UNDER THEIR INFLUENCE 22: ENTHRONEMENT

40 9 0
                                    

"Nandito na tayo." saad ni Bel. Hudyat para mapahinto kami sa pagtakbo namin.

"Huh? Saan dito?" takang tanong ni Moi kaya inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Duon ko lang naramdaman ang mabigat na pakiramdam sa kinatatayuan namin.

Patay ang mga puno. Tanging tangkay lang ang meron at walang mga dahon o bunga. Tuyot at nagtataasan. Madilim ang kalangitan. Animo'y may nagbabadyang malakas na bagyo pero ang hangin ay kalmado, may bahid lamang ng masangsang na amoy - dugo. Nagbabaga ang kalupaan ngunit imbis na kulay apoy na gaya ng sa lava ay kulang puti ito na nakakasilaw. Isang malakas na kulog ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Nasundan ito ng ingay ng mga nagsisigawan - distress voices na samu't-sari - iyak ng bata, sumisigaw sa galit, sigaw ng pagmamakaawa at marami pang iba sapat para mapaluhod ako at takpan ang tenga ko. Anong nangyayari? Hindi ko namalayan na napaluhod ako at napahawak sa puting likidong mala lava at imbis na init ay lamog, napaka lamig na para bang higit pa sa lamig ng freezer ang pakiramdam at duon nakita ko ang nakaka awang imahe na ni sa hinagap ko ay hindi ko inakalang makikita ko gamit ang sarili kong mga mata. Nakakapanghina ngunit nakakagalit. Bakit wala? Walang tumtulong sa kanila? Bakit? Bakit nila iyon nagawa? Sa isang inosente? Teka, hindi. Hindi pala. Pero bakit?

"Bel! Anong nangyayari sa pinsan ko? Tulungan mo siya! Patigilin mo! Please!" dinig ko ang boses ni Moi pero para itong nakahinang volume dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ang alam ko lang natataranta siya at natatakot. Kita ko din ang awa sa kanyang mukha. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ba nila nakikita o naririnig ang naririnig ko? Ang sakit! Para nitong sinasagad ang pakiramdam na meron ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Bakit wala siyang ginagawa para tulungan ako? Bakit panay lang sila paguusap?

"B-Bel! Ang mga mata ni Lex!"

"Oras na para ilipat sa kanya ang pamumuno. Ang siyang tunay na itinakda bg purgatoryo at hindi ako."

"Itutuloy mo pa rin? Bel naman! Tignan mo si Lex! Para na siyang sinasaniban! Halos wala ng puti sa mata niya! At. . At 'yung ugat niya! Bakit nagkukulay itim? 'Yug buhok niya unti-unting pumuputi!"

"Moi! Makinig ka sa akin. Kapag hindi natin itinuloy ang pagkorona sa kanya, mamamatay ang katawang tao at kaluluwa niya. Nagsisimula na ang seremoñas. Kapag naabutan tayo ng mga demonyo o ng mga anghel at hindi pa rin siya nakokoronahan, mamatay siya. Gusto mo bang mamatay ang pinsan mo?"

"H-Hindi! Pero ayaw ko ring makitang nahihirapan siya!"

"Parte iyon ng pagtanggap niya bilang hinirang. Ngayon, basahin mo lahat ng nakasulat sa librong iyon. Kahit anong mangyari, sa atin, sa iyo at lalo ba kay Lex habang binabasa mo ang librong iyan, huwag na huwag kang titigil."

"B-Bakit?"

"Huwag kang titigil."

Nakita kong lumuhod si Bel sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat ko. Napasigaw ako ng unti-unti nagiiba ang anyo niya hanggang sa naging si Ryan ito. Nakangisi siya sa akin at laking gulat ko ng nasa luob na ako ng bahay nila. Paano ako napunta dito? Hindi! Hindi ito totoo! Kailangan kong makaalis dito! Pinilit kong gumalaw pero hindi ko makagawa. Para ang nakakadena. Tinignan ko ang katawan ko at nakita kong napapalibutan ako ng mga ahas. Sa takot ko ay nagsisisigaw ako ngunit nakangisi lang si Ryan at sinimulang halik-halikan ang leeg ko. Nagpupumiglas ako hanggang sa magawa ko itong sipain na nagpatigil sa ginagawa niya ngunit halos manlamig ang sistema ko ng naging si Tito iyan.

Sisigaw sana ako ngunit naramdaman ko ang labi ni Tito na siyang nagpatigil sa akin sa pagsigaw. I feel so violated! Naluluha ako habang nararamdaman ko ang paggalaw niya sa akin and in the corner of my eye, I saw nakita ko si Lolo na nasa gilid at nakatingin lang sa amin na may ngisi sa kanyang labi and for some reason hindi ko alam bakit nakikita ko si Moi na nasa kwarto ko at nakahiga, nakatitig sa kisame habang si Lola nasa ibaba at naka upo lamang habang si Aling Maria ay kasamang naglalakad palayo ng bahay sina Gabi at Rome.

Teka, anong nangyayari? Wala man lang ba sa kanila ang aakyat dito para tulungan ako? Alam ba nila na nangyayari ito? Bakit wala silang ginagawa? Bakit hindi ako tinutulungan ni Moi? O di kaya nina Gabi at Rome? Akala ko ba nand'yan sila para sa akin kapag kailangan ko sila?

Ng sa wakas nagawa ko ng makasigaw, naramdaman ko ang malakas na pagyanig ng paligid. Gumuguho ang bahay at bigla akong natauhan at nangamba. Ayaw ko pang mamatay! Kailangan ko silang iligtas! Sila Lolo, Tito, Moi, Lola! Pati na rin sina Gabi, Rome at Aling Maria! Ngunit laking gulat ko ng pagbangon ko mula sa pagkakahiga ay nasa ibang lugar na ako at narinig ko ang pag iyak ng mga bata at ang magulang nila na yakap sila ng mahigpit. Nang mapagtanto ko, nasa isang gera ako. Muli akong namuhi sa sitwasyon ngunit bago pa ako lukubin ng sama ng luob, muling nagbago ang senaryo at napunta naman ako sa isang bahay ampunan.

Makailang ulit na nagbago ang senaryo na nakikita at ganuon din ang emosyon ko hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang tama o mali sa mga nakikita ko na kung saan naramdaman kong unti-unti akong nagiging manhid. Ni hindi ko na nga namalayan na natuyo na ang luha ko at pakiramdam ko nakakainis ang mga mortal. Sila ang may kasalanan ng mga bagay na nangyayari sa kanila at kasalanan din nila kung bakit hindi sila lumalaban para sa sarili nila. Kung gumawa lang sila ng paran para pigilan iyon ngunit sa kalagitnaan ng pagkamuhi ko, bigla kong naalala si Moi. 'Yung iyak ni Moi ng gabing natuklasan ko ang matagal niya ng tinatagong paghihinagpis. 'Yung magkahalong kalungkutan at pananabik sa mga mata ni Aling Maria at ang naging pag iibigan nina Rome at Gabi.

Napangiti ako. Tama. Hindi nila kasalanan. Wala silang kasalanan dahil may kanya-kanya silang rason kaya nila nagawa ang mga bagay na iyon. Mabuti man o hindi ang epekto, parte iyon ng kanilang pagiging tao na hindi ng kahit na sino man agad na husgahan.

Sa kalagitnaan ng pagtanto ko sa mga bagay-bagay ay bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit na parang hinuhugot ang buto ko sa likod kaya napasigaw ako at napaluhod. Napakapit sa ano mang pwedeng kapitan. Para akong pinepenetensya bago mamatay.

Akala ko mamamatay ako na nakararamdam ng matinding sakit ng biglang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa akin ng mahigpit at bigla akong bumalik sa kasalukuyan. Nakita ko si Moi na tuluy-tuloy lang sa pagbasa kahit maging siya may pinagdadaanan habang ginagawa niya iyon.

Sunod akong napatingin kay Bel na parang unti-unting nanghihina at nakahawak sa balikat ko. Sa eksaktong pwesto kung nasaan siya kanina bago ko nakita ang mga bagay-bagay, ngunit ang isang kamay niya ay nakataas na animo may pinapanatili siyang harang sa palibot namin. Harang?

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mala usok na harang ang nakapalibot sa aming tatlo na siyang pumipigil sa pinagsamang mga anghel at demonyo na nagpupumilit makapunta sa kinaruruonan namin. Napalunok ako.

Takot at galit ang nararamdaman ko. Takot hindi para sa akin kundi para kina Bel at Moi sa kung ano mang maaaring mangyari sa kanila at galit para sa mga anghel at demonyo para sa binabalak nilang gawin. But then again, naalala ko, gaya lang din sila naming tao, may mga emosyon pa rin at kanya-kanyang dahilan para sa kanilang ginagawa at ganuon din ako. Hindi ako papayag na masaktan sina Moi at Bel kaya ano pa man ang isipin nila, gagawin ko ang sa tingin ko ay tama kahit kapalit man nu'n ay magmukha akong masama

Duon ko nasabi sa sarili ko at sa lahat na, Handa na ako sa tungkulin ko.

Isang huling sigaw ang ginawa ko ng maramdaman kong may kung anong nagpayanig sa ulo ko at bumali sa likuran ko and for all I know, ganap na akong itinakda ng purgatoryo.

--------------------------------------------

Date Posted: October 9, 2022

Time check, it's 12:10 AM. Hi, I'm back since my last update last July. That only means bumalik na 'yung wisyo ko for this story. Two more chapters to go guys since ayaw ko ng paabutin pa ito ng December which marks one year for this story and I hope I'll give justice sa ending. Anyway, until next update!

Stay lunatic! Stay weird!

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon