UNDER THEIR INFLUENCE 19: HOW THEY FELL

49 7 0
                                    

"Aling Maria! Aling Maria!" natatarantang sigaw ni Moi. 

Teka, ano bang nangyayari? Ang huli ko lang naaalala nasa kalsada kami hinahabol nina Tito at Lolo at pagkatapos biglang sumulpot sina Rome at Gabi na nakabukadkad ang mga pakpak nila sa amin ni pinsan at. . at. .

"Jusko po! Anong nangyari?"dinig ko sa boses ni Aling Maria ang pagaalala bago ko naramdaman ang katawan ko na pinagtutulungang buhatin ng dalawang tao papunta sa kumportableng higaan. Teka, ano bang nangyayari? 

"Moi, ano bang nangyari sa inyo ni Lex? Tignan mo may sugat ka sa mukha. Teka lang, kukuha lang ako ng gamot sa ibaba. Gagamutin natin iyang mga sugat ninyong dalawa. Jusko po." 

Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang malalim na buntung-hininga ni Moi. Maya-maya ay narinig ko siyang magsalita.

"Totoo ba 'yung nakita ko kanina? May pakpak sina Gabi at Rome? Paano nangyari iyon? Saka paanong nanduon din sila kanina? Nakita din ba iyon ni Lex bago siya nawalan ng malay? Eh 'yung sina Tito at Lolo kaya? Nakita din kaya nila? Hindi naman siguro ako nananaginip o nagha-hallucinate, di ba?" tanong niya sa kanyang sarili.

Kung ganuon, nakita nga talaga ni pinsan sina Moi at Gabi in their angel and devil form pero paanong nangyari iyon? At nasaan na kaya silang dalawa ngayon? Sana ayos lang sila. 

Muling bumukas ang pinto at nadinig ko ang boses ni Aling Maria. Narinig ko silang nag usap ni Moi bago ako ulit mawalan ng malay. Well, technically mukhang wala pa rin akong malay sa paningin nila. 

Pagbalik ng ulirat ko, narinig ko si Aling Maria na humihikbi sa tabi ko. Madilim pa rin at tanging ang sinag lang ng buwan na tumatama sa kwartong kinalalagyan namin ngayon ang source of light. Pero teka nga, bakit siya umiiyak? Ano na naman ba ang nangyayari? Nasaan si Moi?

"Kung alam ko lang ganito ang mangyayari, sana hindi ako pumayag. . Sana hindi ako nagpatinag sa pananakot nila. . Hindi sana ito mangyayari sa iyo, Apo." 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Aling Maria. Ano daw? Apo? 

"Hayop talaga iyang matandang iyan. Pinu-protektahan niya ang anak niyang kampon ng demonyo samantalang ang anak niyang walang ginawa kundi mahalin ang anak ko ay halos ipagtabuyan at ikahiya niya." dinig ko ang muhi sa boses niya at ang mahigpit niyang pagpisil sa kamay ko, "Sana mapatawad ako ng mga magulang mo sa nagawa kong pagkukulang sa iyo. Hayaan mo, Apo, hindi ako papayag na makuha ka pa nila ulit. Kayong dalawa ng pinsan mo."

Siguro dahil sa pagkabigla at madaming katanungan na tumatakbo ngayon sa isip ko ay nagsimula akong mahilo at dahilan duon, muli na naman akong nawalan ng malay. 

Sa muli kong paggising ay nakita ko ang isang pamilyar na pigura na nakaupo malapit sa kama kung nasaan ako at may hawak na makapal na libro na kulay brown at parang may naka ukit na design na hindi ko mawari ngunit maganda. Ngumiti ito ng mapansing nakatingin ako sa kanya. 

"Buti naman at gising ka na." bati nito at saka tumayo sa kinauupuan niya. 

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok sa kaba ng mapansin ang suot niya. Mahabang kulay dirty brown ito na cloak. Kumbaga maihahalintulad ko sa kulay ng papel na nasusunog ang kulay nito lalo pa at parang tattered ang ibaba ng suot nitong damit. May mala kulay abo ding usok na nakapalibot sa kanya samantalang ang balat nito ay halos magkulay gray na at ang mga mata niya ay kulay itim na parang naka sclera pero ang mukha nito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino. . .

"B-Bel. .?" 

Yumuko ito sa akin na parang nagbibigay pugay. 

"Ang tagal kitang hinanap, ang siyang hinirang ng purgatoryo." bati niya.

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon