Believe it or not, kung anong kina angas ng kotseng sinasakyan naming tatlo siyang sobrang oldies naman ng tugtugan ng dalawa. Napapailing nalang ako dito sa back seat. Nasa harapan kasi nakaupo sina Rome at Gabi. Si Rome ang nagmamaneho habang si Gabi nasa shotgun seat. I am surprised na pumayag si Gabi na si Rome ang magmamaneho ng sinasakyan namin ngayon. Kasi alam ninyo na? I'm not being judgmental, okay? I'm just saying.
Ganuon pa man, natutuwa akong pagmasdan silang dalawa na nagkakasundo.
Si Gabi parang bata na kung anu-ano ang tinuturo na makita niya sa labas na dapat involve kaming dalawa ni Rome habang si Rome naiiling nalang habang nagmamaneho and did I mention na ang hot tignan ni Rome magmaneho like, if you could only see paano niya hawakan 'yung manibela.
But again, I'm not gay, okay? I think. . I mean, basta hindi. Straight ako.
Magsasalita sana ako para tanungin kung alam ba nila ang daan papuntang amusement park dahil kanina pa kami nasa biyahe pero agad pinutol ng dalawa ang balak kong sabihin ng isang pamilyar na tugtot ang umalingawngaw sa luob ng sasakyan.
Oh wait, don't tell me ito ang jam song nila? Hindi ako informed na may jam song din pala ang anghel at demonyo? Tsk, tsk. Nakakatuwa naman ito. Para silang mag jowang may themesong.
Oh my love
My darling
I've hunger for your touch
A long, lonely time
And time goes by, so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
Halos lumaglag ang panga ko ng in perfect sync ang boses nilang dalawa ng sabayan nila 'yung kanta at ng magkatinginan sila sabay pa silang ngumiti kaya naman ng matapos 'yung kanta, it was the perfect opportunity para asarin ko sila.
"Aba, mukha kayong mag jowa ah. Tsk, tsk. Gagawa na ba ako ng pangalan ng loveteam ninyo?" nakangising asar ko at sabay silang tumingin sa akin. I mean, si Rome tinignan ako sa rearview mirror samantalang si Gabi nilingon ako kaya hindi ko napigilan na hindi matawa.
But why is that I felt weird ng biniro ko silang dalawa ng ganuon? Hindi naman siguro ako nagseselos sa isa sa kanila 'di ba? Ehem.
At sa wakas, matapos ang ilang oras na biyahe para sa akin ay sa wakas nakarating din kami sa amusement park.
"Woah." iyon ang una kong nasabi ng mapansin kong walang gaanong tao. Anong araw ba ngayon? I mean, usually kapag weekend at malapit na ang holidays dapat marami ang tao but, nevermind. At least, hindi ganuon kasikip. Mage enjoy ako nito for sure. Sana nga lang kasama din namin si Moi. Maybe, next time. For sure matutuwa iyon sa ganito.
Nang lingunin ko si Rome ay normal na poker face lang siya samantalang si Gabi, ayun. Nagniningning ang mga mata. Don't tell me gusto niya 'yung mga ganito? Iba din pala trip ng mga anghel. Tsk, tsk.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at 1 pm palang. Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang maeenjoy at masasakyan namin ang lahat ng rides na nanditoat makakauwi kami ng maaga.
"Oh kayong dalawa, dikit kayo sa akin. Mag picture tayo." sabi ko sa kanila. Nang una ayaw pa ni Rome pero in the end wala din naman siyang nagawa ng sapilitan siyang hatakin ni Gabi.
Naglalakad kami papunta sa unang ride na sasakyan namin ng mauna si Gabi sa amin at parang batang excited na excited. Ang hindi niya alam 'yung unang ride na gusto niyang sakyan ay literal na extreme mula sa pangalan palang kung saan ito hinango. Hindi ko maiwasang titigan 'yung picture naming tatlo. Ang cute kasi. Parang kuya ko sila tapos ako 'yung bunso.
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...