Naglalakad ako papunta sa locker area para ilagay ang ilan sa mga gamit ko bago pumunta sa sunod kong subject ng biglang sumulpot si Rona sa tabi ko.
Muntik na akong mapasigaw sa gulat at buti nalang din ay wala ngayon sina Rome at Gabi kundi naku baka isipin talaga nitong si Rona nababaliw ako at kinakausap ko ang sarili ko.
"H-Hello?"
"Hi, Lexel." bati niya sa akin na may matamis na ngiti. Aww, para akong nginitian ng anghel sa ngiti niyang iyon. Kung nandito lang si Rome malamang inaasar na ako nu'n dahil natatameme ako sa harap ng babae.
Hindi kasi pare-parehas lahat ng lalaki na makapal ang mukha 'no. Isa pa, hindi ako ganuon ka lapit sa kahit na kanino sa takot ko nalang na ma-judge ng Lolo ko. Alam ninyo naman.
"B-Bakit? M-May kailangan ka?" shit, bakit ba ako nauutal. Relax, Lexel. Tao din iyan katulad mo hindi alien.
"Aayain sana kita sa bahay ko. Birthday ko na kasi nect week eh."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit, inaaya ako ng crush ko sa bahay niya dahil birthday niya. I mean, big deal na iyon sa akin kasi birthday niya iyon eh it means its her special day at isa ako sa napili niyang iinvite. Napalunok ako.
"Uhm, t-tignan ko ha? Magpapaalam pa kasi ako kung papayagan ako."
Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
"Nagpapaalam ka pa? Ilang taon ka na ba?"
"Uh, kasi. ."
Biglang nalipat ang tingin ko sa likuran niya ng makita ko ang prisensya ng dalawa kong bantay. Tinitignan nila si Rona.
"Hindi ko gusto ang isang ito, bata." diretsong sabi ni Rome.
"Huwag kang pupunta sa birthday ng isang iyan. Nilalait ka na agad niya ng pasimple dahil lang sa nagpapaalam ka pa. Ayaw ko sa kanya."dagdag ni Gabi.
Woah, isa ito sa mga pambihirang sandali na nagkakasundo silang dalawa.
"Kasi?" bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang tanong niya at lumingon sa likuran niya.
"Kasi kailangan eh. Lolo't Lola ko sila. Ayaw kong magalala sila pag bigla akong umalis ng walang paalam."
Ngumisi siya at umiling.
"Okay, well, I expect na makakapunta. See you on my birthday." kumindat ito at bago tuluyang makalayo at nag flying kiss pa kaya ako itong si marupok, parang hihimatayin na sa nangyari.
"Mas okay pa si Bel mo eh." salita ni Rome kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bully pa rin si Bel, okay? Tolerable nga lang." tugon ko at isinara na ang pintuan ng locker ko.
"So, chances are pupunta ka pa rin sa birthday niya? Magpapaalam ka naman siguro 'di ba?" nagaalalang tanong ni Gabi.
Tumango ako, "Syempre magpapaalam ako. Wala naman ako magagawa eh, ayaw ko pang mapalayas sa bahay ng wala sa oras."
Nanduon din kaya si Ryan sa party niya? Sana naman wala kahit na obvious namang maaaring ininvite din siya ni Rona dahil crush siya nito.
Pagdating ko sa sunod kong subject ay nakita ko si Bel na abala sa pagta type sa kanyang laptop kaya dahil seatmate ko siya at tolerable type naman siya ng bully ay tumabi ako sa kanya at agad siyang binati.
"Aba, mukhang busy tayo ah? Eh sa pagkakaalala ko wala naman tayong assignment."
"Wala nga pero may sasalihan tayong contest. Ang deadline ay sa December 20. Five days before christmas."
"Tayo? Contest? Ang section natin?" taka kong tanong.
"Hindi, tayo lang, Lex. Wala akong kilala sa section na ito na pwede kong maka collab na sureball akong may laban maliban sa iyo so you should be honored na ikaw ang napili ko. Anyway, ako ang magsusulat at ikaw ang magi-illustrate, alright?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!
