i'm not an ordinary angel or demon.

Pagdating ko sa train station, walang pagdadalawang isip kong unang tinungo ang daan papuntang impyerno. Puno ako ng kaba ng pagbaba ko ng escalator ay sinalubong ako ng mga kagaya ni Rome ngunit hindi gaya niya, mukhang masama talaga ang mga ito lalo na ng makita ang pagdating ko ngunit wala silang ginagawa na kahit ano para masaktan ako. Nakatitig lang sila at isa-isang gumigilid para bigyan ako ng daan patungo sa pinuno nilang naka upo sa trono niya at hinihintay ang pagdating ko. Ngumisi ito ng tuluyan na akong tumayo ilang dipa lang ang layo mula sa kinauupuan niya.

"Satan." bulong ko.

Ngumiti ito at pumalakpak. Para bang nagagalak sa aking pagdating.

"Ang itinakda ng purgatoryo! Akala ko ay hindi ka totoo! Isang huwad gaya ni. ." sabay turo sa itaas at alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

"May pangalan ako at hindi itinakda ng purgatoryo. Tawagin mo akong Lexel. Paumanhin kung nageexist man ang salitang iyon dito, pwede ko bang malaman nasaan ang bantay ko?"

Kita ko kung paano magulat si Satanas ngunit bumawi sa kanyang pagtawa. Masiyahin pala siya? Bakit sa mga nababasa at napapanuod ko parati siyang galit sa mundo?

"Masyado ka namang nagmamadali. Nagpahanda pa man din ako ng pagdiriwang sa pagdgaing mo."

"Pasensya na ngunit may hinahabol akong oras at ngayon ay oras para magmadali. Kailangan kong iligtas ang bantay ko."

Bumuntung-hininga ito bago sumeryoso ang kanyang awra at tumayo sa kanyang kinauupuan para lumakad papunta sa kinatatayuan ko. Napalunok ako.

"At bakit mo ililigtas ang iyong bantay? Hindi naman mabuting bagay ang itinuturo ng mga bata ko sa mga tulad ninyong mortal?" tanong nito habang iniikutan ko. Sinisipat ang kabuuan ko.

"Dahil hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa nagbabantay sa akin gaya ng ginagawa pagbabantay sa akin ni Rome."

Napakuyom ako ng kamao ko at ilang segundong pinigilan ang aking paghinga sa gulat ng biglang yumanig ang impyerno at binalot ng malakas at mas init na apoy ang lahat ng nanduduon. Umalingawngaw ang hiyaw ng mga demonyo dahil kahit demonyo na sila, ramdam nila ang lakas ni Satanas.

"Kung ganuon nabigo sa tungkulin ang isa sa mga bata ko kung nagawa niyang protektahan ka. Hindi siya karapat-dapat na maging ka-isa ng impyerno! Ang dapat sa kanya ay mama-!"

Bago niya pa gawin ang kanyang balak ay agad kong hinawakan ang kaliwang kamay niya na may kung anong itim na usok, marahil ay mahika ang palabas na.

"Subukan mong gawin ang nais mo, Satanas ako mismo ang papatay sa iyo gamit ang mga kamay ko na hindi nagawa ni Hesus." nag iigting ang mga panga kong sabi at muling yumanig ang impyerno. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng kakayahan ko o dahil binanggit ko ang pangalan ni Hesus na siyang kinamumuhian ni Satanas.

Dinig ko ang malalim at nanginginig na paghinga ni Satanas. Malamang dahil tinitimpi nito ang kanyang sarili.

"Hindi dito nagtatapos ito, Lexel." saad nito but more like a warning ngunit hindi ko na ito pinansin pa sa saya ng ituro nito kung nasaan si Rome. Of course, napangiti din ako dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon