UNDER THEIR INFLUENCE 16: BALL DANCE

52 8 0
                                    

"Malapit na 'yung pa event ng school. Hoy, Lex huwag mong kalimutan ah! Tayo nag mag partner. Pupunta din si Moi, di ba?" tanong ni Bel habang abala sa pagtitipa sa laptop niya ng ginagawa niyang kwento. Hindi ko nga alam bakit hindi niya pa rin pinapa illustrate iyon sa akin para magawaan ko na ng sketch.

"Oo. Hindi naman ako umaayaw kasi wala din naman ako choice kasi pupunta si Moi eh. Ayaw ko namang siya lang mag isa ang pumunta mamaya kung anong mangyari sa kanya na wala ako." makahulugan kong sabi.

Naalala ko na naman 'yung nangyari a month ago. Buti nga at inilipat sila ng Dean sa ibang section without the need na lumipat sila ng school at malagyan sila ng bad record sa good moral nila.

Takot na rin lumapit 'yung sina Rona at Ryan sa akin buti nga at ganuon pero minsan nakakapanghinayang din si Rona pero wala eh, hindi ako ang gusto at nangyari na. Tinanong ko si Bel kung alam nito ang tungkol sa pagkakagusto sa kanya ni Rona pero kibit-balikat lang ito.

"So, kamusta na pala sina Rome at Gabi?"

Nagulat naman ako sa tinanong niya at tinitigan siya. Ang out of nowhere kasi.

"O-Okay naman sila." tugon ko thou kahit ako hindi ko alam kung ayos lang ba sila. After kasi ng naganap duon sa Dean's office hindi ko pa ulit sila nakikita. Gaya nalang ng una silang mag human form ganito din ang nangyari. Napa isip tuloy ako kung nalalaman ba ng heaven or hell nag tungkol sa ginagawa nila at napaparusahan din ba sila. Nagaalala tuloy ako para sa kanila.

Paano kung palitan sila ng ibang guardian? Makikita ko pa rin ba yung bago? Magugustuhan ko din ba sila gaya nina Rome at Gabi? Mami miss kaya ako ng dalawang iyon kapag iba na ang binabantayan nila?

"Hey, are you alright?" tanong ni Bel ng makita ko ang nagaalalang mukha niya sa akin.

Tumango lang ako at isang impit na ngiti ang ginawad.

"Kapag na contact mo na ulit sila, ayain mo naman. Pwede naman tayong magsama ng taga labas eh. I want to know them more. I think ang cool na meron kayong guardians ni Moi na gaya nila. Pero teka, akala ko, nakatira kayo sa grandparents ninyo?"

Shit. Nasabi ko ba iyon sa kanya before?

"Ah, oo pero malayong kamag anak kasi namin sila kaya ayun, hindi ko naikwento sa iyo before." pagsisinungaling ko. Malamang sa malamang kung nandito lang ngayon 'yung dalawang iyon, nagbubunyi na si Rome sa nagawa ko at inaasar si Gabi.

"Hmm, understandable." tumatangong tugon ni Bel.

Pagtapos ng klase namin ay inaya ako ni Bel na mag mall para samahan siya na maghanap ng susuotin niya sa pa event ng school syempre pumayag na din ako at sinama si Moi na tuwang-tuwa naman.

"Oo nga sama mo sina Rome at Gabi!" pag sang ayon ni Moi habang naglalakad kami hindi kalayuan kung saan nagtitingin si Bel ng mga damit.

"Pati ikaw din?"

"Oo. Feeling ko kasi ang sarap nilang kasama na dalawa sa kwentuhan plus ewan ko kung ako lang, ang cute nila tignan. Parang may something sila."

"Weh?" natatawang tugon ko, "Eh sa pagkakaalala ko parang may crush ka yata kay Rome?"

Agad naman siyang namula.

"Crush lang naman! Pero ayun nga, parang may something sa kanila ni Gabi. Cute nga nila eh."

"Naku, impossibleng mangyari iyang iniisip mo sa dalawang iyon."

"Bakit naman?"

Umiling nalang ako bilang tugon pero deep inside impossible talaga kasi langit at impyerno ang dalawang iyon. Hindi pwedeng magsama.

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon