"Ay wow, ang kabog ng pa-event ng school ah?! Hindi halatang pinagkagastusan. Siguro dito napunta yung binayad natin na tuition ngayong sem." biro ni Moi pagdating namin sa venue ng ball dance.
Black and Gold with a hint of red kasi ang touch ng theme ng party. Very classic and high-end kumbaga sa paningin.
"Oo nga 'no? Magkano kaya binayad nila sa nag organize nito? Lakas maka mayaman ng theme eh. Kahiya sa semi-formal attire natin. Teka, nasaan na ba si Bel?" usal ko habang hinahanap siya sa luob ng venue. Ang dami kasing estudyante na nagkukumpulan at hindi ko alam kung saan siya banda naka pwesto kasi hindi naman siya nag notify sa amin ni Moi kung nandito na siya o wala pa.
Maya-maya ay tinapik ako ni Moi at napatingin ako sa gawi na tinuro niya at duon, nakita namin si Bel na abalang-abala sa pagtatype sa cellphone niya kaya naman wala na kaming sinayang pa na oras at nilapitan siya.
"Uy! Nandito na pala kayo." bungad niya sa amin ng makaupo kami sa table.
"Hindi ka nagsabi nandito ka na pala." usal ko.
Napangisi naman si Bel.
"Sorry nawala sa isip ko. Teka, nasaan sina Gabi at Rome?" tanong niya at agad na tumingin sa likuran namin ni Moi.
"Maya-maya nand'yan na sila. Hintayin mo lang. Dumarating iyan kung kailan hindi mo sila hinahanap eh." tugon ko.
Tumango naman sila ni Moi at wala pang kalahating oras ay napuno na ang buong venue. Hindi nga nakaligtas sa paningin ko ang pagdating nina Rona at Ryan. Nakasukbit ang kamay ni Rona kay Ryan.
"Tsk, birds of the same feather flocks together talaga." dinig kong sabi ni Bel kaya agad ko siyang nilingon.
"Tama na iyan. Baka mamaya may makarinig pa sa iyo magsimula na naman ito ng away. Nandito tayo para mag enjoy kahit na hindi naman talaga tayo dapat nandito ngayon." saad ko.
"Okay." mataray at sabay na tugon nina Bel at Moi kaya napailing nalang ako.
Tumayo ang Dean sa gitna ng stage, hudyat na opisyonal ng sisimulan ang ball dance dahil magiispeech na ito na aminin man natin o hindi, wala naman talaga ang may paki.
Karamihan sa mga nandito, nandito para pumarty with friends, ipagyabang ang suot nila, uminom, at gumawa ng kalokohan pag uwi. Anong klaseng kalokohan naman iyon? Aba'y sila lang ang nakakaalam nu'n.
After ng speech ng Dean at ng iilang members ng university ay umingay na ang dance floor, meaning oras na para pumarty. Magwalwal.
"Tara! Huwag kang KJ d'yan, Lex!" excited na saad ni Moi at hinatak ako mula sa kinauupuan ko papunta sa dancefloor. Nailing nalamang ako dahil walang nagawa ang pagtanggi ko sa kanya. Tsk, tsk.
"Dapat si Bel nalang sinama mo dito. Alam mo namang hindi ako sumasayaw." saad ko na halos pasigaw malapit sa tenga niya dahil baka hindi niya ako marinig dahil sa pinaghalong ingay ng ibang estudyante at ng kumakalampag na tugtog. Pakiramdam ko nga umuuga ang sahig.
"Okay lang iyan! Ano bang kinakatakot mo? Sina Ryan?" tugon niya habang gumigiling katabi ang ilang mananayaw na tinatamaan ako dahil sa moves nila pero tolerable naman. Wala pang naiinom na alak ang mga ito pero high energy na sila. Nakakatakot. Ano bang vitamins ininom nila for today's event?
"H-Hindi ah. What made you think that way?"
Nagkibit-balikat lang siya at tuloy pa rin sa kanyang pagsasayaw samantalang ako, napunta na kung saan-saan ang mata ko hanggang sa makarating sa pwesto nina Ryan at Rona na naghaharutan. Nakaramdam ako ng kaunting kirot dahil well, alam ninyo naman kung gaano ko ka-crush si Rona pero kapag naaalala ko 'yung nangyari sa pagitan namin at nila ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kasiyahan na naputol ang koneksyon na meron ako sa kanila. They're not good for me. They're the kind of influence I don't want myself to associate with.
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...