"Wait, what? Teka lang naman! Hindi pa ako pumapayag dito ah!"
"You have no choice, Lex. Inilista ko na ang pangalan mo kanina at hindi na pwede mag backout. So either tutulungan mo ako o hindi kita hahatian sa monetary prize." kibit-balikat na tugon nito sa akin.
Napasalampak nalang ako ng ulo ko sa table ko. Tsk, tsk.
I guess, I really have no choice na talaga. But wait, did she say. .?
"Magkano ang prize?"
"Five thousand."
"Okay, I'm in!" saad ko at nag thumbs up na kinatawa lang niya.
"Anyway, anong nangyari sa iyo at ang saya mo kanina pagpasok dito? Don't tell me nag decide ka na magsabi kay Rona na crush mo siya?"
Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa takot na baka may makarinig sa sinabi niya. Inis niyang tinanggal ang kamay ko at hinampas iyon ng malakas. Duon palang nagtinginan ang iilan sa amin.
"Ang sakit ha!" saad ko habang hinihimas ang kamay kong pinalo niya. Namumula na tuloy! Lakas naman nito manghampas, "Hindi pa, pero niyaya niya ako sa birthday niya."
"Huh? Nagbi-birthday pala si Rona?" gulat na tanong nito na para bang ang weird na may birthday 'yung crush ko.
"Malamang! Ano tingin mo duon, alien?" inis kong tugon, "Ininvite ka ba niya?"
Nagkibit balikat ito. Hindi ko naman napigilan na hindi mapahagikhik.
"Kaya naman pala. Hindi ka pala na-invite."
"Kahit naman iinvite pa ako, hindi pa rin naman ako pupunta."
"Bakit naman?" kunot-nuo kong tanong.
"Slow ka, bata! Nagseselos iyang si Bel kay Rona!" dinig kong sabi ni Rome. Sira ulo talaga itong isang ito.
"Hindi niya kasi vibes si Rona gaya ko." dagdag ni Gabi.
Muli lang siyang nag kibit balikat sa akin at tinignan ako sa mga mata ko.
"Ingat ka nalang at enjoy ka. Kung kailangan mo ng backup kung sakali, tawagan mo nalang ako." saad niya at bumalik sa pagta-type sa harap ng laptop niya.
Ewan ko ba pero parang may something sa akin na hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng sabihin niya iyon.
Pagdating ng uwian, ay ako lang mag isa ang nagaabang ngayon sa sakayan ng jeep. Maaga kasi ang uwian ngayon nila Moi at sinabi nito sa akin na dadaan siya ng simbahan dahil tutulungan niya si Tito sa gawain nito.
Nag offer naman ako na tumulong pero sabi nito na siya nalang ang bahala at umuwi ako ng maaga dahil wala kasama sina Lola kaya syempre dahil masunurin ako eh sinunod ko ang inutos nito sa akin.
Hanggang sa makauwi ako at ngayon naghihintay nalang ako makatulog ay hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yung sinabi sa akin ni Bel.
"Sa tingin mo, may gusto nga talaga sa akin si Rona?" tanong ko kay Gabi na nakaupo sa upuan habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.
"Bakit hindi siya mismo tanungin mo?"
"Baka kasi assuming lang ako. Baka dala lang ito ng mga sinasabi ni Rome."
"Kung may gusto man siya sa iyo o wala, sa kanilang dalawa ng crush mo, si Bel ang mas gusto ko para sa iyo." nakangiting sabi nito.
Ten pm na at kakatapos ko lang magdasal. Ako nalang ang nasa kwarto at wala na ang mga bantay ko ng marinig ko ang pagdating ng kotse sa labas ng bahay namin. Buti nalang pala hindi ako sumama sa kanila.
------------------------------------------------------------
Date Posted: December 28, 2021
Tadaa! Time check, it's 03:00 AM. Kamusta ang lahat? Kamusta kayo sa updates ko kahapon? Enjoy ba tayong lahat? By the way, ano palang handa ninyo ng christmas? Meron pa ba? Anyway, 'til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...