Pagmulat ng mga mata ko, agad akong napabuntung-hininga. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko ngayong araw. Nakatitig lang ako sa kisame, naghihintay na baka makita ko ang sagot sa katanungan sa isip ko ngunit wala. Wala akong nakita.
Bumangon ako at agad na napatingin sa dalawang bultong magkadikit at kapwa natutulog. Napangiti ako sa nakita ko and somehow, I felt a strange tingle in my heart. Ewan ko ba.
Pagtapak ng paa ko sa sahig, agad na nagising yung dalawa. Agad silang naglayo at naiilang na nagkatitigan at tumingin sa akin na parang akala mo may bagay akong nalaman na tinatago nila mula sa akin.
"H-Himala! Hindi ako nasunog sa balikat mo." out of nowhere na sabi ni Gabi.
"Naku, anghel ko, ineexpect mo ba na susunugin ko iyang maganda mong mukha? Aba, nakakasakit ka naman ng feelings." saad ni Rome na animo'y babaeng nagtatampo sabay ngisi.
"Umagang-umaga ah, nagsisimula na naman kayo." sita ko sa kanila bago ako lumabas ng kwarto para maligo.
Nagkasalubong pa kami ni Moi sa cr, mukhang katatapos niya lang maligo pero ang weird ng way ng paglalakad niya. Napano siya?
"Uy, bakit ganyan ka maglakad?" usisa ko.
Para naman siyang nagulat sa prisensya ko at impit na napangiti.
"Nadulas kasi ako sa luob ng cr. Pero okay lang. Keribels lang." tugon niya.
"Sumayaw-sayaw ka siguro kaya ka nadulas. Tsk, tsk. H'wag ganuon." pabiro kong sabi at inalalayan siya pabalik sa kwarto niya at saka bumalik sa cr para maligo.
Napangiti ako habang naliligo ng maalalang ngayon 'yung birthday ni Rona. Ano kayang suot niya mamaya? Siguro ang ganda-ganda niya. Well, lagi naman siyang maganda kaya nga nagustuhan ko siya eh.
Bigla ko ding naalala si Bel. Ayain ko kaya siya na sumama? Thou kasi sa pagkakaalala ko hindi yata siya inimbitahan ni Rona. Hindi ko alam kung bakit pero obviously mukhang wala ding balak pumunta yung isang iyon kung sakali mang ininvite siya. Parang hindi niya fortè ang mga ganuong pagtitipon.
Sinu-sino kaya kaming mga nanduon?
Nagbibihis na ako ng maramdaman kong nasa likuran ko sina Rome at Gabi at 'yung titig nila sa likuran ko parang nangbubutas na. Napabuntung-hininga ako at hinarap sila.
"May gusto ba kayong sabihin?" tanong ko.
"Sigurado ka ba talagang pupunta ka duon sa party ng babae na iyon?" tanong ni Gabi.
"Oo. Bakit naman hindi? Ininvite ako at saka nakabili na ako ng regalo, di ba? Kasama ko pa kayong bumili nu'n."
"Sure ka bang magsisinungaling ka duon sa mga matatanda na nasa labas at kumakain ngayon ng almusal?" tanong ni Rome.
Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi niyang iyon. I mean, kung si Gabi mapapalampas ko pa dahil anghel siya pero si Rome? Si Rome ba talaga ito? Ang laging natutuwa kapag nakakagawa ako ng makasalanang bagay? Kailan pa siya nagkaruon ng konsensya mung magsinungaling ako?
"Teka nga, ikaw ba iyan Rome? O, ibang demonyo ka na nagpapanggap lang na si Rome?" tanong ko at napasandal sa malaking cabinet ko.
Nagkatinginan sila sa isa't-isa at napabuntung-hininga.
"Nagaalala lang kami sa iyo, bata."
"Oo nga. Paano kung may biglang mangyari at hindi ka namin matulungan? Hindi naman kami agad-agad makakapag anyong tao. Nasabi na naman sa iyo nuon na matagal na panahon ulit ang gugugulin para lang magawa naman ulit ang nagawa namin ng nakaraan." nakangusong paliwanag ni Gabi.
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...